Finale Chapter: Chapter Thirty

203K 5.9K 1.3K
                                    

CHAPTER THIRTY

Toledo, Cebu.

More than seven years ago...

"NAIINTINDIHAN mo ba?" tanong sa kanya ni Mang Bong pagkatapos niyang mabasa ang itinuro nitong bible verse sa kanya.

Dylan sighed. "S-Siguro po..." sagot niya.

Sumalampak si Mang Bong sa lapag. Ganoon na rin ang ginawa niya.

"Basaha balik, dong."

Basahin niya daw ulit. Kaya iyon ang ginawa niya.

"Husbands, love your wives, just as Christ loved the church and gave himself up for her to make her holy, cleansing her by the washing with water through the word, and to present her to himself as a radiant church, without stain or wrinkle or any other blemish, but holy and blameless," pagbabasa niya. "In this same way, husbands ought to love their wives as their own bodies. He who loves his wife loves himself. After all, no one ever hated their own body, but they feed and care for their body, just as Christ does the church—for we are members of his body. Ephesians chapter 5, verses 25 to 30..."

Mang Bong tapped his shoulder. "Kahit ano pang naging sirkumtansya kung bakit kayo nagpakasal, ngayong maayos na ang lahat sa inyo, huwag mo ng hayaan na patuloy kayong dalawa na magtago sa mga tao," the old man advised. "Kung gusto ng asawa mo nang pansamantalang mamuhay na parang dalaga dahil iyon ang tingin niyang tama muna, patuloy lang kayong magsisinungaling sa harap ng maraming tao. Bilang isang lalaking asawa, Dylan, tungkulin mo na mahalin ang asawa mo at gabayan siya sa tamang pagsasama."

Napahimas siya sa kanyang batok. "Pero, iyon po ang gusto niya, Mang Bong. She never had the chance to live as a single lady because of her sickness in her teen to adult years. She wanted to enjoy it now that she's well."

"Tungkulin mo sa asawa mong ipaintindi sa kanya na baka ang pangalawang pagkakataon na 'to ng buhay niya ay upang maging... isang asawa at ina, at hindi mamuhay ng isang dalaga. Wala namang masama sa gusto ng asawa mo, kung gusto mo, bilang mag-asawa magkasabay niyong gawin ang mga bagay na hindi niya nagawa dati."

"Mahal mo siya kamo? Alam mong pinakamabisang pagmamahal ang maibibigay mo sa kanya?" tanong pa nito.

Pinakamabisang pagmamahal? "A-Ano po?" he curiously asked.

"Ilapit mo siya sa katotohanan ng salita ng Diyos. Ilapit niyo ang pagsasama niyo sa Ginoo. Nabasa ko nga, 'Have the marriage that will both bless the husband and the wife, and the people around them. And the only thing for that to happen is to know that the true maker of love, the Lord God , should be the center of their marriage'. O, di'ba? Ingles iyon! Maniwala ka."

Dylan lightly chuckled but deep inside him, napapalunok siya at masyadong natamaan sa sinabi ng matanda. He was suddenly drawn into a deep thinking. He must admit, he doesn't have the strongest faith but he always believed in God. At kahit saang anggulo niya tignan, tama si Mang Bong sa mga sinabi nito.

"If I don't give her the 'independence' she wanted to experience for a while, pa'no kung bigla siyang... umayaw sa kasal namin? I mean, ayoko pong ipagpilitan sa kanya ang ayaw niya muna mangyari."

"Kung sumusuko na siya, hindi ka dapat pinanghihinaan ng loob. Ipaglaban mo ang pagsasama niyo. Lahat ng kasal, ipinaglalaban. Kahit ano pang naging rason ng pagpapakasal niyo, kung mahal niyo na ang isa't isa, lalaban ka. Gustong makita nang Diyos kung hanggang saan mo kayang pangalagaan ang pangakong isinumpa niyo sa harap Niya."

"Pero, paano, Mang Bong... kung ayaw na talaga mismo ng asawa ko ang kasal namin? Should I keep on holding her?But they said, if you truly love someone, set them free..."

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon