“Stay here.” Utos ni Akio sa kanya.
“Call our lawyer!” utos naman niya sa binata.
“Later, basta wag kang lalabas dito. Antayin mo akong bumalik ok?” Naguguluhan siya sa asta ni Akio kanina lamang ay gusto siya nitong ipakulong ngunit ngayon ay daig pa nito ang kanyang ama kung utusan siya magpagayon pa man ay sinunod niya ito.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na rin ang binata. Dala-dala nito ang nanakaw niyang bag. “Check your valuables.” Ibinigay niya ang bag ni Tiffany.
Sa halip na sundin ang sinabi ay umiyak siya.
“Bakit ka umiiyak?”
“It’s all your fault.” Paninisi niya sa binata.
“I just told you to check your things.” Naguguluhan na si Akio. Patuloy lamang sa pag-iyak ang dalaga.
“May alcohol ka ba dyan?” Tanong niya habang humihikbi natawa naman si Akio. Kaya pala hindi nito hinahawakan ang bag, gusto muna niyang idisinfect.
Sa halip na sumagot ay siya na ang bumuklat niyon at inilabas ang mga laman. May natagpuan siyang alcohol duon at iniabot sa dalaga.
“I thought I’m going to lose you.” Niyakap niya ang mga gamit matapos punasan ng may alcohol.
“Hey! Stop it!” saway ni Akio ng bigla na lamang siyang inisprayan ng pabango ni Tiffany.
“Ayan, mabango na siya chanel no. 5.” Kinausap niya ang pabango. “That’s my way of saying thank you Mr. Suplado.” Nginitian niya ng matamis ito.
“I don’t accept thank you.” Sumeryoso ito.
“Salamat sa pag-babalik mo sa akin!” She hugged him so tight.
Nabigla ng husto ang binata. Panandalian itong natigilan. Para bang wala ng tao sa silid na iyon. Natameme ang binata at ang tanging naririnig lamang niya ay ang lakas ng tibok ng kanyang puso.
“Come on I’ll buy you a token of appreciation. And I won’t take no for an answer.” Umabrisiete siya at naglakad na sila.
“Just make it cash.” Sagot niya ng makabawi siya.
“No way!”
“Let’s have lunch first.” Nagpunta sila sa isang fastfood.
“You know I don’t eat in here right?” Puno kaya ng oil ang mga pagkain sa fastfood, its not good for us. Hindi na niya dinugtong pa ang mga katagang iyon.
“It’s too expensive to eat in a fine dining restaurant.”
“Basta ayoko sa fastfood. Ayoko ng instant. I’ll pay for it. Basta sa fine dining tayo.”
Pinagbigyan na siya ni Akio. Tutal naman ay pagkain ang inaarte nito mas acceptable iyon.
“I never really thought na may puso ka.” Pinaghila si Tiffany ng upuan ng waiter.
“Sinong nagsabing wala ako nun?” naupo na rin ang binata. Anong tingin ng maarteng babaeng ito sa akin, Zombie?
“Ang sama mo kasi. Pero kanina na feel ko na lalaki ka rin pala.” Hindi siya pinansin nito at tumingin lamang sa menu. “Ayan! That’s exactly the reason why. You are too snob. Dinadaig mo pa ako.”
“Hindi lang ako pumapatol sa conversations na walang sense at ayokong umuulit ng sinasabi.”
“Well that makes sense, she flipped her hair.”
“Ang arte mo.”
“Yeah, I get that a lot. I’m happy with it. At least I’m not a snob.” Mas inartehan pa niya ang pagsasalita.
Naiiling habang ngumingiti ang binata. Pasalamat ka bagay sa iyo. Sa isip niya.
“Hoy, Akio! Bakit tumatawa ka mag-isa?” untag sa kanya ni PJ. Habang tumatambay sila sa studio nila ay nag-iisa ito at tumatawa mag-isa. Inisnob lamang niya ito.
“Bro, parang iba ang amoy mo.” Sita ni Kenzie. Nilapitan naman siya ng iba pa niyang mga kaibigan at inamoy.
“Oo nga amoy babae ka.” Segunda ni PJ.
Ginatungan naman ni Martino ang mga panghihinala. “Aha! Sinasabi ko na nga ba! Babae mo ang tinatago mo kanina sa prisinto. Natatakot kang mahulog siya sa aking alindog.” The lawyer accused. Ito ang tumulong kanina upang maretrieve ang nanakaw kay Tiffany at makulong ang snatcher.
Nagkibit balikat si Akio bilang sagot.
“Alam ko ang amoy na yan. Chanel no. 5, yan din gamit ng ate ko eh.” Si Chad naman ang lumapit.
“Aba mamahalin ang taste niya. Pati ang bag kanina ay Hermes.” Kumento ni Martino.
“Magpapractice ba tayo o hindi?” Tumayo na si Akio sa kinauupuan.
“Umiiwas!” sabay-sabay na sabi ng kanyang mga kaibigan.
Maagang pumunta si Tiffany sa bahay ng mga Masaru ng sumunod na araw. May ibibigay raw kasi ang matandang Masaru sa kanya na importante kay Akio. At least ay magiging patas na sila. Iyon ang ipambablackmail niya sa binata upang ibalik na nito ang kanyang sing-sing.
“Iha, eto ang pinakaiingat-ingatan ni Akio. Ipinagkakatiwala ko sa iyo.” Iniabot nito ang isang bagay sa kanya. “Nagpaka-ala mission impossible pa ang kuya niya para lang makuha iyan ng hindi napapansin ni Akio.”
“An ATM card?”
“Oo, iyan ang access niya sa sahod niya sa opisina. Kung wala iyan, wala siyang perang maiwiwithdraw. Laging walang balance ang bank account niya.” Malapad ang ngiti ng matanda.
“Hindi po ba ninyo siya binibigyan ng credit card? I mean wala ba siyang share sa earnings ng inyong mall?” takang tanong niya. Para kasi itong isang empleyado na sahod lamang ang nakukuha at hindi parte ng mga Masaru na siyang may-ari ng mall.
“Hindi ko ba alam sa batang iyon. Hindi siya nanghihingi ng pera sa akin mula ng gumraduate siya at puro sahod lamang ang inaasahan niya.”
“Isn’t that unfair? Ang mga kapatid niya ay tumatangap ng share sa earnings pero siya hindi?” Well it’s not like the socialite cares, she’s just curious.
“No, no not at all. I created a trust fund for him at duon napupunta ang lahat ng shares niyang hindi niya ginagalaw. Maitanong ko nga pala iha. Ano nga ba talaga ang mahalagang bagay mo na nasa anak ko?”
“My ring.” Sagot niya.
“Oh, may family heirloom pala kayo na sing-sing.”
“No, it’s not a family heirloom. It’s my limited edition tiffany ring with a yellow diamond. You know how rare those diamonds are and it’s from tiffany and co.” And the old man thought it was as important as an heirloom.
Well bagay nga kayo ni Akio his most valuable thing is his ATM card and yours is a limited edition ring. That’s when the man decided these two will be a perfect match
BINABASA MO ANG
Swear it on my Tiffany's - Completed
RomanceAkio Masaru -The witty one. Ang half Japanese half Filipino na may pagka suplado, ok fine hindi lang pagka suplado kung hindi ubod ng suplado. Hinding-hindi siya magugulangan nino man. He spends his money wisely. Ewan ba nila kung taktika nito ang p...