CHAPTER TWENTY-EIGHT
SABI NG nakararami, ang lahat ng katanungan ay may kasagutan sa takdang panahon. At minsan, kahit hindi nagtatanong, may dumadating pa ring sagot.
Alam ni Lana nang makulong dati ang asawa niyang si Dylan sa Cebu noon ay itinigil na nito ang pagtatanong kung saan nga ba ito nanggaling at kung sino ang totoong mga magulang nito. Ang mahalaga na rito ay inampon at minahal ito ng mag-asawang Guevarra.
After years, sinubukan nina Lana at Dylan na magpa-imbestiga tungkol sa kung saan kaya posibleng nanggaling si Dylan. Para sa kanila, kahit ano mang ibigay na resulta—meron man o wala, ng private investigator na kinuha nila ay maayos lang. Six months ang hininging oras ng imbestigador. Hindi nila akalain na pagkatapos pa lang ng limang buwan ay may nakita agad na impormasyon.
"Anong plano mo ngayon?" tanong niya sa asawang tahimik na umiinom ng kape. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang manganak siya sa bunso nila. Nakauwi na sila sa kanilang bahay sa Manila at kasalukuyang nasa sala silang mag-asawa upang mapag-usapan ang susunod na hakbang na gagawin nila sa mga resulta na ibinigay sa kanila ng private investigator.
Inilapag ni Dylan ang tasa ng kape nito sa center table at saka kinuha ang isang sealed-long brown envelope. Nandoon ang lahat ng impormasyon na nakalap ng inupahan nilang imbestigador.
"I just can't open this thing and read the informations inside," sambit ng asawa at saka seryosong napabaling sa kanya. "Bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang magbukas nito at magbasa?"
Umiling siya. "I think it's better if you'll be the first to know the answers, Dylan." Hinawakan niya ang kamay nito. "Come on. Open it. Let's just read it together," she encouraged him.
Malalim na napabuntong-hininga ito. Tinitigan nito ang envelope na para bang sa labas pa lang ay nababasa na nito ang nilalaman. "What if my real p-parents were still alive?"
"Magpakilala ka sa kanila. Higit kanino man, sa kanila mo malalaman ang lahat ng tanong mo dati."
"Good morning!"
Sabay silang napalingon ni Dylan sa maliit na tinig na masiglang bumati sa kanila. Napangiti si Lana nang makita ang panganay na si Aki na bagong gising at kinukusot-kusot pa ang mga mata. Her son's wearing a cute red pajamas.
"Morning, baby," bati niya rito. "Come here."
Mabilis na lumapit ito sa kanila. Kumandong agad ito kay Dylan na binigyan ito ng halik sa noo.
"What's this?" inosenteng tanong nito nang makita ang hawak na envelope ng daddy.
"Answers," simpleng tugon ni Dylan sa anak. Parehong nakatitig na ang mag-ama sa envelope.
"Are you hungry, Aki?" tanong niya sa anak.
Umiling ito at inabot ang envelope. "What's inside this? Can we open?"
Binigay ni Dylan sa anak nila ang malaking envelope. "You want to open it, baby?"
Tumango si Aki at saka sinubukan ng maliit na mga kamay nito na alisin ang seal. Napansin ni Lana na tila hindi humihinga ang asawa habang pinapanood nito si Aki na buksan ang envelope. Parang naghahanda ito sa biglaang lalabas sa loob niyon.
Mga ilang minuto siguro ang lumipas bago mabuksan ni Aki ang envelope. "Papers!" anito nang makita ang nasa loob. "Ang daming papers."
BINABASA MO ANG
Making Love - Published by PHR
RomanceNalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? Legal ang kasal kaya naman nagkaroon siya ng instant secret husband! Ano ngayon ang gagawin ni Lana s...