Amaia's POV
"Amaia anak "tawag sakin ng isang babaeng di ko kilala .
"Asan ka ?"pabalik na sigaw ko
"Sundan mo lang ang boses ko anak"sagot nito kaya sumunod naman ako.Nakita ko ang babaeng nakatalikod na nakasuot ng napakagarang puting bistida.
"Sino ka?"tanong ko ulit.lumingon naman ito at nakita ko ang babaeng kahawig ko ,ang naiba lang ay ang buhok nitong kulay pula.
"Anak "nakangiting sabi nito.naguluhan man ako ay di ko alam kong bat ang lumapit at hinagkan siya
"Anak ako ito ang tunay mong ina ,sana mapatawad mo kami ng ama mo kung bakit di ka namin na alagaan at nasubaybayan sa iyong pag laki."malungkot na sagot nito. Naiyak naman ako sa natuklasan ko .
"Mama "banggit ko habang umiiyak.umaliwalas naman ang mukha nito ng tawagin ko siyang mama.
"Anak basta't lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at mahal ka din ng papa mo ,alagaan mo ang sarili mo at ang anak mo ,mag iingat ka lagi anak ,malalaman mo rin ang lahat anak "mahabang saad nito at hinaikan ako nito sa noo kaya napapikit ako ngunit ng idilat ko ulit ang mata ko ay unti onti na siyang palayo sakin kaya sumigaw ako at tumakbo pero di ko siya naabutan.
"Mama"humahangos kong sigaw.panaginip lang pala ulit.ilang araw ko ng pa ulit ulit na napapanaginipan yun.kaya naguguluhan ako kung ano ba talaga ako.
Tinignan ko naman si Kyran na mahimbing na natutulog sa aking tabi .napangiti naman ako ,mag iisang buwan palang ito pero parang tatlong buwang sanggol na ang laki nito hays kamukhang kamukha talaga siya ni mamaw ,hinalikan ko naman ang noo niya at nahiga ulit sa tabi niya.Sana kapag natuklasan ko na ang totoo ay sana kayanin ko ang mga malalaman ko dahil handa ako kung ano man yun.Habang nakatitig sa aking anak ay na alala ko naman ang sinabi ni mamaw patungkol sa digmaang magaganap sa kabilugan ng pulang buwan.sinabi man sakin ni adrian na itatago nila kami kasama si mama hadria ay di ako sasama .Gusto kong tumulong sa digmaang magaganap dahil alam kong magagawa kong makatulong .Naalala ko pa nung natalo ko ang mga maskuladong lalaki noon .Alam ko na hindi ako ordinaryong tao kaya malakas ang loob kong makipag laban .Kaya naman sa susunod na digmaan ay tatakas ako at tutulong kay adrian .Bilang reyna ay kailangan kung gampanan ang aking tungkulin ,ang tungkuling iligtas ang aking nasasakupan at tungkulin kong damayan ang asawa ko sa hirap at ginhawa. Ako ang reyna kaya kailangang may gawin din ako .Lalaban ako para sa mag ama ko . Alam kong malalaman ko ang totoo pag katapos nitong digmaang ito ,malaman ko din kung ano ba talaga ako .kung sino ba talaga ako
BINABASA MO ANG
Married With A Vampire Prince (Editing)
VampirSa kaharian ng Dwoedan nag patawag ang pinuno ng isang malaking pag pupulong ng malaman nilang darating ang oracle upang ipabatid ang propesiya .Tahimik ang lahat na nag hihintay sa oracle dahil nalaman nilang darating ito .Dumating kasi ang kasula...