Chapter One

415K 7K 580
                                    

CHAPTER ONE

Twenty-five years later...

Year 2013.

NAPASUBSOB SI Lana sa bar table kung saan siya umiinom mag-isa. She can feel that she's already drunk but she can't stop herself from drinking.

Gusto niyang uminom hanggang sa magmanhid ang buong pakiramdam niya. Gusto niyang magmanhid ang lahat ng nararamdaman niya hanggang sa makalimutan niya na ang sakit sa puso niya.

Kahit pala paulit-ulit niyang sabihin sa sarili na tanggap niya na ang katotohanang kasal na si Reeve sa iba, hindi niya pa rin talaga kaya. She cannot be with her first love anymore. Wala na lahat ng pag-asa na maibalik pa ang mayroon sila ni Reeve noon.

Kasalanan mo naman, Lana. Kasalanan mo! Paninisi niya pa sa sarili.

Malay niya ba kasi? Malay niya bang makakaligtas pa siya sa dati niyang sakit? Malay niya bang gagaling pa pala siya? Malay niya bang may pag-asa pa siyang mabuhay?

Kung alam lang niya lahat iyon, eh di sana, hindi niya tinaboy si Reeve noon... Hindi sana niya ito nasaktan... Hindi sana mawawala ang pag-ibig nito sa kanya...

Nanghihinang inabot niya ang baso niya ng vodka at uminom muli roon.

Kahit pala ipilit niya sa sarili na makuntento na lang dahil natagpuan naman niya ang totoong pamilya niya noon, hindi pa rin. Kulang pa rin talaga. Hindi na sa kanya si Reeve.

Kasal na ito. Kasal na ito sa isang mabuting tao na tinulungan pa sila ng kapatid niyang si Prince para maayos ang gusot nila kay Reeve.

"You're so stupid, Lana," bulong niya sa sarili. "Stupid!"

Maayos na nga sila ni Reeve. Hindi na ito galit dahil alam nito at naintindihan na nito ang lahat nang pinagdaanan niya noon.Nagkalinawan na rin sila pagkatapos ng labing-dalawang taon! Humingi na ito ng closure para sa ikatatahimik nito at para sa kapakanan ng asawa nitong si Agatha.

"And you acted like you're fine with it!" kastigo niya sa sarili. Mukha na siguro siyang baliw sa kakausap sa sarili. Pero totoong nasasaktan siya. Gusto niyang maging masaya dahil masaya na si Reeve sa asawa nito.

Pero, hindi, eh. Masakit pa rin para sa kanya iyon.

Napalagok ulit siya ng alak. Hindi. Hindi siya iiyak! Ayaw niya nang umiyak pa. Siguro, kailangan niya na talagang mag-move on.

Sumakit na ng tuluyan ang ulo ni Lana nang tumunog ng malakas ang musika sa loob ng bar.Nag-uumpisa na ang gabi para sa mga tao doon.

Napasubsob na naman siya sa bar counter. Napaungol siya sa sakit ng ulo. Kailangan niya nang umuwi. O kaya ay magpasundo siguro sa kapatid niyang si Prince. Hindi na niya kakayanin pang magmaneho.

Ngunit... parang ayaw niya pa talaga. Gusto niyang magpatuloy na uminom hanggang sa makalimutan niya si Reeve.

Napabuntong-hininga siya at saka sinubukang tumayo. Pero umikot nang mabilis ang paningin niya. Babagsak sana siya sa lupa kung hindi lang siya mabilis na nasalo ngkung sino.

His strong arms around her waist was firm. Magkadikit ng sobra ang kanilang mga katawanat hindi niya iyon napansin. Nakakaliyo kasi ang pabango nitong hindi matapang ngunit lalaking-lalaki.

Parang si Reeve.

Napaangat siya ng tingin. Ngunit sa pagkadismaya niya ay hindi ito si Reeve. Kahit nanlalabo ang mga mata ay kilalang-kilala niya ang dating nobyo. Pero ang lalaki ay may napakaitim din na mga mata katulad ng huli.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon