Chapter Eighteen

332K 5.1K 631
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"KAPAG nagwala siya o nag-strike ulit ang tantrums, don't inject her with a sedative, okay? Mas mato-trauma ang bata sa needles," mahigpit na bilin ni Lana sa mga nurse na laging tumitingin kay Heart.

Tinayo ang Big Hopes para sa mga less fortunate na mga batang may cancer. At hanggang sa maaari ay mahihirap ang tinutulungan nila financially. Ngunit, sa isang special case na kinuha ng foundation—na hindi niya rin matanggihan, ay ang pagpasok doon ng isang mayamang bata na naulila sa pamilya at isang cancer patient—si Heart Aragon.

The grandmother of the child was one of the major sponsors of Big Hopes. Ngunit namatay si Mrs. Celeste Aragon at wala itong ibang tagapagmana kundi ang six-year old grand daughter nito na si Heart. May parte ng naiwang mana si Mrs. Celeste na ibinigay sa Big Hopes and it is a great amount of money! And then, pati pala si Heart na may stage two ng chronic leukemia ay sa kanila gustong ipaalaga dahil wala daw tiwala ang yumaong matanda sa iba nitong kamag-anak. Baka daw hindi pa alagaan ang bata.

"Just call me sa office ko kapag nagwala at ayaw uminom ng gamot. O kaya ilabas niyo siya sa garden kapag playtime na rin ng ibang bata."

"Yes, Ma'am," sabay-sabay na sabi ng mga ito bago umalis. Pumasok siya sa kuwarto ni Heart at tahimik lang itong nanunuod ng cartoons sa TV habang yakap-yakap ang manyika nito.

"Hi, darling," malambing na bati niya rito. "How are you feeling?"

Ito lang ang walang kapamilya na bumibisita dito kaya't sinikap ni Lana na maging present para sa bata. Hindi naman mahirap makuha ang loob nito. Siguro natural na lumalabas na ang mother's instinct niya dahil na rin siguro dapat may anak na siya sa edad niya.

Heart is a pretty child, fair and has natural block wavy hair. The little girl sweetly smiled at her. Sumama ang mga mata nito sa pagngiti. Napakurap-kurap si Lana dahil bigla siyang nakaramdam na parang may katulad ang ngiti nito. Parang may kakilala siyang kamukha nito...

"I'm feeling okay, Mommy Lana. Ahm... can I tell you something?"

Umupo siya sa gilid ng kama nito. She held her by the waist. "Yes, darling?"

"Thank you for letting me call you 'Mommy' kahit hindi mo naman ako baby. Sabi kasi ni Grandma sa'kin, Mommys protect their babies. Tapos, every day, you made the injections go away. Thank you, Mommy Lana. Ikaw na lang mommy ko, ha?" sabay yakap pa nito sa kanya. Hinilig nito ang ulo sa dibdib niya. "Wala kasi akong mommy. Wala na rin si Grandma. Ikaw na lang, please?"

"Of course," pagpayag niya agad at napangiti. May nararamdaman kasi siyang kakaibang haplos sa puso niya. Ganito ba ang feeling ng mga ina? Kasi siya, kahit hindi niya totoong anak si Heart, ay magaan ang loob niya rito... well, lahat naman ng bata sa foundation ay magaan ang loob niya pero iba si Heart. Siguro kasi, sa lahat ng batang nandoon, si Heart lang ang walang magulang at kamag-anak na kasama at nakasuporta rito.

Kinintilan niya ng halik ang tuktok ng buhok nito. "Darling, you need to rest, okay? Tapos kapag pumasok ang nurse mo to give you medicine, iinumin mo iyon. Wala na silang dalang injections, basta you don't get angry, alright? Kailangan mo maging ready for your chemo next week."

Tumingala ito sa kanya at marahang tumango. Her big cute eyes, smiling. "Mommy, samahan mo 'ko sa hospital, ah? Kasi, masakit iyong che...cheno... what's that?"

"Chemotherapy."

"Yes, Mommy. That hurts." Takot na ang nababanaag niya sa mga mata nito.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon