Chapter Twenty-Five

216K 5.4K 742
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

"BILANG asawang lalake, kapag may problema, hayaan mong humupa ang mga emosyon at pilitin mong klaruhin ang pag-iisip mo. Sa pagiging rasyonal bumabawi ang pagkalalaki natin. Umisip ka ng mga maganda at mabuting solusyon upang maayos ang gusot niyong mag-asawa," payo ni Mang Bong habang nakasalampak sila sa malamig na sahig ng selda.

            Huminga ng malalim si Dylan at saka pinakawalan ang magkakasunod na suntok sa kaharap niyang punching bag. Nasa sariling gym siya ngayong hatinggabi at doon inilabas lahat ng nararamdaman. Nagkulong siya doon mula pa kaninang alas-siete ng gabi. Pinasara niya ang buong gym para makapagsolo siya. Isang janitor lang ang naiwan upang linisin ang lahat ng facilities.

            Bawat malalakas na suntok na pinakakawalan ni Dylan ay kasabay ng malakas rin niyang pagsigaw. Hindi siya makapag-isip ng tama. Kaya naisip niya na kung pakakawalan niya muna ang mga pinipigilan niyang emosyon, baka sakaling tumino siya.

            Damn, he thought everything's going smoothly! Planado na nila ni Lana ang lahat. Alam na nila ang mga dapat gawin. They are on their way together for their dream family.

            Then, this!

            Magkakasunod na suntok na ang pinakawalan niya at wala siyang pakialam kung basang-basa siya ng pawis na parang lumangoy siya sa pool. Sumuntok ulit siya ng ubod nang lakas na naging dahilan upang tumalsik ang punching bag at bumagsak iyon mula sa pagkakasabit.

            Nang nasa lupa na iyon ay nanggigigil na pinagsisisipa niya pa iyon kahit pa hingal na hingal na siya.

            "Whoa! He's really angry!"

            "Oo nga, eh. Kawawang punching bag."

            Mabilis na lumingon si Dylan nang marinig ang mga boses na iyon. "Anong ginagawa niyo rito?" matalim na tanong niya kanina Reynald at Charlie.

            "Grabe, napatumba mo ang punching bag!"

            "Go away!"

"Pati sa'min galit ka?"

            "Chill lang, pinsan. Wala kaming alam sa ginawa ni Kuya Bari. Alam mo naman kami, hindi pakialamero... slight lang."

            Pinalis niya ang pawis sa noo gamit ang braso. Pagkuwa'y tinanggal niya ang suot na itim na gloves. "Bakit kayo nandito?" he asked, poker-faced. Hindi niya alam kung maniniwala siyang walang kinalaman ang mga ito sa nangyari.

            "Well... we heard about what happened sa village nila Lana," ani Charlie pagkuwa'y napasipol. "Nandito kami para damayan ka sa pagkaka-ban mo ng habambuhay sa village na iyon."

            "Saka, nandito rin kami para ipakitang mas kampi kami sa'yo," dagdag ni Reynald. "Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Kuya Bari at siya ang nagsabi tungkol sa plano natin noon kay Lana. I think it's unfair that he intruded."

            Kinuha niya ang bitse ng mineral water sa isang tabi at lumagok doon. Naubos niya ang buong laman niyon at kinuyom pa ang plastik na bote sa kamay. "Nangyari na. Wala na tayong magagawa," sabay tapon ng bote sa kung saan.

            "So... any plans to win Lana back?" tanong ni Charlie.

            Umiling siya. "Wala pa. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Parang gusto kong pumatay ng tao."

            "Ay, bad 'yan!" sabi ni Reynald. "Pero wais din 'tong si Kuya Bari, alam mo bang umalis siya ng bansa kani-kanina lang?" natatawang pagbabalita nito.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon