Chapter Twelve

296K 5.1K 280
                                    

CHAPTER TWELVE

TAPOS na ang trabaho ni Lana sa araw na iyon kaya naman pumunta siya sa paborito niyang pastryshop. She felt extremely tired, so she decided to indulge herself by eating a chocolate cake. Also, she does not want to stress herself waiting for Dylan to call her. Tuluyan lang siyang maiinis.

Pagkapasok ni Lana sa loob ng pastryshop kung saan niya binibili ang paborito niyang cake, ay napakaraming tao sa loob. Lihim siyang napangiwi. Magte-take out na lang siguro siya at sa bahay na kakain.

Dumiretso siya sa counter at um-order ng isang box ng chocolate cake. Naisip niyang magandang mapagsaluhan nilang magkakapamilya iyon pagkauwi niya ng bahay.

"Thank you for ordering, Ma'am. Come back again," nakangiting sabi ng cashier pagka-abot nito sa kanya ng chocolate cake.

She smiled back before leaving the shop with her cake. Palabas na sana siya ng may tumawag sa kanyang pamilyar na boses.

"Lana?"

Lumingon siya. "Eugene?" she acknowledged him.

Mula sa kinauupuan ay lumapit ito sa kanya. "I thought I might see you here. At nandito ka nga," anito sa kanya.

She smiled. "Ganoon ba? Well, nice seeing you here. Buti di ka na masungit ngayon," biro niya pa rito. Naalala niya pa rin ng matapunan niya ito kahapon ng strawberry shake niya at paglabahin siya nito ng natapunan niyang damit sa office nito. They had a rough start, pero nagkasundo naman sila agad.

Bahagya lang itong ngumiti. "It's nice to see you, also. Do you still have time? Come on, join me."

Pinaunlakan niya ang paanyaya nito. They shared a table for two.

"Tutal, may upuan at table na 'ko, o-order na talaga ako. Pampasalubong ko na lang 'to sa bahay," aniya habang nilalagay ang box ng cake na hawak sa lamesa. "Sandali lang, I'll order first—"

"Wait, huwag ka na tumayo. I'll order for you."

"Hindi, sige, ako na lang—"

"Just sit there and relax. Pambawi ko na lang sa pagsusungit ko sa'yo, kahapon. Alright?"

Tumango na lang siya. "I'll be fine with a slice of chocolate cake and iced tea," sabi niya sa order niya.

"Got it." Tumayo na ito at lumapit sa counter. After three minutes, bumalik na ito dala-dala ang pagkain niya. "Here you go."

"Thanks, Eugene."

Umupo na ulit ito at sumimsim sa tasa ng kape nito. "I think I'm lucky today," anito maya-maya. "Nagba-baka sakali lang ako na makita ka rito. Because I'm not even sure kung lagi ka bang nandito."

"Hindi naman ako laging nandito. Nag-crave lang ako sa paborito kong cake kaya pumunta ako dito ngayon," aniya habang kumakain na ng pagkain niya. Napangiti siya ng malasahan ang choco cake. Biglang nawala lahat ng pagod niya sa araw na iyon. "Nga pala, bakit mo naman ako kailangang hintayin rito? Paano pala kung hindi ako dumating dahil nagbabaka-sakali ka lang naman pala?"

"I want to see you. I mean, hindi ko kasi nahingi ang contact number mo kahapon."

Nagtuluy-tuloy siya sa pagkain. "Bakit mo kailangan ng number ko?" wala sa sariling tanong niya. Ang sarap-sarap talaga ng chocolate cake! Kahit sobrang tamis niyon ay hindi siya nagsasawa.

Natigilan siya sa pagkain nang dumukwang si Eugene at marahang pinunasan ang gilid ng mga labi niya gamit ang tissue.

Napatingin siya rito at siya na ang nagtuloy ng ginawa nito. "Sorry. Messy eater talaga ako kapag nakakakain ng cake." Pinunasan niya ng maigi ang bibig at saka ito nginitian. "Thanks, by the way."

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon