CHAPTER NINETEEN
BAGO pa magising si Lana ay isa lang ang natatandaan niya; papunta sana siya sa living room ng mga Guevarra para kunin ang box ng cupcake na dala niya, but on her halfway, biglang lumabo ang paligid at umikot ang paningin niya. May tumawag sa kanya na nagawa niya pang lumingon at masipat si Johann. Pero lalo lang siyang nahilo at biglang nagdilim ang lahat.
Napaungol si Lana habang unti-unti na siyang nagigising.
"Honey? Allana, honey..." Dylan's concern voice registered in her mind.
Napaungol ulit siya habang dinidilat ang mga mata. Kumurap-kurap siya at mas malinaw na nabanaag si Dylan na nakatunghay sa kanya. Worry was all over his handsome face.
"Thank God, you're awake!" relieved na sabi nito. Hinaplos nito ang kanyang mukha. "Anong nararamdaman mo?"
Bahagya siyang bumangon. Hindi naman na kasi siya nahihilo pa o ano. "G-Gusto ko ng tubig..." nasambit niya dahil ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan.
Agad na tumayo si Dylan at pumunta sa isang gilid ng malaking kuwarto. May maliit na personal ref doon at naglabas ito ng bottled water. Iginala ni Lana ang paningin. Brown wood at dirty white ang interior ng kuwarto at sobrang laki. Maraming furnitures at modern pa ang TV set. Parang katumbas na ng suite sa isang hotel. Pati ang kama na hinihigaan niya ay king sized bed yata.
"Here." Inabot sa kanya ni Dylan ang tubig at agad siyang uminom.
She felt refreshed. "Thank you... Nawalan ba 'ko ng malay? Nasaan tayo ngayon?" sunud-sunod na tanong niya.
"Fifteen minutes kang nawalan ng malay. Dinala kita agad dito sa kuwarto ko. Sabi ni Reynald, stable naman daw ang heartbeat mo kaya hayaan ka lang daw namin na matulog. Nag-med school siya dati kaya alam niya ang gagawin." Hinawakan nito ang kamay niya. "Damn, I'm so worried! May nararamdaman ka ba kanina kaya ka hinimatay bigla? Bakit naman hindi mo sinabi sa'kin? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"
"Dylan... I'm already fine." Pinisil niya ang kamay nito at masuyong nginitian. "Honestly, kaya siguro ako nahimatay dahil sa sobrang excitement ko sa dinner na 'to, hindi ako masyado nakakain ng lunch. Then, nagkaroon pa 'ko ng limang meeting kanina. Gutom at pagod lang siguro ako na hindi ko pinansin, kaya mismong katawan ko na ang nagpaalala sa'kin... Sorry, Dylan..." she admitted. Actually, kanina pa siya nakakaramdam ng gutom dahil sandwich lang ang kinain niya no'ng lunch dahil sunud-sunod ang meetings niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" nakakunot-noong sabi nito. "Nakapag-snack man lang sana tayo sa labas bago tayo tumuloy rito. O kaya, I could have adjust the time para nakapag-pahinga ka pa."
"Sorry na..." She cupped his face. "Thank you for taking care of me. Promise, hindi na mauulit 'to para hindi ka mag-alala ng ganyan." She brushed her lips to his.
Hinawakan nito ang mga kamay niyang nasa pisngi nito at iginiya ang mga braso niya sa baywang nito. Pagkuwa'y hinapit siya nito at niyapos nang mahigpit. "I was so afraid a while ago. Sinabi pa lang ni Johann na hinimatay ka daw, fear instantly conquered me. Then, I saw you lying on the floor... Shit! OA na ulit kung OA pero naiiyak ako, damn it!"
Nagulat siya at tiningala ito. "You... y-you wanted to cry?"
"Oo! You're so helpless while lying in there... hindi ko alam, ayokong nag-iisip nang masama kung bakit ka nahimatay. Pero, masisisi mo ba'ko? Wala akong kaalam-alam kung bakit ganoon."
Muling nabanaag ni Lana ang takot sa mga mata nito na unang beses niyang nakita nang nahilo siya nang malala sa Hong Kong noon. Natutunaw ang puso ni Lana dahil sa grabeng pag-alala ang nakikita niya kay Dylan. Clearly, he's afraid that something bad would happen to her. He deeply cares for her.
BINABASA MO ANG
Making Love - Published by PHR
RomanceNalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? Legal ang kasal kaya naman nagkaroon siya ng instant secret husband! Ano ngayon ang gagawin ni Lana s...