CHAPTER 20

218 11 0
                                    

JUNE 29, 2010
1800 HOURS
CAMP MATEO CAPINPIN
TANAY, RIZAL

TAHIMIK kong pinagmasdan ang mga sundalong maayos na nakahanay at nakikinig sa kanilang platoon leader. Maya-maya pa ay nag-umpisa na silang mag-jogging.

"Naayos na namin ang NAVSOG at naterminate na namin ang mga opisyal na may kaugnayan sa Holocaust Organization. Iyon ang nagbigay linaw sa kaso kaya naman nalinis na ang pangalan ninyo ni Miller."

Napalingon ako kay General Dalisay na kausap ni Captain Hanes.

"Ang lakas naman ng loob nilang ibintang sa amin ang lahat ng nangyari sa Isla Del Fuego samantalang ni hindi nga nila mapahayag sa buong bansa ang totoong nangyari roon. Mass Massacre, my ass!" Singhal ni Hanes na abalang binabasa ang papeles na ibinigay sa kanya ni General Dalisay.

Tumayo na lamang ako saka  naglakad palabas ng opisina ni Hanes. Wala na akong pakialam sa development ng kaso. Hindi narin naman maibabalik noon ang buhay ng mga inosenteng tao na sinayang ng Holocaust Organization.

"Goodmorning, Sir!" Tumigil ang limang magkakasamang sundalo sa harap ko upang sumaludo. Sinenyasan ko na lamang sila na ibaba ang mga kamay saka ako nagpatuloy sa paglakad.

"Good morning, Cap!" Bati ng kapwa ko kapitan na taga-ibang division. Tipid lamang akong ngumiti sa kanya at tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang makaalis kami ni Hanes sa Isla Del Fuego. Ginamit nila ang satellite phone na dala noon ni James upang humingi ng support kaya nakaresponde ang Airforce at nagpadala ng aircrafts at missiles.

Naipresenta namin sa hukuman ang ebidensya ng illegal weapon ng Holocaust Organization pati na ang walang buhay na katawan ni Armando Hanov na nadala namin sa helicopter noon. Masaklap na iniugnay pa kami ng hukuman sa Holocaust Organization. Napagbintangan pa kami ni Hanes na nakikipagsabwatan sa kanila.  Sa tulong ng sapat na ebidensya at ang pagkahuli sa mga opisyal ng NAVSOG na tunay na kasabwat ng Holocaust ay napawalang-sala kami ni Hanes. Na kung tutuusin ay wala naman talaga kaming kasalanan sa mga nangyari.

Itinago ng gobyerno sa media ang totoong nangyari sa Isla Del Fuego. Pinalabas lamang nila na Terrorist Attack o Mass Massacre ang  nangyari roon. Walang kahit na anong impormasyon tungkol sa Catastrophe Tapeworm ang maririnig sa mga balita at mababasa mula sa mga dyaryo.

Pagbalik ko rito ay tuluyan na akong nailipat sa Scout Ranger Regiment kagaya ng pakiusap ko kay Sir Ibarra dahil dati niya akong tauhan at ordinaryong sundalo lamang ako ng AFP noong mapasama ako sa elite group ng SRR. Nang mapawalang-sala kami ni Hanes ay napromote ako at naging Kapitan ng 21st Scout Ranger Company "Valiente".

Habang si Hanes naman ay hindi tinanggap ang promotion at nanatiling kapitan sa ibang SRR Company. Siya naman ang kapitan ng 20th Scout Ranger Company "Guerrero".

Napatigil ako sa paglakad ng  marating ko ang pakay ko.

Madilim na  kaya naman kinuha ko ang lighter mula sa bulsa ng cargo pants na suot ko at sinindihan ko ang anim na puting kandila na nasa altar. Matapos ay tahimik akong naupo sa isang sementong bench sa harap ng altar. Huminga ako ng malalim.

Pinagmasdan ko ang mga bulaklak at ilang mga papel na nakadikit sa pader sa gilid ng altar.

Sa mismong altar, bukod sa isang maliit na rebulto ng birheng maria ay naroon ang anim na frame ng larawan nila Staff Sgt. Amanda Sikova, 1st Lt. Siv Alquero, Corp. James Santos, 2nd Lt. Oasis Navarro, Lt. Senior Grade Harley Johansson Miller at Communications Intelligence Officer Thomas "Raven" Diosdado.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala nilang lahat. Kahit na saglit ko lamang nakasama ang karamihan sa kanila ay nahihirapan pa rin ako kapag naiisip ko na wala man lang akong nagawa upang mailigtas sila.

LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon