Pasado alas nuebe ng umaga nang magpasyang lumabas si Catherine ng silid nito!namamaga ang mga mata nito dahil nag iiiyak na naman ito kagabi!
Pagbukas nito ng pinto ay nabungaran nito si Cedric na nasa harap ng pinto nito!
Tila nagulat din si Cedric sa biglang pagbukas ng pinto!
Nagkatitigan ang mga ito!
"a-anong ginagawa mo jan?"matamlay namang tanong ni Catherine!
"w-wala---dadaan ako."hindi mapakaling si Cedric!
Hindi na umimik pa si Catherine!nilagpasan na lang nito si Cedric!mayamayay muling nagsalita si Cedric
"aalis ka na?"si Cedric!
"oo mamaya...hindi ka na ba makapaghintay?wag kang mag alala aalis ako dito..kakausapin ko lang si Nay Martha."malamig namang tugon ni Catherine!pilit nitong tinatago ang sakit na nararamdaman nito!
"hindi kita maihahatid----marami akong gagawin."si Cedric!
"K."maikli namang sagot ni Catherine!
Mabilis namang bumaba si Catherine!hinanap nito agad si Nay Martha!tinungo nito agad ang kusina kung saan dito nag lalagi ang matanda!
"goodmorning po Aling Cora!si Nay Martha po?"si Catherine!
"magandang umaga iha!eh lumabas kanina..nagtungo sa likod bahay."sagot naman ni Aling Cora!
"ganon po ba..mi sasabihin lang po sana ako sa kanya.."si Catherine!
"hintayin mo na iha..babalik din naman agad yon dito.."si Aling Cora!abala ito sa pagluluto?
Mayamayay anjan na naman si Cedric!umaali-aligid na naman!
Hindi na lang ito pinansin ni Catherine!tila hindi din nito nakita ang binata!
"Aling Cora hindi pa po ba luto yan?"tanong ni Cedric sa matanda!
"saglit na lang ito iho..eh gutom ka na ba?"si Aling Cora!
"medyo po..hintayin ko na lang po.."si Cedric na tumabi pa sa kinauupuan ni Catherine!
Agad namang tumayo si Catherine!
"Aling Cora maglalakad lakad lang po muna ako.."si Catherine na agad nagtungo sa likod bahay!
"sige iha.."si Aling Cora!
Sinundan naman ng tingin ni Cedric ang papalabas sa kusina na si Catherine!
Naglakad lakad si Catherine hanggang sa makita nito si Aling Martha!nasa kulungan ito ng mga manok at kausap ang ilang mga trabahador ng hacienda!
"oh anak..anong ginagawa mo rito..."si Nay Martha.
"naglalakad lakad lang po...tas mi sasabihin din po sana ako Nay..."si Catherine!
"eh ano ba yon iha?"tanong naman ni Aling Martha.
Akma namang magsasalita si Catherine nang biglang mi magsalita mula sa likuran nito!
"Mang Berto ayos po ba ang mga manok?"si Cedric na bigla na lang sumulpot sa kung saan!
Agad namang napalingon si Catherine kay Cedric!napatingin din naman si Cedric kay Catherine!tila mi gusto itong sabihin!
Nag iwas na lamang ng tingin si Catherine!habang si Cedric ay tinungo naman ang kulungan ng mga manok!
"bakit ba andito na na naman toh?sinusundan ba ako nito?"sa isip isip ni Catherine!
"hindi naman siguro...gusto ka na nga niyang umalis eh!wag ka ngang assuming jan Catherine."sigaw ng kabilang bahagi ng isipan nito!
"ano ba yon sasabihin mo kanina anak?"tanong ulit ng matanda!
BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN [ COMPLETED ]
Romance"why is it so hard for you to love me----again?im doing everything just for you to come back...hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong hawakan ka!ang halikan ka!and how much i wanted to make love to you..." Dahil sa isang aksidente ay nagkakilala...