CHAPTER 12

192 9 0
                                    

MAISIP ko palang na baka nga patay na si Harley ay agad  nang kumukulo ang dugo ko. Kaya naman walang pasabi ay bigla kong sinapak ang lalaking walang malay na nasa harap ko.

"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong ni Raven nang magulat ito sa ginawa ko.

Napadaing lamang ang lalaking nakagapos saka nito mabagal na iminulat ang mga mata niya.

"Wake up, asshole!" Sigaw ko saka ko sinipa ang sikmura nito. Mabilis namang lumapit sa akin si Raven at Hanes para awatin ako.

"Tama na!" Awat ni Hanes sa akin.

Umubo ang lalaki saka nito iniangat ang ulo upang tignan kung sino ang bumubugbog sa kanya. Nang makita niya ako ay napangisi lamang ito.

"Nasaan ang anti-virus?" Tanong ko sa kanya pero tumawa lamang ito kaya naman sasapakin sana ulit siya peeo hawak parin nila Raven at Hanes ang mga braso ko.

Lumingon-lingon ang lalaki at napatingin ito sa walang malay na si Oasis na nakagapos sa kabilang upuan. Natawa ulit ang lalaki saka ito tumingin sa akin ng masama.

"What? Do you think you can save your friend using the anti-virus? Well, I'm afraid it may not." Saka ito ngumisi ulit.

"So it means that there's an existing anti-virus?" Ako naman ang napangisi. "Nasaan iyon? Sabihin mo!"

"Kahit pa malaman ninyo kung nasaan iyon ay hindi na ninyo matutulungan pa ang kaibigan ninyo." Nawala ng ngisi nito sa mukha. "Dahil huli na ang lahat para sa kanya."

As if on cue na nagising si Oasis saka ito nagpupumilit na makawala mula sa mga lubid na nakatali sa kanya. Humalakhak naman ang lalaking nakaitim habang pinagmamasdan si Oasis.

Panay ang ungol at sigaw ni Oasis kaya naman nataranta ang lahat. Agad na napalapit sina James at Amanda sa amin at napabitaw naman sina Raven at Hanes mula sa pagkakahawak sa akin.

"Hindi totoo ang sinasabi mo!" Isang malakas na suntok ang pinatama ko sa mukha ng lalaki. "Maililigtas pa namin si Oasis!"

Idinura ng lalaki sa sahig ang dugo mula sa pumutok niyang labi. Ngumiti lamang ito sa akin. "Huli na ang lahat."

Sa hindi malamang dahilan ay nakawala mula sa pagkakagapos si Oasis. Tumayo ito at agad akong sinugod. Pinatamaan pa ni Raven ng bala sa dibdib si Oasis pero hindi ito natinag at mabilis itong nakalapit sa akin.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Oasis sa leeg ko at nagawa pa nitong maiangat ang mga paa ko mula sa sahig. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa leeg pero masyado siyang malakas.

"O-Oasis! Itigil m-mo na ito!" Tanging nasabi ko habang pinipilit kong makahinga.

"Tuluyan mo na siya." Salita nang lalaki at napalingon sa kanya si Oasis na para bang naiintidihan niyang iniutos iyon sa kanya.

"Huwag kang makinig sa kanya, Oasis!" Sigaw ni Hanes saka nito sinipa si Oasis sa likod ng tuhod nito kaya naman napaluhod ito at nabitawan ako.

Napabulagta ako sa sahig habang hawak-hawak ko ang namamaga kong leeg. Pinilit kong huminga ng maayos at saka ako gumapang paatras.

Mabilis namang napatayo si Oasis at hinarap niya si Hanes. Susugurin niya sana ito nang bigla siyang tadyakan ni Amanda sa tagiliran.

"Ano na ang gagawin natin?!" Natatarantang tanong ni James na nakatutok ang hawak na rifle kay Oasis.

"Sabihin mo, paano namin maibabalik sa dati ang kaibigan namin?" Sinakal ni Raven ang lalaking nakagapos.

"W-Wala kayong makukuhang i-impormasyon sa akin!" Sigaw ng lalaki habang nasasaktan sa pagkakasakal sa kanya.

LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon