CHAPTER 24

5K 92 1
                                    

Agad namang kinuha ni Catherine ang phone nito!nakita naman ni Cedric sa screen ng phone ng dalaga ang pangalan ni James!

Dumilim ang mukha ni Cedric sa nakita!

"James!"
"nasa loob ako ng sasakyan"
"okay naman ako.."
"hindi ko maintindihan...ano ulit?"
"hindi ko pa alam kung kailan ako uuwi"
"hello?hello James?"

Bigla naman nawala ang nasa kabilang linya!

"haist nawala pa.."bulong ni Catherine nang biglang mawala si James sa kabilang linya!

Pinaandar naman muli ni Cedric ang sasakyan!kunot noo ang mukha at hindi na rin maipinta ang mukha nito!

"kadarating mo pa lang pinauuwi ka na!!?"mi galit naman sa tono ni Cedric!

"hindi ganon..tinanong lang niya kung maayos akong nakarating dito at kailan yon uwi ko..."paliwanag naman ni Catherine!

"ganon na din yon!"galit namang sambit ni Cedric!

"hindi nga ganon...galit ka ba?"si Catherine!

Hindi naman muli nagsalita pa si Cedric hanggang sa makarating sila ng hotel at hanggang sa makauwi ang mga ito ng mancion ay tahimik lang si Cedric at tila malalim ang iniisip!

Agad ipinunta ni Cedric ang mga gamit ni Catherine sa silid nito!pagbaba naman nito ay nakita na naman nitong mi kausap si Catherine sa phone nito!

Nagtagis ang mga bagang nito at matiim na pinagmasdan si Catherine sa di kalayuan na may kausap sa phone!

"Nay alis nako."si Cedric na madaling sumakay muli ng sasakyan nito!agad nitong pinaharurut ang sasakyan nito!

Agad namang lumapit si Catherine sa matanda pagkababa nito ng kanyang phone!

"Nay san po pupunta si Cedric?"nadismayang si Catherine dahil hindi man lang nagsabi o nagpaalam sa kanya ang binata kung saan ito pupunta!

"eh tatanungin ko pa lang sana anak eh bigla naman sumakay sa sasakyan!eh baka sa opisina anak...ang bata talagang iyon!"si Nay Martha!

"hayaan niyo na po Nay baka may importanteng aasikasuhin sa opisina niya.."sabi na lang ni Catherine!

Mayamayay tumunog na naman ang phone nito!yung dalawang kaibigan nitong si Celine at Isabella ang kanina pa siyang kinukulit at tanong ng tanong kung anong nangyari!mga tsismosa talaga!

~~~~

Mag aalas dose na ng gabi pero wala pa rin si Cedric!kanina pa ito hinihintay ni Catherine!

"uminom na naman siguro ang batang iyon!gabi gabi ko na ngang pinagsasabihan!ang tigas pa rin talaga ng ulo!"si Nay Martha na galing sa kusina!

Hindi naman mapakali si Catherine dahil wala pa rin si Cedric!palakad lakad ito sa may sala!

Hanggang sa mayamayay mi narinig silang ugong ng sasakyan na dumating!

"ayan na siguro siya anak.."sabi naman ni Nay Martha kay Catherine!

Agad namang lumabas si Catherine at Nay Martha para salubungin si Cedric!

Lasing na lasing si Cedric!inihatid siya ng isang empleyado nito sa kompanya!

"m-magandang gabi po Nay Martha at Maam Cynthia...lasing na lasing po si sir eh!inaawat po namin kanina..hindi naman paawat si sir sa kakainom.."paliwanag naman ng empleyado pagkababa nito ng sasakyan!

Hindi na nagtaka si Catherine kung bakit kilala rin siya ng empleyado nito bilang si Cynthia!

"ganon ba iho?salamat at inihatid mo dito.." si Nay Martha!

"bigla po kasi siyang nagyaya kaninang lumabas!di na po kami nakatanggi eh.."ang empleyado!

Mayamaya pay bigla namang lumabas si Cedric sa loob ng sasakyan!nabubuwal buwal pa ito!

"ikaw talaga na bata ka! kung ano ano talagang ginagawa mo!"si Nay Martha na sinesermonan si Cedric!

"Nay...kaya ko----hinde ako lashing!oh maglakad pa ako diretssho oh!"si Cedric na muntik nang mabuwal!

Agad namang nilapitan ito ni Catherine para alalayan!

"Catherine..."sambit ni Cedric nang alalayan siya ni Catherine!agad niya itong mahigpit na niyakap!

"i miss you sweetheart...i miss you so much!"buong pagmamahal namang sambit ni Cedric habang yakap yakap nito si Catherine!

Mahigpit ang mga yakap nito!tila sinusulit nito ang bawat araw na hindi niya ito nakasama!

"i miss you more..."buong pagmamahal ding sambit ni Catherine kay Cedric!

Mahigpit ding niyakap ni Catherine si Cedric!kung alam lang din nito kung gaano din niya ito namiss!miss na miss sobra!

Halos hindi naman mapaghiwalay ang dalawa sa higpit ng yakapan ng mga ito!

Hanggang sa mayamaya pay parang bumigat na ang pagkakayakap ni Cedric kay Catherine!tila nakatulog na ata si Cedric habang yakap yakap nito si Catherine!

"C-Cedric?"si Catherine na parang mabubuwal na rin dahil sa bigat ni Cedric!buti at umalalay naman agad ang empleyado nito!

LOVE ME AGAIN [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon