PATULOY ang ingay ng putok ng baril sa paligid. Ilang tauhan rin ng Holocaust Organization ang nakasalubong namin ni Harley na agad naman naming napatumba.
Sinundan ko si Harley papunta sa Helipad sa likod ng Warehouse. Naroon pa ang sirang parte ng sumabog na helicopter na nabanggit ni Harley kanina. May isa pang helicopter roon na maayos pa.
At natanaw namin si Armando na may dalang itim na suitcase at naglalakad papunta sa Helipad.
"Tigil!" Sigaw ni Harley habang nakatutok ng hawak naming baril sa direksyon ni Armando.
Napatigil si Armando saka napaharap sa amin. Nagulat ito saka bumunot ng baril mula sa shoulder holster na suot niya at itinutok niya iyon sa amin.
"Paanong nakaligtas ka sa epekto ng Catastrophe Tapeworm!?" Inis na tanong nito sa akin saka naman ito bumaling kay Harley. "At buhay ka pa?!"
"Hindi ako mamamatay hangga't hindi kita napipigilan!" Singhal ni Harley. "Maraming buhay na ang nasayang dahil sa pesteng organisasyon mo! Idinamay mo ang mga inosenteng mamamayan ng Del Fuego at ngayon ay balak mo namang ikalat sa mundo ang C-tapeworm?!"
Pagak na tumawa si Armando. "Hindi natatapos ang digmaan sa iba't-ibang parte ng mundo dahil sa pag-aasam ng tao sa kapangyarihan. And I will make money out of humanity's obsession to power. Sa tingin niyo, sinu-sino ang mayayamang buyers sa Black Market? Walang iba kundi ang mga pulitiko na walang ibang hangad kundi ang kapangyarihang mamuno sa mga iba't-ibang bansa."
"At ang mga taong katulad mo ang dahilan kaya lumalala ang kaguluhan. Kayo ang mga demonyong sumusulsol sa kanila upang lalong maging ganid sa kapangyarihan!" Singhal ni Harley.
"Of course, why not? Lalo na kung handa silang magbayad ng malaki para lamang sa kapangyarihan." Tumawa ng malakas si Armando. "At ang mga kagaya niyo naman ang madalas na nagbubuwis ng buhay para sa wala."
Napalingon ako sa gilid ng helipad nang makarinig ako ng pamilyar na mga ungol at hindi nagkamali ang kutob ko na may mga infectee sa paligid. Dahan-dahan ang mga hakbang nito papalapit sa amin ni Harley at nilagpasan lamang ng mga ito si Armando. May mga infectee rin sa ibabaw ng helipad.
"Alam niyo na ang gagawin sa mga iyan." Sabi niya sa mga infectee na tila mga wala namang narinig at patuloy lamang ang paglakad patungo sa direksyo namin ni Harley.
Pinaputukan namin siya ni Harley ngunit wala nang bala ang mga dala naming baril.
"Damn it!" Sigaw ni Harley saka niya inihagis ang baril kung saan. Bumunot siya ng kutsilyo mula sa kanyang boots.
"Hindi siya pwedeng makatakas!" Sigaw ko saka ko ibinato ang hawak kong baril sa isa sa mga infectees.
Naunang tumakbo si Harley pasunod kay Armando. Mabilis itong nakaakyat sa bakal na hagdan papunta sa helipad pero naharang ito ng mga infectee.
"Richard! Bilisan mo!"
Kahit sugatan ay buong lakas na nakipagbuno sa kanila si Harley. Ang katawan ko naman ay bugbog na bugbog na at pilit kong iniinda ang tama ng baril sa aking hita. Kapag hindi ako kumilos, malamang ay hindi maganda ang mangyayari sa amin.
"Go leave without me!" Sigaw ko habang iika-ikang tumatakbo papunta sa kanya. "Habulin mo na siya!"
"You're not the only one who's fucked up! Napakalayo niyan sa bituka!" Pasigaw niyang sagot saka sinaksak sa ulo ang sumunod na sumugod sa kanya.
"Damn it!" Singhal ko habang hinihingal.
Nang marating ko ang bakal na hagdan ay mabilis akong umakyat roon. Gamit ang mga kamay ay pinilit kong kayanin ang sarili kong bigat. Kapag umasa ako sa mga paa ko ay baka ikamatay ko pa ang pagbagsak pababa.
Parami ng parami ang mga sumusugod kay Harley kaya naman mas lalo ko pang binilisan.
Unti nalang ay mapipigilan na namin si Armando.
Unti na lang ay makakaalis na kami rito.
Nang tagumpay akong makaakyat ay dinalian ko ang paglalakad papunta sa kanya. Wala na akong lakas para tumakbo dahil pagod na pagod na ako.
"Harley! Mauna ka na sa helicopter! Ako na ang bahala sa kanila!" Pagsisinungaling ko. Ni hindi ko nga alam kung mapapatumba ko pa ang isa sa kanila.
"Ang dami mong sinasabi, bilisan mo nalang!"
May sasabihin pa sana siya nang may biglang humatak sa kanya mula sa likod. Niyapos siya nito sa leeg kaya naman bahagya siyang napaatras. Ang nasa unahan naman niya ay hinawakan ang dalawang kamay niya.
"Harley!"
Malapit na sana ako sa kanya nang may sumalubong sa akin. Tinangka nitong saksakin ako gamit ang hawak na kutsilyo pero nasalag ko iyon at mabilis kong binali ang braso nito. Nang mabitawan nito ang kutsilyo ay agad ko iyong sinalo at isinaksak sa ulo nito.
Nakakaisang hakbang pa lamang ako nang may sumugod naman sa akin. Niyapos nito ang tiyan ko kaya naman napaatras ako. Muntikan pa akong mawalan ng balanse pero agad kong tinuhod ang mukha nito sabay siko pababa sa batok nito kaya bumagsak iyon sa sahig.
Hahakbang na sana ako nang bigla naman akong tamaan ng kamao sa mukha. Napaatras na naman ako at ganoon nalang ang galit ko nang makita ang nagmamay-ari ng kamao na iyon.
"Kahit ano'ng gawin mo ay hindi mo na siya maililigtas pa." Mala-demonyo itong tumawa saka ngumisi.
"Ikaw? Paano ka nakaalis sa simbahan?" Pagtataka ko.
Tumawa lalo ang lalaki at saka ito sumeryoso. "Nakalimutan ko nga pala magpakilala sa simbahan kanina. Ako nga pala si Enrico. At hindi ako tanga para hindi makaalis sa simbahan. Binalikan ako ng mga tauhan ko kaya ako nakaalis roon."
Maayos na ang hitsura nito at may benda narin siya sa hita.
"Dapat talaga ay pinatay na kita kanina eh!" Sigaw ko saka ko siya sinugod.
Ginamit ko ang natitirang lakas ko upang suntukin siya ngunit naiwasan lamang niya iyon. Sinipa pa niya ang sugatang hita ko kaya naman natumba ako. Napahiyaw na lamang ako sa sobrang sakit.
"Tanggapin mo na lamang na wala ka nang magagawa pa. See?"
Dahil sa sinabi niya ay lumampas ang tingin ko sa kanya. Grabe nalang ang takot ko nang makita kong bumagsak sa sahig si Harley at pinaibabawan nila ito.
"Hindi." Sambit ko saka ko pinilit na tumayo.
Pero tila pagod na ang mga binti at hita ko.
"Harley? Harley!"
Pinilit kong gumapang papunta sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakikita siyang pilit na lumalaban habang isinisigaw ang pangalan ko.
"Richard! Iligtas mo ang sarili mo!"
"Hindi! Harley--ah!"
Napasigaw ako nang may umapak sa namamaga kong kamay.
"Ano ang pakiramdam habang pinanonood mong namamatay sa harap mo ang taong mahal mo?"
"Harley? Harley!"
Naramdaman ko ang pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata.
Wala nang nagawa si Harley nang saksakin siya sa tiyan ng isa sa kanila. Hindi pa ito nakuntento at binunot ang kutsilyo saka naman isinaksak sa dibdib ng kapatid ko.
"Hindi!"
Nakita ko pang sumuka ng dugo si Harley. Nangisay pa ito at matapos ang ilang sandali ay hindi na ito gumalaw pa. Dilat na dilat ang mga mata nito na nakatingala sa madilim na kalangitan.
"Harley!"
BINABASA MO ANG
LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]
HorreurCATASTROPHE An event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster. Paano kung may natuklasan kang isang bagay na kayang wakasan ang buhay ng lahat ng tao rito sa mundo? Ano ang gagawin mo? Natapos na ang kaguluhan sa San Mariano. N...