Chapter Eight

297K 5.1K 274
                                    

CHAPTER EIGHT

PAGKATAPOS na "totoong" maligo ni Lana sa shower ng gym na pagmamay-ari ni Dylan ay dumiretso siya sa opisina nito. Kumatok siya sa pinto ng opisina nito.

"Come in."

Pinihit niya pabukas ang doorknob at saka pumasok sa loob.

"Buti tapos ka nang maligo. Let's eat," aya nito sabay hila sa kamay niya. Umupo sila sa visitor's couch sa loob ng opisina nito. He stretched his one arm behind her seat. "You look very hungry."

"Ikaw ba hindi ka nagugutom?" tanong niya rito. Tuluy-tuloy lang ang pagkain niya.

"I'm hungry. But not for food."

Sandaling napahinto si Lana sa pagsubo. Naramdaman niya rin ang paggapang ng kilabot sa batok niya, ngunit hindi niya pinahalata iyon kay Dylan. Kung kailan siya nagka-edad at saka nagwala ang hormones niya. Damn it!

"M-Masarap ang cheesecake. Saan mo 'to nabili?" tanong na lang niya para maliko ang usapan.

"My mother baked it earlier this morning."

Napatangu-tango siya at saka nagpatuloy sa pagsubo. "It's really good."

Dylan hastly leaned on her. Nadikit ang braso niya sa hubad nitong dibdib. Pilit niyang inignora iyon. "Patikim," anito. Humihipan ang mabango nitong hininga sa kanyang pisngi.

"N-Ng?"

"Ano pa bang gusto mong tikman ko bukod sa cheesecake?"

Lana bit her lower lip. Napahiya siya doon. Mabilis niyang pinatikim dito ang cheesecake na kinakain. Siya pa mismo ang nagsubo rito.

"Masarap di'ba?"

Tinatapos nito ang pagnguya habang nakatingin sa kanya. "Yeah. It's delicious. Very delicious," he emphasized while looking straight at her.

Siya na ang umiwas ng tingin at bahagyang umurong palayo sa tabi nito. Argh! Whenever Dylan is around, she can't think straight.

Tumikhim siya. "Ahm... tungkol nga pala sa pag-e-enroll ko sa fitness program niyo, seryoso ako doon. Gusto ko kasi talagang bumalik ulit sa pagwo-work out. Lalo na ngayong nagta-trabaho na 'ko, prone to stress na 'ko. Bawal iyon sa health ko."

"May sakit ka pa ba?" seryosong tanong nito. Kinuha nito ang tinidor mula sa kanya at saka kinain nito ng cheesecake niya.

"Wala naman na. Matagal na 'kong cleared sa cancer," imporma niya pa. "Ako na mismo ang nagre-restrict sa health ko. Gusto ko ng healthy living para patuloy kong ma-prevent ang pagbalik ng cancer cells." Although, she's cleared from cancer a lot of years ago, may parte pa rin kay Lana na natatakot sa pagbabalik ng cancer cells at muling pagtubo ng tumor dahil alam niyang nasa sistema niya lang iyon at baka may maka-trigger na naman doon upang bumalik kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa niya.

Cancer is a traitor illness. Very unpredicatable.

"Kung ganoon, titingin-tingin rin ako sa internet or maybe I'll ask an expert friend, para malaman ko kung paano ang tamang training para sa'yo."

"The regular training's fine."

"I think, mas maganda kung may alam din tayong special work out para sa'yo. Hindi bihira ang naging kalagayan mo noon. Mas maganda kung sasamahan natin ng boxing at yoga ang training, what do you think?" Nginitian pa siya nito.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon