Chapter Ten

286K 5K 408
                                    

CHAPTER TEN

"PRINCE, akin na kasi 'yan!"

Itinaas ni Prince ang card na kasama ng bulaklak na dumating kaninang umaga. Dahil sa tangkad ng kapatid ni Lana ay hindi na niya maabot ang card kahit anong gawin niya.

"Dear Allana, I'll be waiting for you, later. Please call me," basa nito sa nakalagay sa card. "Si Dylan ba 'to? Astig, ah! Imbes na mag-text, talagang pinadalhan ka pa ng bulaklak para sabihing tawagan mo siya," tumatawang sabi nito.

Marahas na binawi niya rito ang card at saka naiinis na kinurot ito sa braso.

"Pakialemero ka talagang lalaki ka!" naiinis na wika niya sa kapatid. Tinago niya na ang maliit na card sa bulsa ng suot niyang skinny jeans.

Buti na lang at iyon lang ang nakalagay sa card. Medyo nakahinga ng maluwag si Lana. Kinabahan kasi siya kanina nang biglang inagaw ni Prince ang card. Baka kung anong mabasa nito. Tama na ang alam nitong 'nanliligaw' sa kanya ni Dylan.

Ngumisi si Prince. "Curious lang kasi ako. Anyways, may date ka pala mamaya?"

Inirapan niya ito at saka kinuha ang isang basket nang bulaklak na pinadala ni Dylan. "Obviously, yes. Inggit ka?" pang-aasar niya rito habang umaakyat ng hagdan.

"Bakit naman ako maiinggit? Araw-araw ko namang nakakasama si Trisha."

"Lagi ka naman niyang sinusungitan."

"Self-defense niya lang iyon."

Napailing-iling siya. "Whatever, brother. Pumasok ka na nga sa trabaho mo!"

"Eh, ikaw? Hindi ka ba papasok sa foundation?"

"Papasok ako mamaya."

"Tatawagan mo muna si Dylan, ganoon? Ayiee! Maharot ka, girl?" tukso pa nito.

Natawa si Lana. "You're so gay, Prince."

"Tse!" Pinatikwas pa nito ang isang kilay bago lumabas ng bahay. "Gorabelsna aketch, sis."

Lalo siyang natawa dahil sa kakulitan ng kapatid. Noon, sa tuwing malungkot siya dahil sa kakaisip ng mga chemotherapies na pagdadaanan niya ay lagi siyang napapatawa ng kapatid. Handa itong magpakenkoy at magbakla-baklaan para mapatawa lang siya. Prince is an awesome brother. Sana lang ay maaamo na nito si Trisha at maging maayos na talaga ang mga ito. She really wanted Prince to have his own happily ever after, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nito sa mga nakalipas na taon.

Pagkadating ni Lana sa kuwarto niya ay agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Dylan.

"What's with the flowers?" tanong niya agad pagkasagot pa lang nito ng telepono.

"Eto. Para... tawagan... mo 'ko," hinihingal na sabi nito.

Napakunot-noo siya. "Puwede ka naman kasing mag-text lang."

"You won't call me kapag nagpadala lang ako ng text message, right?"

Napalabi siya. Tama kasi ito. "Wait, bakit ka hinihingal?"

"Nasa... gym ako." Humugot ito ng malalim na hininga at pinanatag ang paghinga. "I just finished treadmill run."

"Okay. So, bakit mo ba 'ko pinapatawag?"

"Gusto ko lang makasiguro na tuloy pa rin tayo mamayang gabi."

Sa totoo lang ay gustong umurong sa pagsama rito mamaya para sa isang dinner. Pero wala naman siyang maidadahilan rito. "Oo. Tuloy pa rin tayo. Dinner lang naman iyon, di'ba?"

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon