Chapter Three

382K 6.4K 284
                                    

CHAPTER THREE

"LANA? Lana!"

Napabalikwas si Lana at agad napadilat ng mga mata. Nang makita niya kung sinong gumigising sa kanya ay malakas niyang hinampas ang kapatid. "Prince naman, eh! Natutulog ako!"

"Kaya nga ginigising kita, eh. Tanghali na, mahal na prinsesa. Pinapagising ka na ni Mom. May pasok ka pa sa foundation."

May pagmamay-ari ang pamilya nila ng isang foundation na tumutulong sa mga batang may cancer at walang sapat na pampagamot. Itinatag iyon ten years ago when she was the one suffering from cancer.

The first time she encountered brain cancer was when she's eighteen. Stage four na agad iyon, but, she survived. Bumalik nga lang ang cancer niya, after a year. Stage one only, but, it's still a tumor in the brain. Once again, nagawa niyang malagpasan iyon. She was living normal for two years when her brain tumor grew back in stage three. Dahil doon ay nawalan na talaga siya ng lakas lumaban dahil paulit-ulit na lang ang pagbabalik ng sakit niya. Nawalan na siya ng pag-asa niyon dahil ano bang dahilan kung bakit lagi na lang bumabalik ang sakit niya? Ngunit, heto siya, humihinga pa rin.

Ang Mom nila ang nakaisip na itatag ang Big Hopes para matulungan ang mga batang lumaban para sa mga buhay ng mga ito. Ngayon, siya na ang bagong directress ng Big Hopes Foundation.

She's a living proof that there will always be hope for everyone who thought that their life was about to end.

Tinatamad na bumangon si Lana. "Anong oras na ba?" Kinusot-kusot niya ang mga mata.

"It's 7:30 AM."

Napahikab si Lana. Nine AM ang pasok niya. Kailangan na nga niyang mag-prepare sa pagpasok.

"Bakit di ka pa pumapasok?" tanong niya rito dahil eight AM naman ang pasok nito.

"Hinihintay ko pa si Lolo Rex. As usual, sasama na naman siya sa AC," sagot nito. Aguilar Comforts or AC ang pangalan ng malaking kompanya ng mga tela na pagmamay-ari ng kanilang pamilya na itinayo sa Spain ng lolo Rex nila. Nag-expand iyon sa Amerika at pati na rin sa Pilipinas. Ang kapatid niya na ang CEO at presidente ng AC Philippines ngayon.

Dalawang buwan lang ang tanda ni Prince sa kanya. Half-siblings lang sila nito. Ang Dad nito ang totoo niyang ama, ang totoo niyang ina ay namatay sa panganganak sa kanya. Hindi niya alam ang tungkol doon hanggang sa maglabing-walong taong gulang siya.

Ang kinilala niyang busy parents sa loob ng labingwalong taon ay mga hindi niya pala totoong magulang. Ang kinilala niyang ina na si Mama Daisy ay kapatid pala ng totoo niyang ina na hindi niya na kilala.

Inampon na lang siya ni Mama Daisy at ibinigay ang apelyido ng asawa nito na si Papa Robert. So, she was known as Allana Rose dela Cruz. Malaki ang tampo niya noon sa Mama Daisy at Papa Robert niya dahil laging wala ang mga ito tuwing kailangan niya ng mga magulang. Laging abala ang mga ito sa kanya-kanyang trabaho. Iyon naman pala, ampon lang siya kaya ganoon. But they loved her, they said.

Kaya nga ng eighteen years old siya at ma-diagnose na mayroong malignant brain tumor, inamin na ng mga ito sa kanya ang lahat at ipinakilala na siya sa totoo niyang ama na buhay pa. At iyon nga ay si King Lord Aguilar—ang ama ni Prince. Schoolmate niya si Prince noong highschool sila at naging kaibigan niya rin ito dahil bestfriend naman ito nang una niyang nobyo na si Reeve.

Hindi nila alam na magkapatid sila ni Prince hanggang sa umamin lang ang kanya-kanyang mga magulang nila. Hindi rin alam ni Daddy King na nagkaanak pala ito sa iba. Because she was just a product of a one passionate night and that's all. Pero nang malaman ang totoo niyang pagkatao, tinanggap siya ng buo ng kanyang tunay na ama at pati ang asawa nito na si Empress Aguilar.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon