Matapos magrehearse ay nagsiligo na ang mga ito. Tiffany waited in the lounge habang ang mga binata ay nasa shower room. Ang lungga ng whiz-bang ay tatlong condo na magkakadikit na kinonvert nila into their oasis. They have a mirror room kung saan sila nageensayo ng sayaw, a recording room, two bedrooms, a bathroom with a sauna at ang kinaroroonan ngayon ni Tiffany, ang lounge parang dining area and sala combined. Sino mang babae ngayon ay maiingit sa kalagayan ni Tiffany, she has the privilege to see these five dazzling men fresh from the shower. Water dripping from their hair the smell of their soap as well as the after shave cream swirling in the room gives a tingling sensation.
She prepared them juice together with the pizza, halos lunch time na rin kasi.
“Wow, ayos pala ang may babae dito.” Lumapit kaagad si Chad kay Tiffany.
“Oo, she is doing your chores.” Sinundan siya ni Kenzie.
“Bro, kain na.” Yaya ni PJ kay Akio na huling lumabas mula sa pagliligo. The socialite’s heart skip a beat ng masilayan ang binata. Nakasuot ito ng puting t-shirt at parang slow motion ang paglingon nito sa dalaga mula sa pagpapatuyo ng buhok sa towel.
“Hindi na. Busog pa ako.” Kinuha na nito ang gamit. “I’ll go ahead.” Paalam nito at tinahak ang daan palabas.
“Akio, wait for me!” habol nanaman ni Tiffany sa kanya. “Nice meeting you guys, bye.” Paalam na rin niya.
Naabutan niya ito sa may elevator. “Ganyan ka ba talaga Akio? You love to make women chase after you.”
“I never tell them to.”
“But you take pleasure in it right?” Nagkibit balikat lamang ang binata. “Such a pervert snob.” She murmured. Hindi na siya pinansin nito hangga sa parking area.
“Where’s your car?” tanong ng binata.
“I didn’t bring it. Nakalimutan mo na ba?”
“Look Tiffany, I don’t have time for this. May pupuntahan pa ako.”
“I know and I’m starving. It’s lunch at hindi man lang ako nakakain nung dala ko. Ikaw kasi umalis ka agad.”
“Who told you to follow me?”
“Your mouth didn’t do it but your actions say it loud and proud. Like TIFFANY LET’S GO, so now you owe me lunch.” Namaywang na siya.
Akio didn’t argue anymore, ayaw na niyang humaba pa ang usapan. Ngunit bago tumuloy ay may dadaanan muna raw sila. Tiffany secretly smiled ng tumigil sila sa tapat ng isang bangko. Now is the time, magwiwithdraw ang binata.
Nagmamadaling bumalik sa sasakyan si Akio bakas ang pag-aalala sa mukha ng abutan niya si Tiffany na nakasandal sa sasakyan.
“What’s wrong?” kunwari pa niyang pag-aalala.
“I can’t find my ATM. Lagi lang iyong nasa wallet ko.”
“Really?! So this is what you are looking for?” ipinakita niya ang card.
Nanlaki ang mga singkit na mata ng binata. “How did you get that?” nagugulumihanan si Akio.
“Ahm, it’s not important?” She was mocking him. “Give me back my ring and you’ll get this back.”
“I told you it’s currently on rent so give me my ATM card.” Inabot nito iyon ngunit iniwas ni Tiffany ang card.
“Ops! Not possible.”
“Look Tiffany. I really need that, so just give it to me, ok?” he tries to keep calm.
“Oh, now you know how it feels. That ring is also important to me. I’ll keep this card until you give me back my ring.”
“Tiffany, I need that now.” He said in a commanding voice.
“I also need my ring from before until now but you haven’t given it back. That’s very important for me.”
“Its important for you? Because it’s a limited edition? You are just a spoiled brat who wastes money on worthless things and you are claiming to know the meaning of importance?” tuluyan ng nagalit si Akio.
“What?” gulat ang dalaga. “How could you say such?” nailing siya na parang frustrated na paniwalain si Akio.
“It’s easy. You spend half a million for an outfit. You love to mess around and careless about life.”
“How dare you say that?”
“You don’t know the worth of money Miss Havera. You never worked for it. Ang alam mo lang ay maglustay niyon. I pity you.”
“You don’t know anything about me Akio. You don’t.” tuluyan ng pumatak ang kanyang mga luha. Anong karapatan nitong sabihin siyang wala siyang pahalaga sa kabuluhan ng buhay? Of all people ay siya pa ang sasabihan ng ganuon?
“Of course wala rin naman akong malalaman sa iyo. You’re one heck of a spoiled, egotistic, selfish brat.” Madidiin na salitang binitawan ni Akio na humuhusga sa pagkatao ni Tiffany. Galit siya nitong iniwan sa gitna ng kanilang argumento.
“I know what importance is, I know the value of life.” Mahina niyang usal. Unti-unting sumikip ang kanyang dib-dib at nahihirapan na siyang huminga. Ito ang kanyang iniiwasan sa tindi ng kanyang emosyon ay bumibigay ang kanyang mahinang puso. She is having a heart attack. Ilang segundo pa ay nawalan na siya ng malay.
BINABASA MO ANG
Swear it on my Tiffany's - Completed
RomantikAkio Masaru -The witty one. Ang half Japanese half Filipino na may pagka suplado, ok fine hindi lang pagka suplado kung hindi ubod ng suplado. Hinding-hindi siya magugulangan nino man. He spends his money wisely. Ewan ba nila kung taktika nito ang p...