TULALA si Lana. Yakap-yakap niya ang mga binti habang nakatingin sa kawalan.
Buong araw silang nasa ospital ni Dylan. Nang nahimatay siya ay hinikayat ng doktor niya si Dylan upang mapa-CT Scan na siya. Usually, inaabot ng tatlong araw hanggang isang linggo ang result. But Dylan, paid a big amount of money for them to know the results already.
And they did.
Positive. Her brain cancer's back. Stage three. Malaki at malalim na ang tumor na namuo ulit sa utak niya. It's on the left side of her brain. Kailangan agad ng surgery.
But her case was 50-50. Dahil hindi alam kung maiaalis ng buo ang tumor at kung madadala iyon ng chemotheraphy. Actually, sa surgery pa lang ay 50-50 na agad ang chance of survival niya. The surgery could fail and it will be the end of her.
Dati siguro, nakaligtas siya ng tatlong beses. Eh, ngayon kaya?
Hindi niya na inalam kung gaano na kalalim ang tumor at kung gaano kalaki iyon. Her heart's already crying now.
Ito na naman. Magpapagamot na naman siya. Hindi na naman niya alam kung gagaling siya o hindi.
"Lana?" katok ng Mom niya sa pinto ng kuwarto nila ni Dylan. Kanina pa sila nakauwi ng asawa at kanina pa rin siya nag-iisa sa kuwarto.
Gusto niyang mapag-isa muna. Ayaw niyang may makitang ibang tao. Kahit ang mga anak niya, hindi niya kayang makita.
"I don't want to talk, Mom," aniya na parang isang matigas na ulong teenager ulit.
"Lana," her father called. "Let us in."
"Dad, hayaan niyo muna akong mag-isa!" singhal niya sa mga ito.
Wala na siyang narinig pa na kahit ano sa mga ito. Nabalik siya sa pagkakatulala. Di niya na alam kung anong iisipin.
Ano bang nagawa niyang mali at binabalik ng Diyos sa kanya ang cancer? Had she been a bad mother or wife? Anong naging kasalanan niya at kailangan niya na namang maghirap ng ganito?
Narinig niyang bumukas ang pinto. Hindi na siya lumingon pa. Alam na niyang pinahiram na ni Dylan sa mga ito ang susi ng kuwarto.
"Allana..." It was Dylan. Naramdaman niyang bumalot ang mga braso nito sa kanya.
She bit her lower lip and tried hard not to cry. But her tears were just as stubborn as she is. Napasinghap siya at saka tahimik na naiyak.
"D-Dylan..." bulong niya. "N-Natatakot ako..." then she cried harder.
Wala siyang narinig na kahit ano kay Dylan. But his shoulders started shaking.
"Ayoko n-nito... Ayoko... A-Ayokong mamatay, Dylan. Hindi puwede..." nahihirapang sabi niya sa pagitan ng mga luha.
Mas humigpit ang yakap nito sa kanya. Nararamdaman niya na ang tahimik nitong pag-iyak.
"Ang liliit pa ng mga anak natin... Hindi ko pa sila puwedeng iwan..."
"You're not going to die... We'll fight, Allana," mahinang sabi nito.
"Makikita nila akong nahihirapan sa sakit ko, later on. Ayokong makita nila Aki iyon. They'll probably cry. Lalo na si Calvin. I don't want them to see me on this condition... Damn it, Dylan!" hagulgol niya. "Gusto ko pang makitang lumaki si Deina..."
BINABASA MO ANG
Making Love - Published by PHR
RomanceNalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? Legal ang kasal kaya naman nagkaroon siya ng instant secret husband! Ano ngayon ang gagawin ni Lana s...