CHAPTER 3

254 13 1
                                    

1700 HOURS
CAVITE NAVAL BASE,
CAVITY CITY

"ANO'NG GINAGAWA NATIN RITO? Akala ko ba ay mamayang ala-sais na ang alis natin papuntang Isla Del Fuego?" Inis na tanong ko kay Siv.

"Andito si Sir Hanes at nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya na dito raw muna tayo pumunta."

Naunang bumaba ng Black Hawk si Siv kasunod naman nito si Amanda. Nagtalo pa sina Oasis at James kung sino ang mauunang bumaba kaya naman inunahan ko na silang bumaba.

Narito kami ngayon sa Cavite Naval Base. Ito ang headquartes ng Naval Special Operations Group o NAVSOG. Madalas ay nandito si Harley noon habang nag-aabang ng susunod nilang misyon.

Abala ang karamihan sa sundalong narito nang dumating kami. Kagaya ng dati ay abala ang mga ito sa kani-kanilang misyon. Panay ang paglapag at pag-alis ng ilan sa kanilang aircraft.

Dumiretso kami sa opisina ng NAVSOG Commander na si Brigadier General Mario Dalisay.

Paano ko nalaman ang mga iyon? Madalas akong narito bago ako magsundalo. Isinasama ako rito ni Harley kapag wala akong pasok noon sa eskwela.

Nadatnan namin na  may kausap na lalaki si Gen. Mario. Matangkad ang lalaki, kayumanggi ang balat at pulido ang 2x3 na gupit ng buhok nito. May malapad na peklat ito sa kaliwang parte ng leeg at kumpleto ang military uniform na suot nito.

Agad na sumaludo ang apat kong kasama. Huli man ay sumaludo narin lang ako.

"At ease." Sabi ni General Mario habang nakaupo parin sa swivel chair nito. Nasa harap naman ng desk niya nakaupo ang lalaking kausap niya.

"Siya ba ang ipinadala ni Captain Ibarra?" Tanong ng lalaki saka tumingin sa akin.

"Yes, Sir." Sagot ni Siv.

Malamang na ang lalaking nagtanong kay Siv ay si Captain Hanes. Tinignan ko rin lang ito pero hindi ako nagpakilala.

Pinaupo nila kami sa sofa na narito sa opisina. Matikas na nakaupo ang apat samantalang ako ay kaswal lamang na naupo.

"Nakahinga ako ng maluwag ng tanggapin mo Captain Hanes ang misyong ito sa Del Fuego." Seryosong sabi ni Gen. Mario. "Iniiwasan ng mga tao rito ang misyong iyan dahil narin sa mga nagkalat rito na kwento tungkol sa islang iyon."

"Si Lieutenant Alquero ang inyong pasalamatan, General." Tumingin si Cap. Hanes kay Siv. "Siya ang tunay na may nais na saluhin ang misyong ito."

"Hindi na po kailangan, Sir." Sagot ng babae. "Dahil buhay ng kaibigan ko ang pinag-uusapan sa misyong ito."

"Ang totoo niyan, hindi na ako umaasang buhay pa ang kahit na sinong miyembro ng Unit 5." Napatayo ang heneral saka ito lumapit sa bintana ng kanyang opisina. "Dahil kahit ako mismo ay walang tiwala sa islang iyon. Ilang unit na ang ipinadala ko pero may kung ano o sino ang pumipigil. Bumabalik sila rito na nagmamakaawang huwag na sila patuluyin sa lugar na iyon."

Nakuyom ko ang mga palad ko dahil sa sinabi ng heneral.

Bakit ba iniisip ng lahat na patay na sila Harley? Tanong ko sa aking isipan.

"Deep shadow conditions, Sir?" Tanong ni Captain Hanes.

"Hindi ako sigurado pero iyon ang hinala ko. Kaya naman inilipat ko sa ibang division ng Special Operations Command ang kasong ito dahil rito sa NAVSOG ay may mga hindi na magandang nangyayari. Ayokong magsalita at ayokong mambintang pero kailangan nating mag-ingat." Paliwanag ng heneral.

May kinuha itong isang folder mula sa kanyang drawer. Ang folder ay may logo ng NAVSOG. Inabot niya iyon kay Captain Hanes.

"Nariyan ang lahat ng impormasyong may kinalaman sa misyon ng Unit 5 sa Isla Del Fuego. Isinama ko narin dyan ang mga impormasyong nakalap ko kina Miller at Espinar noong huli ko silang makausap. Alam kong halos hindi kapani-paniwala ang mga nariyan pero sana ay hindi ninyo isantabi ang mga impormasyong iyan." Napabuntong-hininga ang heneral.

LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon