CHAPTER TWENTY
"WHERE are you going?" tanong ni Lana kay Heart nang makita niya ang bata na may bitbit na dalawang stuff toy. May dalawang nurse na kasunod ito at may mga bitbit ding laruan.
"Hi, Mommy Lana! I'm going sa playground. My friends are waiting there, eh."
Napangiti siya at lumuhod sa harap ng bata. Nabawi na ang lakas nito makalipas ang dalawang araw at halatang mas sumigla ito pagkatapos ng pagbisita ni Atty. Atayde kahapon. "You're gonna share them your toys?"
Umiling ito. "I'm gonna give these to them. I want them to remember me. Sabi kasi ni Attorney, I'm going home with my real Papa na daw, eh."
She patted her head and stood straight. "Sige, halika. Sasamahan kita." Sinenyasan niya ang mga nurse na sumunod lang sa kanila.
Pagdating nila sa playground ay lumapit agad si Heart sa mga batang kaedaran nito. Then the little girl started to give them the toys. Nakipaglaro si Heart sa mga bata habang siya ay naupo sa isa sa mga bench roon. Maya-maya'y tumawag si Dylan para sabihing susunduin siya nito mamaya para sabay silang makapag-lunch.
Binantayan na talaga siya ng asawa sa pagkain niya.
Pagbaba niya ng telepono ay saktong palapit sa kanya si Heart. "Mommy Lana!"
Pagkalapit nito ay binuhat niya ito at kinandong. "You're a good girl. You share to them your toys," puro niya rito nang makitang nag-e-enjoy ang mga batang binigyan nito ng laruan.
"I love those toys. Grandma gave those toys to me," sambit nito.
Napayuko siya rito. "Bakit mo ipinamigay? Isn't it important to you anymore?" Kung galing pala iyon sa mahalagang tao, hindi niya kayang ipamigay iyon ng ganoon lang.
Tiningala siya nito. "I want to share them my blessings. Lahat ng toys ko, si Grandma ang nag-buy and they are all important to me. Pero sabi ni Grandma, kapag daw mas need ng iba, I should give it to them," inosenteng sabi nito at saka tumingin ulit sa mga batang naglalaro. "Loving is giving. Huwag daw madamot."
Ouch. Medyo tinamaan siya roon. "G-Ganoon ba?"
"Sabi ni Grandma... ahh... Give the people ...what they need to... h-have and what they need... to k-know... if you can." dahan-dahan at paputol-putol na sabi nito.
Give the people what they need to have and what they need to know, if you can. "You're a smart kid, darling. Natandaan mo iyon?"
Heart happily nodded. "I always want to remember everything that Grandma tells me before she died. I need to keep it daw so when I grow up, hindi ako magiging madamot. I can be a maldita, but I should not forget to give and share," humahagikgik na sabi nito. "Love daw ni Papa Jesus ang marunong magbigay."
"That's true, Heart, darling. So don't get tired of giving something to those people whose in need. By the way, are you excited to see your Papa?"
Lumapad ang mga ngiti nito at sunud-unod ang pagtango. "Yes! Yes! Yes! He will be here next week, right? Sasamahan daw ako sa chemo, sabi ni Attorney."
Tumango siya. "Indeed."
"I'm so excited!"
Nakita niya nga ang genuine excitement sa mukha ng bata. Napangiti naman siya at saka niyakap ito ng mahigpit bago inutusang makipaglaro ulit sa ibang mga bata.
Pagkarating ng oras ng usapan nila ni Dylan ay eksakto ngang eleven-thirty siya nito sinundo.
"Where are we going to eat?"
BINABASA MO ANG
Making Love - Published by PHR
RomanceNalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? Legal ang kasal kaya naman nagkaroon siya ng instant secret husband! Ano ngayon ang gagawin ni Lana s...