Amaia's POV
Hays! lunes nanaman panigurado makikita ko nanaman si sir panot sa loob ng isang linggo kainis .Maliligo muna ako para pag baba ko ay kakain na ako at makaka alis na ako.
Makalipas ang isang oras
Pagkababa ko ng hagdan ay dumeretso na ako sa kusina at na abutan si mama na nag hahanda na ng almusal.
"Anak kain na" nakangiting pag anyaya ni mama sakin.
"Opo ma"sagot ko ng nakangiti .umupo na ako sa tapat ng upoan ni mama at kumain na kami ng paborito naming tocino at tuyo sa pang umaga nag kwentohan pa kami at pagkatapos ay nag pa alam na rin akong aalis sakanya papunta sa skwelahan.
"Sige anak pumasok ka na sa skwela mo tandaan mo lagi na mahal na mahal kita ,alagaan mo sarili mo huh wag kang mag papabaya kasi malay mo bigla nalang tayong magkahiwalay walang mag aalaga sayo " ang weird parin ni mama pero ang sweet niya .
"Ikaw naman ma feeling mo naman mawawala ako at opo ma lagi ko pong tatandaan yang sinabi mo mahal na mahal ko din po kayo mama"tugon ko sakanya.ngumiti nalang siya at niyakap ako ng mahigpit ,niyakap ko naman siya ng pabalik at hinalikan sa pisngi nag pa alam na ako at hinatid naman ako ni mama sa gate niyakap ko siya ulit at nag pa alam na para umalis.
Papunta na ako sa school at nag lakad lang ako , habang nag lalakad ako ay tinatadyakan ko ang lata na nakita ko nang bigla akong may naramdamang may sumusunod sakin at parang tinititigan ako nito ng matalim.Nag lakad ako ng mabilis ngunit talagang sinusundan niya ako kaya binalewala ko nalang muna.Nag lakad ako ulit at dadaan na ako sa tapat ng bukid at puno bigla naman akong may naramdaman kaya lumingon ako sa likod ko ngunit wala namang tao akong nakita kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa malapit na ako sa aming skwelahan .
"Guni guni mo lang yan Amaia,guni guni lang."ka usap ko sa sarili ko.pag kaharap ko ay nagulat ako dahil may lalaking mukhang anghel na bumungad sa aking harapan na parang nakalunok ng pulbos sa sobrang puti at putla.
"Hmmn kuya ano po kelangan nyo ?"nag tatakang tanong ko sakanya .Ang weird ng tingin niya sakin gashh.
"Ikaw"sabay smirk ni kuya ng nakakaloko.sira ulo ata si kuya sayang naman gwapo pa naman niya kaso baliw naman.
"Po eh bakit po ako?"naguguluhang tanong ko sakanya at tinuro ko pa ang sarili kong nagtataka.
"Dadalhin kita sa aming mahal na prinsipe"sagot nito, confirm ! baliw nga si kuya!, anong prinsipe ang pinag sasasabi nito jusko.
"Nababaliw ka na ba kuya?anong pinag sasabi mong prinsipe?nakahithit ka ba ?"naguguluhang tanong ko ng may pang aasar na hlo.aba kahit gwapo ka kuya di ako sasama mamaya modus mo lang yan. Biglang namula ang mata nya kaya naman bigla din akong kinilabutan sa nakita ko .
"Basta sumama ka nalang "sagot nito sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.Waaaaaaah lord tulungan nyo kung makatakas sa baliw na to huhuhu mahal ko pa buhay ko jusko lorddddd.wala pa nga po akong jowa eh tas makikidnap lang ako ng baliw na to!!
"Ayaw ko "matapang na sagot ko sabay tanggal ng pag kakahawak niya sa kamay ko kahit alam ko naman na natatakot din ako sa loob loob ko pero pinakita ko padin na matapang ako.lalagpasan ko na sana siya at tatakbo ng mas namula ang dalawang mata nito at sa isang iglap ay buhat buhat na ako nito .
"Waaaaah bitawan mo ako ! malignoooooooo."sigaw ko pero masyadong mahigpit ang hawak nya sakin kaya di ako maka palag.Mabilis ang mga pangyayari at hindi ko namalayan na tumatakbo na si kuyang anghel ng napaka bilis habang buhat nya ako kaya napapikit ako dahil sa nakakahilo ang nararamdaman ko.Walang pang sampong minuto ay nasa gubat na kami at nasa tapat ng isang malaking puno na may matatabang baging sa paligid na makakapangilabot talaga sakin. Binaba naman ako nito ngunit ramdam ko parin ang matinding pagkahilo hanggang sa hinawakan ako ulit nito at nag sasalita siya pero di ko ma intindihan.gwapo sana siya kaso maligno naman huhu.
"Mundo Vampiro abierto".pag katapos nya banggitin ang mga katagang yun ay biglang may nag bukas na lagusan.Anong kabaliwan ito ,naguguluhan na talaga ako .Ano ba talagang nangyayari?.God kayo na pong bahala sakin huhuhu.alagaan nyo po si mama ko dahil di na ata ako makakatakas sa baliw na anghel ay hindi pala sya anghel halimaw pala siya huhuhu.ito ba yung ibig sabihin ni mama kanina ? Ito na ba yung oras na wala siya sa tabi ko .
"San mo ba ako dadalhing halimaw ka ?"tanong ko habang humihikbi at pinag hahampas siya kahit nanghihina na ako .
" nasagot na kita kanina at sinabing dadalhin kita sa mahal na prinsipe"sagot nito habang walang emosyon ang kanyang mukha.baliw talaga to .
"Bakit ako pa madami naman iba ah" sagot ko sakanya.
"Dahil ikaw ang nakatakda"sagot nito sa nakakatakot na tinig.
"Anong tinakda ang pinag sasabi mong maligno ka?" Sagot ko .ano ba kasing nakatakdang pinag sasabi niya. Naguguluhan na talaga ako sa mga kagaguhang to mas nahihilo ako sa mga pinasasabi niya eh.
"duerme nuestra próxima princesa"
Bigla nalang nyang binigkas ang mga katagang iyon at tuluyan na akong nasakop ng kadiliman .Ms. Grayson's POV (mama ni Amaia)
Alam ko ngayon na siya kukunin sakin .alam ko ngayon na siya babawiin sakin .sana ma ayos lang ang lagay niya doon ,alam kung mas nakakabuti ang kalagayan niya doon kesa dito sa mundo ng mga mortal na tao ,lalo nat pa ubos na ang pinapainom ko kay Amaia para manatili siyang parang normal na tao kung gumalaw . Sana lang matanggap niya at sana mapatawad niya ako sa di pag sabi sakanya ng katotohanan ,kung ano ba talaga siya at sana di siya magalit na di ako ang tunay niyang ina. Oras na para bumalik siya para sa kanyang lahi ,Sa aming lahi.Oras na para bumalik sa kanyang tunay na pinanggalingan .
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
PLEASE VOTE ANG COMMENT GUYSThank you so much for reading feel free too comment 😁
■●■●■ GWEN
BINABASA MO ANG
Married With A Vampire Prince (Editing)
VampiriSa kaharian ng Dwoedan nag patawag ang pinuno ng isang malaking pag pupulong ng malaman nilang darating ang oracle upang ipabatid ang propesiya .Tahimik ang lahat na nag hihintay sa oracle dahil nalaman nilang darating ito .Dumating kasi ang kasula...