CHAPTER 18

4.7K 108 4
                                    

"haysss!ang daming nangyari ngayung week natoh!grabeeh as in!!hindi ko kinaya!"tili ni Isabella nang nasa silid na naman sila ni Catherine!

"lalo ka na!di pa rin ako makamove on sa love life mo!haha"dagdag pa ni isabella!

"ano na naman pinagsasabi mo jan?"si Catherine!

"sos!denial pa ang bruha!hahaha!"si Isabella!

"Cath..wala ka ba talagang nararamdaman kay fafa Cedric?kawawa naman yun tao...sobra sobra na yong effort niya ha.."si Celine!

"h-hindi ko alam...naguguluhan ako!"si Catherine!

"ay sandali!hindi ko pa pala nakikita yun mga pictures na binigay ni fafa Cedric!"si Isabella na mabilis bumaba at kinuha ang mga album sa baba!

Kinuha naman ni Celine ang laptop ni Catherine at ini-open ang fb account at instagram account nito!tinignan naman nito kung merong fb at instagram account si Cedric!meron nga!

"ohh myy ghaaad bessy!tignan mo toh!"namangha naman si Celine sa mga pictures na nasa instagram ni Cedric!halos mga pictures nilang dalawa ni Cedric at Catherine ang nandoon!mi mga sweet video din sila!

Napatingin na din si Catherine dito!mayamayay anjan na si Isabella at nakikitingin na din!

Kitang kita sa bawat larawan ang saya nila na magkasama!mi mga picture silang nagwawacky face!selfie nilang natutulog together!selfie nilang mag kayakap at siyempre selfie nilang magkahalikan!kitang kita sa bawat ngiti ng mga ito kung gaano nila kamahal ang isat isa!

Hanggang sa bigla na lamang umagos ang mga  luha ni Catherine sa mga larawang nakikita!hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun ang nararamdaman nito!tumulo na lang bigla ang mga luha nito!mi kung ano siyang naramdaman na hindi nito maipaliwanag!

Napatingin naman ang dalawa sa umiiyak na ngayong si Catherine!

~~~~

Namaga ang mga mata ni Catherine pag kagising nito kinaumagahan!nag iiyak kasi ito kagabi!

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganun ang epekto ng mga larawang iyon!iba ang sinasabi ng isip nito pero iba din ang sinasabi ng puso nito!

~~~~

Pagdating ni Catherine sa resto ay hindi nito nabungaran ang binata!wala si Cedric!

Magtatanghali na at labas masok si Catherine sa opisina nito at tila mi inaabangan na dumating!

"bakit kaya wala siya...okay na din siguro yun..atleast wala ng buntot ng buntot sakin!"sa isip isip ni Catherine!

Dalawang araw nang hindi nagpupunta si Cedric sa resto!hindi naman mapakali si Catherine!ewan ba niya at bakit hindi niya magawang iwaksi sa isip nito si Cedric!pilit itong nagsusumiksik sa isipan nito!

"kainis!!isang salita ku lang talaga sumuko na agad!!"galit namang turan ni Catherine!

Dumating ang dalawa nitong kaibigan!napansin naman nilang tila aligaga at hindi mapakali si Catherine!

"oh Cath di ka ata mapakali jan?mi problema ba?"si Celine!

"madami lang akong iniisip..."sabi na lang ni Catherine rito!

"sino naman??"ngiting ngiti namang si Isabella at parang mi gustong tumbukin!

"dito sa restaurant siyempre!gaga!"masungit namang si Catherine!

"ows??hahaha!"si Isabella!

Umirap na lamang dito si Catherine!

"ai oo nga pala----hindi ko nakita si Cedric sa labas ah.himala wala ata siya ngayon.."si Celine!

LOVE ME AGAIN [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon