Chapter Fourteen

282K 5K 367
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Seven years ago...

BIGLANG kinabahan si Dylan nang tawagin ng host ang pangalan niya para sa seventeenth rose ng pinsang si Agatha. Humugot siya ng malalim na hininga at saka nilapitan ang dalaga sa gitna ng bulwagan. Matamis na nakangiti ito habang hinihintay ang paglapit niya.

"Happy birthday, Agatha," bati niya rito at saka inabot ang isang tangkay ng rosas. Nag-bow muna sila sa isa't isa bago sila nagsayaw.

"Akala ko hindi ka na makakarating, Kuya Dylan," anito habang nagsasayaw sila. "Okay ka na ba?"

Kumikirot pa rin ang maliit na pasa niya sa pisngi at ang putok sa kanyang mga labi pero hindi niya na ininda iyon ngayong gabi. Ang mahalaga sa kanya ay makapunta sa pinakamahalagang araw nito.

"I'm fine, Agatha. Lalo na nakita kong sobrang masaya ka ngayong araw," nakangiting sagot niya rito. "Dalaga ka na."

"Bakit ka ba kasi sinuntok nina Kuya Bari?" nag-aalalang tanong nito. "Nag-away ba kayo? Hindi ba sabi natin, wala dapat nag-aaway-away sa'ting magpipinsan?"

Umiling siya. "Kaunting tampuhan lang at sama ng loob iyon. Mga lalaki kami kaya nagkapikunan. Pero, huwag kang mag-alala. Hindi na mauulit iyon," paninigurado niya pa rito.

Lumabi ito. "Alright. Pero, kahit ano pa rin ang naging tampuhan niyo dapat hindi pa rin kayo nagkakasakitan. Kung puwede ko lang talaga malaman kung bakit kayo nagsuntukan ng ganyan."

You don't have to know that you're the reason why our cousins did these, Agatha. "Huwag na natin pag-usapan iyon, tutal ay ayos naman na. Basta magpakasaya ka lang ngayon. Birthday na birthday mo tapos kami ang inaalala mo."

Ngumiti na muli ito. "Basta, hindi na kayo mag-aaway-away ulit ng ganyan, ah?"

"Hindi na." Inikot niya ito at pagkatapos ay tumunog ang cue para sa huling kasayaw nito—si Tito Philip o ang ama nito ang last rose.

Ngunit bago niya ito iwan ay hinalikan niya ito sa noo. Alam niyang nakatingin sa kanila ang mga pinsan nila at katulad nga ng pinangako niya sa mga ito, he'll forget his feelings for Agatha after that dance.

Pinsan niya si Agatha pero hindi naman sila magkadugo talaga kaya sa tingin niya ay wala namang mali sa nararamdaman. He kept it for two years now. Nang nalaman iyon ng mga pinsan nila noong isang araw, lalo na si Kuya Bari, ay maliit na pasa at putok na labi ang inabot niya...

"May plano ka bang sabihin 'to kay Agatha?"curious na tanong ni Kuya Bari sa kanya

Umiling siya at pinunasan ang dugo sa mga labi. "Wala. Kahit kailan." Walang mali sa nararamdaman niya pero sa harap ng batas ay bawal pa rin iyon. Legal ang adoption sa kanya kaya legal na mga pinsan niya ang babae sa papel.

"Eh, anong plano mo sa nararamdaman mo?" tanong ni Charlie na tinutulungan siyang makatayo kahit pa ito ang malakas na sumuntok sa kanya kanina.

"Itatago. Ibabaon sa lupa. Hindi ko alam." Napamura siya ng naramdaman niya na ang sakit ng suntok nito. Namanhid kasi kanina ang mukha niya na sinapak nito. "Wala naman akong plano na ipaalam pa ito. Ang tingin sa'ting lahat ni Agatha ay mga kuya niya."

"Gago ka kasi. Sa lahat ng puwede mong magustuhan, pinsan pa natin. Sige, sabihin nang hindi mo kami kadugo, pero ano ka ba, Dylan? Agatha's our little princess," saad pa ni Reynald na inaabutan na siya ng packed ice.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon