Chapter Twenty-Two

235K 4.9K 246
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

KASALUKUYANG kumakain si Lana nang paborito niyang cake at may isang baso pa siya ng malamig na fresh milk habang nakatambay siya sa teresa ng kanilang bahay.

            Maingat ang pagnguya niya nang cake habang nakatingin sa kawalan. Hapon pa lang ngunit napakalamig na ng simoy ng hangin. Christmas week na kasi. Sa mga kapitbahay nila, halata na ang simoy ng Pasko. Kahit sa bahay nila, lahat masaya at excited sa paglalagay ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree.

            Siya, pinipilit niyang magpakasaya. Because her baby feels what she feels, sabi ng doktor niya. Kaya pinipilit niyang sumaya. Ngunit, paano naman siya sasaya kung hanggang ngayon wala pa rin siyang kaalam-alam kung nasaan si Dylan?

            Dapat kahapon ang araw nang pagbalik nito at ngayon ang araw na pupunta sila ng Baguio upang gugulin ang tatlong araw doon at pagkatapos ay sa mismong araw sila ng Pasko uuwi. Naka-vacation leave na nga siya sa trabaho. Kaya naman, heto siya, naghihintay pa rin na tumawag ito.

            Sana nga bigla na lang itong sumulpot sa labas ng gate nila. Wala na siyang pakialam kung isang linggo itong hindi tumawag sa kanya. Basta, makita niya lang ito ngayon.

            Ngunit naubos niya na ang cake at gatas, dumilim na rin muli ang langit. Walang Dylan na tumawag o dumating.

            "Lana, hija..." tawag sa kanya ng Lolo Rex niya nang magkasalubong sila sa hagdan.

            Napatingin siya rito. "Lolo, bakit po?"

            Nginitian siya nito at inakay pababa ng hagdan. "Napansin kong malungkutin ka nitong nakalipas na Linggo. May problema ka ba?"

            Napabuntong-hininga siya. "Nag-aalala lang po ako kay Dylan. Hindi pa po kasi siya tumatawag sa'kin. Dapat po ay aalis kami ngayon at magbabakasyon kaso, hindi naman po siya dumating."

            "Baka naman, hindi pa tapos ang trabaho niya. Nabanggit mo na pumunta siya sa minahan ng kompanya nila sa Visayas, hindi ba?"

            "Opo," tumatangong sabi niya. "Naisip ko naman po iyan pero sana po ay tumawag naman siya o kahit magpadala lang ng isang sentence na text."

            Nakaabot sila ng sala at umupo silang mag-lolo sa sofa. "Sa tingin niyo, Lolo, ano na po kayang nangyari kay Dylan? Bakit hindi niya po ako tinatawagan?"

            "Wala akong masasabi, apo. Nagkatampuhan ba kayo?"

            Napalabi siya. "Medyo po. Kasalanan ko po kasi. Pero nagpadala na po ako sa kanya ng voice message at saka maraming text messages. I already said sorry but he never contacted me..."

            "Huwag ka na lang masyadong mag-isip ng masamang nangyari. Baka totoong naging abala si Dylan at mas tumagal ang trabaho niya. Baka rin, nawala o nasira ang telepono niya at kaya ikaw ay hindi niya matawagan," ani ng matanda. "Sa tingin mo ba, walang dahilan kung bakit hindi kayo makapag-usap ni Dylan?"

            Umiling siya. "Mayroon po siguro." Ngunit, ano iyon? Iyon ang gustong malaman ni Lana. Ngunit parang ang labo.

            "Ganito, Lana. Hayaan mo muna ang mga problema, maliwanag? Sigurado akong makakapag-usap at magkikita ulit kayo ni Dylan. Magsimba tayong buong pamilya bukas. Ipagdasal mo ang relasyon niyo. At magpakasaya ka muna hanggang sa darating na Pasko," nakangiting sabi ng kanyang Lolo at saka hinaplos ang kanyang buhok. "Lalo kang gumaganda ngunit lagi namang malungkot. Keep the bad vibes away, alright?"

            Napangiti siya at saka tinanguan ang kanyang Lolo. Pagkuwa'y niyakap niya ito. Oo nga, kailangan niyang iwasang maging malungkot. She'll just pray that Dylan would eventually call her, at sana ay ligtas lang ito.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon