Chapter Twenty-Three

272K 4.7K 258
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

Toledo, Cebu.

More than a month ago...

"DAMN IT! I'll sue those son of a bitch!" sabay hampas ng malakas ni Dylan sa kahoy na lamesa sa harap niya. "Wala nga kasi kaming kinalaman tungkol sa pagsabog noong isang gabi. I was not even in the mining site, for Pete's sake! I don't even know kung bakit may mga tao ng gabing iyon! Fuck!"

            "Calm down, Dylan," mahinahong sabi ng abogado niyang pinsan na si Ramses. Dapat ay nasa bakasyon ito ngayon sa ibang bansa, ngunit agad na umuwi ng Pilipinas nang kailanganin niya ito. "Para namang hindi ka sanay sa gobyerno natin. Hanggang sa may masisisi, sisisihin nila. Nagkataon pa na ang dating mining site ng Guevarras ang katabi ng sumabog na minahan. Kayo ang malapit at saktong may ginagawa along the area kaya sa inyo ang sisi."

            "Huwag kang mag-alala, anak. Gagawin natin ang lahat para makalabas ka rito sa kulungan," ani pa ng Daddy niya na nasa Mindanao na last week upang um-attend sa mga mahahalagang meetings pero bumalik ng Cebu nang malaman ang nangyari sa kanya. Napabuntong-hininga ang ama. "This is all my fault. Kung hindi naman ako nagpatulong sa'yo na ikaw mismo ang umasikaso tungkol sa mga equipments natin dito na ililipat sa Mindanao..."

            "Daddy, wala kang kasalanan," pigil niya agad sa ama. Medyo kumalma na siya dahil sa nakikitang pagsisisi sa mukha ng ama. "Gusto ko rin namang tumulong lalo na ako pa ang COO ng kompanya noon nang itigil natin ang mining operations dito sa Visayas."

            Ngunit, tumutulong na nga lang siya, siya pa ang nakulong. Of course, it's not his father's fault kung bakit nasa kulungan siya ngayon. Wala namang mag-aakala na sasabog ang katabing site ng dating minahan na abandonado na rin at nasa kamay na ng gobyerno. Wala naman silang pinapakialam na mga mining sites. Nag-aayos lang sila ng mga high-end mining equipments nila na matagal na hindi naasikaso magmula nang mapalitan siya sa puwesto.

            Nasa pinakamataas na marahil ng posisyon ang ama ni Dylan sa kompanya at hindi na nito sakop ang ginagawa nila ngayon pero ganoon talaga ang isang Guevarra. Kahit siya man nang COO pa lang siya noon ng kompanya ay madalas din siyang mag-check ng mga operations kahit pa hindi naman na dapat niya ginagawa iyon.

Pero, pinalaki siya ng ama na kung gusto niyang maging effective leader, dapat malaman niya ang totoong nangyayari sa mining sites kung saan kumikita ang kompanya nila. At kahit pa sa Anderson-Monteverde na siya nagta-trabaho, tuloy lang ang pagtulong niya sa ama kapag kailangan nito. May isa siyang pinsan na totoong Guevarra ang pumalit sa puwesto niya ngunit ayaw nitong tumatapak sa mga minahan kaya siya pa rin ang inaasahan ng ama sa ginagawa nila ngayon.

            "Basta malinis ang konsensya ko. Wala akong kinalaman sa pagsabog. Ano bang klaseng utak mayroon ang mga pulis ngayon?!"

            "Huwag kang maingay, may pulis sa likod mo. Kapag bigla kang binaril, tatawa lang ako," nakangising biro ng pinsan.

            Tumalim ang tingin niya rito at nakuha pang tumawa at magbiro ng hudyo! "Just get me out of here! Kailangang makauwi ako sa Manila within this week dahil may usapan kami ni Allana."

Kahit pa lagi siyang inaaway sa telepono ng asawa magmula nang umalis siya ay nasasabik pa rin siyang makasama ito sa bakasyon na pinagplanuhan niya para sa kanilang dalawa lang. "Two days na 'kong hindi nakakatawag sa kanya. Baka nag-aalala na siya."

            "Tsk, tsk, tsk. Nakakulong na nga, babae pa rin nasa isip. Kung hindi mo kasi hinulog ang cellphone mo sa bangin, eh di, sana nakatawag ka bago ka man lang makulong."

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon