CHAPTER 11

5.2K 106 1
                                    

Hindi na naman nagpapansinan ang dalawa!maagang umaalis si Cedric sa hacienda para pumasok sa opisina nito at gabi na kung umuwi!kung saan nasa silid na ang dalaga!tila iniiwasan nga nila ang isat isa!

Ganun din si Cynthia!bumababa lang ito sa kanyang silid pag narinig na niya ang sasakyan ni Cedric na umalis!

~~~~

"Nay mi itatanong lang po sana ako.."panimula ni Cynthia sa naglulutong si Nay Martha!

"anu yun anak..tungkol saan ba?"si Nay Martha!

"k-kilala niyu po si Margarette?"di na nagpaligoy ligoy pang tanong ni Cynthia sa matanda!agad namang napatingin ang matanda kay Cynthia!

"oo anak..paano mo nakilala si Margarette?nagkakilala na ba kayu?"takang tanong ng matanda!

"sa event po.. andun po siya..pinakilala po siya sakin ni Cedric.."si Cynthia!

"kung gayun nakauwi na ang batang iyon---mga tatlong taon din nung huli ku siyang makita.. mula nung umalis siya ng bansa.."pag ala-ala naman ng matanda!

"g-girlfriend po pala dati ni Cedric?"naiilang namang si Cynthia!

"oo anak kasintahan nga ni Cedric dati...magkaibigan na sila simula pa nung mga bata pa sila kaya nagkapalagayan ng loob...magkakaibigan kasi ang mga magulang ni Cedric at Margarette.."sabi naman ng matanda na lumingon pa sa gawi ni Cynthia!

Tila nakaramdam naman ang matanda!

"bakit iha?mi pangamba ka ba?"pagkuway tanong ng matanda kay Cynthia!

"h-hindi naman po sa ganun Nay..naitanong ku lang po.."sabi na lang ni Cynthia!

"anak...mahal ka ni Cedric..alam ku yun..ako ata nagpalaki dun..kaya alam ku kung paano mag isip ang batang iyon..kung noon nakita ko ang saya niya kasama si Margarette ngayun nakikita ko ang walang paglagyang saya pag ikaw ang kasama niya iha..kaya sana kahit bugnutin ang alaga kong iyon...wag na wag mong siyang  iiwan ha Cynthia anak?mahal na mahal ka ni Cedric.."ang matanda!

Napangiti naman si Cynthia!

"hinding hindi ko po siya iiwan Nay..hindi po mangyayari yun.."nakangiti at buong kumpiyansa namang si Cynthia sa matanda!

Parang gumaan ang pakiramdam ni Cynthia sa mga sinabi ng matanda!kaya napagpasyahan na din nitong makipag ayos sa binata!siya na ang unang makikipag ayos kay Cedric!

Nag abala naman si Cynthia sa pag aayus ng kanyang sarili para maging presentable naman siya pag uwi ng binata!

~~~~
Mayamayay narinig na ni Cynthia ang sasakyan ng binata!

"ang aga naman niya umuwi ngayon?"usal ni Cynthia sa sarili!tinignan pa nito ang orasan at mag aalas siyete pa lang ng gabi!pasado alas nuwebe kasi ang madalas na uwi ng binata!

Tinignan pa niya ulit ang sarili sa salamin bago lumabas si Cynthia ng kanyang silid!sasalubungin niya ang binata para makipag ayos at dahil miss na miss niya na rin ito!

Madali siyang bumaba para salubungin ang binata!maganda ang aura niya paglabas ng kanyang silid!

Hanggang sa unti unting napalitan ang ngiti na iyon ng pait at pilit na ngiti nang sa pagbaba nitoy makita ang binata na mi kasamang babae!si Margarette!

"nananadya ba siya?!"sa isip isip ni Cynthia!

~~~~

"ikaw nga ba yan Margarette?eh napakagandang bata!"si Aling Martha na tuwang tuwa na makita si Margarette!

"haha!ako nga po Nay Martha!kamusta po kayu?"magiliw na tanong ni Margarette sa matanda!

"mabuti naman ako iha!buti at nakabisita ka.."tuwang tuwa na sabi ng matanda!

LOVE ME AGAIN [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon