Third Person's POV
Naka handa na si adrian at ang mga kaanib niyang bampira ,warewolf at warka sa labas ng palasyo habang hinihintay ang mga kalaban sa kabilang banda naman ay humahanap na ng tyempo si amaia upang makatakas siya sa mga mabpirang inutusan ng asawa niya upang magbantay sakanila.Ng makahanap siya ng tyempo ay dali dali niyang hinalikan sa noo ang anak at lumisan upang tumungo sa kabilang kaharian .Sa isip isip niya ay siya ang reyna kaya dapat din siyang mag sakripisyo para sa lahing kinabibilangan ng anak at asawa. sakay ng isang warwolf ay tumuloy na siya sa Dwoedan.Samantala biglang nag si ayos sila adrian ng dumating na ang grupo ng kalaban na si Dran .
"Handa ka na bang mamatay blackbourne "mayabang na turan ni Dran .bumakas naman ang walang emosyon mukha ni adrian .
"Ang dami mo pang sat sat Ventonlay bakit di na lang natin umpisahan".sagot naman ni adrian.maya maya pa ay nag simula na ang labanan nila at unang sumugod ang mga Tremere.nakita naman ni adrian ang la mucama na traydor pala bigla nalang namula ang mata nito at dali daling tinapos ang buhay ni Zurie.Tanging pag sabog at lang ang maririnig sa labas ng palasyo dahil sa mga warka.maya maya pay dumating na si amaia at nakipag laban na din .di man niya akalain na ganun siya kalakas ay pinagsawalang bahala nalang niya ito .Nagulat naman si Adrian ng makita niya si Amaia na nakikipag laban .kaya lumapit siya rito at hinagkan ito ng mabilis.
"Amaia bat nandito ka?"naguguluhang tanong ni adrian
"Ako ang reyna dapat di lang ako tutunganga duon"matapang naman na sagot ni amaia .wala ng nagawa si adrian sa katigasan ng ulo ni Amaia kaya nakipag laban nalang siya kasama ang asawa samantala nakangisi naman si Dran na pinanunood ang mga kasapi niya at si adrian na nakikipag laban .Maya maya pay lumapit ang isang warka kay amaia at hinagisan ito ng bolang nakakasugat na gawa ng mga warka.
Malaking sugat naman ang natamo ni Amaia kaya nawalan siya ng malay .Lumapit naman si adrian dito at biglang mas namula ang mga mata nito sa galit . Wala pang isang minuto ay napugutan na niya ng ulo ang warka at dinaluhan niya ulit ang asawa .Nagulat nalang siya ng biglang lumutang ito at nag iba ang kulay ng buhok at umilaw ang pulsuhan nito ,nawala din ang sugat niya at biglang dumilat .Nag kulay berde at pula ang mata nito. Natigilan naman lahat ng nag lalaban kasama si dran at napatingin sakanila .nagulat din si adrian sa nangyari sa asawa kaya ng lumutang ito ay di niya alam ang gagawin. nang biglang mag bigkas ng mga salita si Amaia"Terminaré esto" bigkas niya at maya maya pa ay naka baba na siya habang umiilaw ang pulsuhan at naka ukit ang sinasabing rosas sa pulsuhan.Para lamang itong simpleng drawing kung tithnan ngunit kung malapitan at kung hahawakan ito ay ma aari kang mapaso.muling nag laban ang ibang panig at nakisali na din si Dran .Ginamit naman ni adrian ang kapangyarihan niya. Tumingin sa kanan si Amaia at nakita ang mga warka na hinahagisan ang mga kasama nila ng mga bombang imbento nila.Tinignan lang sila ni Amaia ay nag sabog sabog na ang kanilang mga ulo kasama ang iba pang bampirang malapit sa kanila.maya maya ay may babaeng Bampira na susugod na kay Amaia at tatanggalin niya ang puso nito ngunit hinarangan ito ng Mama niya na nag palaki sakanya .Lumingon si Amaia at di niya alam kung anong gagawin habang naka handusay sa harap niya ang kinalakihan na niyang ina .Umalingawngaw ang lakas ng hagulgul ni Amaia na nag patakip sa mga tenga ng bampira .lumuhod si Amaia at dinaluhan niya ang kanyang kinilalang ina at umiyak.
"Mama bakit ka humarang?" Tanong nito.
"Anak ,tapos na ang misyon ni mama na bantayan ka at ang maibalik ka dito sa totoo mong kalalagyan,ngayon makakapahinga na ako ng payapa kasama ang mama mo at ang mga magulang namin.Mahal kita Amaia anak,lagi mong tatandaan na ma-hal ka ng mga m-ag-ulang m-o huh m-m-aging m-asaya ka a-nak"huling sambit nito bago malagutan ng hininga.pag ka taas ng ulo ni Amaia ay bigla silang kinilabutan sa umokit na galit at pag ka suklam sa mukha ni Amaia maya maya pa ay mas dumami ang mga bampirang tremere kaya mabilis nilang napatay ang mga bampira ng dwoedan.Napangisi naman si Dran sakanyang nakikita dahil halos ma ubos na ang Dwoedan pero nagulat ito ng nag si datingan ang mga kustans at ang mga assamite.
BINABASA MO ANG
Married With A Vampire Prince (Editing)
VampireSa kaharian ng Dwoedan nag patawag ang pinuno ng isang malaking pag pupulong ng malaman nilang darating ang oracle upang ipabatid ang propesiya .Tahimik ang lahat na nag hihintay sa oracle dahil nalaman nilang darating ito .Dumating kasi ang kasula...