“Miss, may bisita po kayo.” She was in her veranda admiring the beauty of their garden ng istorbohin siya ng kanilang kasambahay. Hindi naman niya ito pinansin. Alam naman nito na kapag ganuon ay papatuluyin lang nito ang kanyang bisita. It was her second day mula ng madischarge siya sa ospital at hangga ngayon ay hindi pa rin siya nauubusan ng dalaw.
Narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanya. Nacurious siya pagharap niya ay parang sumasakit nanaman ang kanyang dib-dib sa kanyang nakikita. It was Akio, binibisita siya nito. Maybe some part of his is guilty.
“Dad, gave me a punishment.” Bungad nito. “He told me na ihohold niya ang salary ko kung hindi ko siya susundin. He commanded me to be your butler until you are completely healed.” Isang matinding irap ang sagot niya rito.
Napabuga na lamang ng isang malalim na hininga si Akio. Kumuha siya ng mababasa at naupo sa sala set. Puro fashion magazines ang mga iyon kaya nakinig na lamang siya sa kanyang ipod. Ilang musika rin ang napakinggan niya ng makatulog ang binata.
“Ah, maging butler pala ah?” napamaywang siyang nakatitig sa tulog na binata. Ngayon na natitigan niya ito ng tulog ay narealize niya na tuwing pikit lamang ito hindi mukhang suplado. He looks like an angel descended from above. Natutukso siyang hawakan ang bawat parte ng mukha nito. His eyebrows were not that thick but sure are eye-catching, he has a finely chiseled nose and a full lips, his oh so tempting lips. Napalunok si Tiffany sa naiisip. Minabuti na lamang niyang umalis sa harapan nito baka magisingan pa siya ni Akio sa ganuong lagay. Aba’t mahirap na.
Tiffany is putting her make-up on ng magising si Akio. “Had fun taking a nap dear butler?” she mocks him.
“I’m sorry. Are you going somewhere?” nakita niyang bagong ligo ang dalaga at bihis na bihis.
“Obviously.”
“May check-up ka ba?”
“Wala.”
“Pwede ka na bang lumabas? I mean you are still recovering.” Hindi naman siya pinansin ni Tiffany at iniwan ang binata sa silid.
“Tiffany wait!” habol niya. “Baka mapano ka.”
“I’ll be just fine as long as you are out of my way.” She reminded him na ito ang dahilan ng nangyari sa kanya. It was quite true, naiinis pa rin siya rito at gusto niyang masaktan ang binata kaya niya iyon sinabi ngunit mukhang wala iyong epekto.
Nagpunta sila sa mall na pagmamay-ari ng mga Masaru. She is expecting that the employees will make a fuzz pag nakita nila si Akio, one of their big bosses. Iyon ang naisip niyang paraan upang lubayan na siya ng binata but it seems na hindi siya kilala ng mga ito ang binata. Yes, they are making a fuzz not because of the reason she thought but because of his demigod looks and aura. Lalo tuloy siyang nainis.
“I’ll take this.” Inihagis niya kay Akio ang ilang piraso ng damit. She didn’t care to look if he managed to catch them. Nagtuloy siyang naglakad papunta sa shoes section. She got five pairs of shoes at pinabuhat din iyon sa binata.
“Kung ayaw mong buhatin ay ako na lang.” sabi niya ng makitang kumuha ng push cart si Akio.
“Ako na nga ang nagbubuhat di ba? Kaya nga kumuha ako ng cart so that I can still manage to carry all of these.” He explained.
“I’m in a hurry kaya ayoko ng push cart. Hassel lang iyan.” Nagpapaawa pa siya ng kunin mula sa cart ang ilang damit.
“Fine.” Binawi ni Akio iyon sa kanya.
Palihim na tumawa si Tiffany. Tingnan natin kung hangga kalian ka tatagal. I still have a lot of things to buy.
Pinagtitinginan na ang binata ng mga tao roon dahil halos hindi na siya magkanda-ugaga sa binubuhat. He also has the difficulty of seeing his way dahil sa bitbit niyang tower of shoes.
“Hay, ang sarap sa pakiramdam.” Malapad ang ngiti ni Tiffany. Sa wakas ay nakakabawi na siya kay Akio. It terribly feels so good. This is like hitting two birds with a stone. Nageenjoy siya sa pagshoshopping and she is having her sweet revenge on Akio, the conceited snob.
“Want some help sir?” Nilapitan si Akio ng isang sales person.
“It’s ok, he can manage.” Instead of him, she is the one who answered.
“Ang sweet naman, buti pa siya sinasamahan ng boyfriend niyang mamili at tingnan mo naman ang bonnga ng binibili para sa girlfriend.” Tiffany heard one of the girls say. Gosh, boyfriend daw? Mas gusto niyang isipin nila sa julalay lang si Akio pero kahit ata anong gawin niya ay hindi magmumukhang alalay ang binata. Life is really unfair, pag gwapo ang nagbubuhat boyfriend agad hindi ba pwedeng alalay muna?
“You’re seriously going buy all of these?” matiim na tanong sa kanya ni Akio ng nasa cashier na sila.
“Yeah.”
“You’re going to max-out credit cards…….again?” he gave emphasis on again.
“Binuhat mo iyan sa buong dep’t store ng hindi nagrereklamo and now ay hindi ka makapaniwala na bibilhin ko lahat yan?”
“I thought you just want to make fun of me. Magsasayang ka na naman ng pera.”
“Don’t mind it. I have a lot.”
“Exactly my point.” Ininspection niya ang mga damit at sapatos isa-isa he chose one and gave it to her. “Iyan na lang ang bilhin mo.”
For the first time in her life ay ngayon lamang siya namili na hindi lumampas sa credit limit niya. How could this man tame her with just those simple words? Whats wrong with her? Para siyang isang maamong tupa kapag ito na ang nagsalita with finality. Oh I know! He must be a wizard.
She feels a little tired kaya naisipan niyang magpunta muna sa VIP lounge. She showed her VVIP card at agad naman siyang pinapasok. Tuloy-tuloy lamang siyang naglakad leaving Akio behind. Hinarang si Akio ng bantay dahil wala siyang card then he showed his I.D at daig pa ng mga receptionist ang binuhusan ng malamig na tubig. Finally nakita rin nila ang mailap na vice president for finance ng mall na iyon.
BINABASA MO ANG
Swear it on my Tiffany's - Completed
RomanceAkio Masaru -The witty one. Ang half Japanese half Filipino na may pagka suplado, ok fine hindi lang pagka suplado kung hindi ubod ng suplado. Hinding-hindi siya magugulangan nino man. He spends his money wisely. Ewan ba nila kung taktika nito ang p...