CHAPTER NINE
HINDI pinansin ni Lana ang pagtunog ng cellphone niya. Sigurado naman siyang si Dylan lang ang tumatawag.
Matagal nang nawala ang inis ni Lana sa nangyari, two days ago, sa gym ng lalaki. Sa totoo lang nang mahimasmasan siya ay bigla siyang nagtaka sa inakto. Nahiya pa siya sa sarili niya dahil sa naging reaksyon niya at sa mga sinabi niya rito.
Pero sa tuwing naaalala niya pa rin kung paanong parang linta kung makakapit kay Dylan ang mga babaeng iyon at kung anong itsura ng lalaki na halatang natutuwa sa atensyon, ay bumabalik ang pagkainis niya.
Naiinis siya dahil naiinis siya sa sarili niya na hindi niya maintindihan.
"Ugh!" she frustratingly groaned. Occupied na occupied na ni Dylan ang isip niya. Hindi dapat mangyari iyon!
"Monica!" tawag niya sa sekretarya.
"Yes, Ma'am Lana?" tanong nito pagkapasok ng opisina niya.
"May alam ka bang lawyer na magaling humawak ng mga annulment cases?" Kailangan niya nang makakita ng abogado na puwede niyang makausap agad tungkol sa pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Dylan. Kailangang mabuo ang isip niya na makipaghiwalay sa lalaki bago pa sila muling magkita na naman.
Dahil sigurado si Lana na kapag nagkita na naman sila ni Dylan, may mangyayari na naman at pipilitin na naman siya nitong bigyan ng chance ang kasal na iyon. Hindi siya nakakapag-isip ng tama sa tuwing nandyan lang si Dylan sa paligid niya.
"I can search over the internet, Ma'am. Sino po ang mag-a-annul ng kasal?" tanong pa nito.
"Ahm... w-wala naman. I just need to know one lang."
Tumango ang sekretarya. "Okay, Ma'am. Ipapaalam ko po sa inyo agad kapag may nahanap na po ako."
Nginitian niya ito. "Thank you, Monica."
Pagkalabas ng sekretarya ay napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog muli iyon. This time she picked it up dahil ang ama niya ang tumatawag.
"Dad?"
"Lana, darling, can I ask a favor? " bungad agad ng ama sa kanya.
"Yes, Dad. Ano po iyon?"
"Aren't you busy?"
"Hindi po, Dad. Natapos ko na kasi ang iba 'kong trabaho rito sa Big Hopes."
"Great. Makikisuyo sana ako na pumunta ka sa bahay at kunin ang isang importanteng document na kailangan ng pirma ni Prince. Mukhang nakalimutan ng kapatid mo na kailangan na kailangan ang pirma niya roon. Hindi ko naman mautusan ang secretary niya dahil maraming ginagawa sa opisina. Nagagalit ang Lolo mo nang malaman niyang hindi naisakaso ang papers. Please bring the papers to Prince, darling."
"Nasa rehearsals po sa SGA si Prince, di'ba?" sabi niya at saka inayos na ang mga gamit niya. Ang Saved by Grace Academy or SGA was their highschool alma mater. Naroon ang drama club kung saan dati silang kabilang ng kapatid. "Uuwi na po ako sa bahay to get the document, then, diretso na 'ko ng academy."
"Oh, thank you so much, darling. Pasensya na kung naabala kita."
"It's okay, Dad. Wala na rin na po kasi akong ginagawa."
Pagkatapos makipag-usap sa ama ay kinuha niya na ang mga gamit at saka nagbilin kay Monica. She's on her way to their house when Prince called her.
BINABASA MO ANG
Making Love - Published by PHR
RomanceNalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? Legal ang kasal kaya naman nagkaroon siya ng instant secret husband! Ano ngayon ang gagawin ni Lana s...