Third Person's POV
Nag kakagulo sa kahiraan ng Dwoedan nang biglang dumating ang oracle. Di nila inaasahang darating ito ngayon dahil sa haba ng dalawampung taon na ito ng huling mag pakita sa kanilang kaharian. Isa lang naman ang ibig sabihin nito kung bakit dumating ang oracle ,ito ay dahil may propesiya na ipapahayag ito . Pinag tipon ng hari ang kanyang nasasakupan upang malaman kung ano ang tunay nasinadya ng oracle kahit alam niyang ito ay tungkol sa propesiya .Naka upo na sila sa isang silid upang mag pulong samantalang ang oracle naman ay nanatiling seryosong naka tayo lamang sa harapan ng mga bampira .
"Ano't naparito ka ?".seryosong tanong ng mahal na hari sa oracle na biglang nagbigay ng kilabot sa mga ibang bampira dahil sa lamig ng boses nito.
"Andito ako upang ipabatid na lumabas na ang pangalawang propesiya".saad ng oracle sa hari na bakas ang pagkagulat sa sinabi ng oracle .Pati ang mga bampirang kasama nila sa loob ng isang silid ay di makapaniwala sa kanilang narinig.Alam niyang pumupunta lang ito sa kahariaan tuwing may propesiya dumarating pero di parin siya makapaniwala dahil napaka aga pa para dumating ang propesiya.
"Kung ganun ay isaad mo na ito "utos ng hari sa oracle at tumango naman ito at bigla na lang nag liwanag ang kanyang mga mata at binitawan ang mga salitang..
"Babalik na ang ang siyang tinakda,tinakda upang ma iligtas ang lahing iningatan,iningatan upang di mabuwag ang binuong samahan " bulalas ng oracle sa propesiya.
"Pero pano nangyari na mas napaaga ang propesiya ngayon?hindi bat masyado pang maaga para dito?"nag tatakang tanong ng reyna sa oracle na kinatango din ng mga bampirang nasa loob ng silid.
"Maging ako'y di makapaniwala dahil masyado pang maaga para dito akala ko pay aabutin ito ng isang daang taon o mas mahaba pa ngunit nagulat nalang ako ng bigla itong lumitaw sa aking panaginip at may nagpakitang mga larawan "mahabang litanya ng oracle .Nag usap pa sila ng mahaba dahil lahat sila ay takang taka kung bakit ito napa aga natahimik naman ang lahat nang biglang nag bukas ang pintuan at iniluwa nito ang taga pag mana ng kaharian na si adrian ang kanilang nag iisang anak na lalake.
"Ano't naparito ka Adrian ?akala ko'y sumama ka sa kakahuyan upang tugisin ang mga espiya ng kalaban."tanong ng reyna sakanyang anak dahil ang alam nito ay sumama ito sa mga bampira na kawal upang hulihin ang isa sa mga espiya ng kalaban na dahilan ng pag sugod ng mga bampirang ka anib ng kabilang grupo.Samantala ay tahimik lamang ang hari at tila may malalim na iniisip
. Imbis na si adrian ang sumagot ay biglang nag salita ang oracle na kinatingin ng lahat ."Kailangan mo na siyang hanapin upang matapos na ang kaguluhan at kasakimang nagaganap dito sa ating mundo."seryosong saad nito at nagbigay ng kaguluhan sa isip ni Adrian.
"Anong pinag sasabi mo ?" Tanong ng hari sa oracle na mahahalatang naguguluhan sa mga sinasabi nito.
"Ang anak nyo ang nakatakdang mag pakasal sa nakatakda at yun ang nakita ko sa aking panaginip ,Ang muka niya ang nakita ko at ng isang babae ngunit ang babae ay malabo ang itsura sa aking panaginip "makahulugang sabi ng oracle sa mag asawa.
"Kung ganun ay kailangan ng hanapin ng mahal na prinsipe ang nakatakda para sakanya at para matapos ang kaguluhan dito ."bulungan ng mga bampira na tahimik na nakikinig sa usapan ng mga nakakataas.
"Oo nga! Upang matapos na ang mga kaguluhan at matigil na ang pag kitil sa buhay ng ating mga kalahi ".tugon ng isa pang bampira sa kanyang mga kasama na sinangayunan din ng marami.
"Magsi tahimik kayo ! wag niyong alalahanin iyang mga yan dahil hanggat nabubuhay ako ay walang makakapatumba sa lahing ito "sigaw ng hari sa malamig na boses sa kanyang nasasakupan. Natahimik naman ang mga bampira at tumayo ng tuwid at nanahimik.
"Kamahalan pa umanhin kong pinutol ko ang dapat mong sasabihin ngunit ako'y mag papaalam na dahil may importante pa akong gagawin"paalam ng oracle sa hari kasabay ng kanyang pag yuko.
"Sige ika'y makakaalis na ,salamat sa mga impormasyon " tugon ng hari sa oracle.
''walang ano man mahal na hari ,nakatakda ako upang gawin ang aking responsibilidad sa pag bibigay ng impormasyon sa inyo''.Sagot nito at umalis na nga ang oracle ngunit bago iyon ay yumuko muna ito at pag katapos ay pinalabas na din ang mga bampira sa silid at nag si alisan narin ang mga nasasakupang bampira ng hari.Samantala si adrian naman ay may malaking palaisipan para sa kanyang mga narinig.Naguguluhan sya sa pinag sasabi ng oracle na kailangan nya ng hanapin ang nakatakda upang kanyang pakasalan.Ngunit sa isip isip nya ay hindi pa siya handang mag mahal ulit dahil ang nasa isip nya lamang ay ang kanyang pag hihiganti sa mga kalabang kumitil sa buhay ng kanyang kasintahang minahal nya ng lubusan na di niya na iligtas sa mga kamay nito at di sya titigil hanggat di nya napapatay si Dran Ventonlay ang malupit nilang ka away na bampira.
Amaia's POV
hayssss alas tres na ng gabi di parin ako makatulog jusko ,inaalala ko parin yung nangyari kanina at saka pala isipan parin sakin yung lakas ko.Oo marunong ako ng mga martial arts kaso nakakapagtaka bakit ko napatumba yung mga lalakeng masculado like sa laki ng katawan nila at babae ako pano ko yun magagawa ng mag isa diba tsaka para bang nasaniban ako ng isang halimaw .Pagkadating nga namin nung lalake dito kanina nagulat si mama at ginamot agad yung lalake tsaka din umalis yung lalake nung ok na siya,nakakapagtaka lang din ang kinikilos ni mama lalo nat tanong siya ng tanong kung san ko nakita at nakilala yung lalake sinabi ko nalang na binugbog siya sa eskinita na tinakbohan ni Luasdan kaya tinulangan ko .Simula nun eh napaka weird na ng kilos ni mama laging tulala o kaya naman tatanongin ako ulit kung may sinabi daw ba yung lalake na something .Hays !basta bahala na si batman kailangan ko na talagang matulog kong hindi lagot ako kay mama bukas ,paniguradong may wake up call nanaman ako tsaka panigurado maliligo nanaman ako ng wala sa oras .
**********
please vote and comment guys !!
BINABASA MO ANG
Married With A Vampire Prince (Editing)
VampirosSa kaharian ng Dwoedan nag patawag ang pinuno ng isang malaking pag pupulong ng malaman nilang darating ang oracle upang ipabatid ang propesiya .Tahimik ang lahat na nag hihintay sa oracle dahil nalaman nilang darating ito .Dumating kasi ang kasula...