CHAPTER 29

10.9K 206 26
                                    

[FINALE]

Sa isang kilalang hotel ang reception ng kanilang kasal kung saan nadekorasyonan din ito ng halos puti!

Agad namang nagtungo ang mga bisita nina Cedric at Catherine doon pagkatapos nila sa simbahan!gayundin ang bagong kasal na sina Cedric at Catherine!

~~~~

Masayang ineentertain ng dalawa ang kanilang mga bisita!

"napakaganda mo Cath at ikaw din fafa Cedric napakagwapo mo!hihi!grabeh nauna ka talagang ikinasal sa atin ha!"nainggit namang si Isabella!

"oo nga!akala nga namin ikaw mauuna noh!ikaw kasi yon haliparot sa ating tatlo eh!hahaha"sabi naman ni Celine kay Isabella!

"ako na naman nakita mo bruha!"si Isabella sabay irap kay Celine!

"hahahahah!"nagtawanan naman ang tatlong magkakaibigan!gayundin si Cedric na nasa tabi lang rin ni Catherine!

Mayamayay dumating si Marcus!bigla namang natahimik si Isabella!

"congratulations!pasensya na hindi nako nakapunta sa simbahan.."si Marcus!

"bro!"si Marcus na kinamayan pa si Cedric!

"ok lang Marcus----ang importante andito ka ngayon.."nakangiting si Catherine!

Inimbitahan din kasi nila ito dahil malapit ding kaibigan ng mga Ramirez ang mga Gallego! At kaibigan niya din si Marcus!

"bigla atang natahimik yon isa jan.."si Celine na pinaparinggan si Isabella!

Nagkatinginan naman ang tatlong magkakaibigan!habang si Marcus at Cedric ay matamang nag uusap!

Mayamayay nirequest na ng mga tao sa loob na sumayaw ang dalawa!si Cedric at Catherine!

Sumayaw ang dalawa sa gitna ng bulwagan sa kanta ni Christina Perri na A Thousand Years!

Kilig na kilig at ngiting ngiti ang mga bisita habang pinanonood ang dalawang sweet na sweet na sumasayaw!

Magkayakap ang dalawa!hindi napigilan ni Catherine ang mapaluha sa sobrang saya nito!

"sweetheart?umiiyak ka?"si Cedric na hinawakan ang mukha ni Catherine!

"ang saya ko lang Cedric...sobrang saya ko..."nakangiting si Catherine habang walang tigil ang pag agos ng mga luha nito!

Agad namang pinunasan ni Cedric ang mga luha ni Catherine!

"masayang masaya rin ako sweetheart...mahal na mahal kita ng higit pa sa buhay ko...ikaw lang ang pakamamahalin ko kasama ng mga magiging anak natin..."nakangiti at titig na titig ring si Cedric!ginawaran din niya ito ng mariing halik sa labi si Catherine!

"mahal na mahal din kita Cedric!ikaw at ang mga magiging anak natin...aalagaan ko kayo at pakamamahalin habang buhay!"lumuluha sa saya na si Catherine!

Muli namang hinagkan ni Cedric si Catherine!mariin at punong puno ng pagmamahal!

Nasaksihan naman ng mga taong naroon ang halikang iyon!hanggang sa matapos ang kanta ay kuntodo halikan pa rin ang dalawa!hindi sila paawat!

~~~~

Nag stay naman muna ang bagong kasal sa isang bahay bakasyunan nila Cedric sa Laguna dahil bukas pa ng gabi ang flight ng mga ito patungong Europe para sa kanilang honeymoon!

"sweetheart matagal ka pa ba jan?"si Cedric na hindi na makapaghintay na lumabas ng banyo si Catherine!

"saglit lang mahal.."hindi mapakaling si Catherine sa loob ng banyo!

LOVE ME AGAIN [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon