IBABALIK KO SANA ang tingin sa red dot sight ng hawak kong rifle nang biglang may bumagsak na kung ano kay Oasis dahilan upang dumausdos siya pababa ng puno. Tumilapon siya sa lupa at tumilamsik kung saan ang kanyang rifle.
"Fuck, fuck!" Sigaw niya habang pinipigilan ang kung anong nilalang na nasa ibabaw niya.
"Oasis!" Sigaw ko saka ko mabilis na isinuot ang night vision lens dahil hindi ko gaano makita si Oasis sa baba dahil madilim doon.
Ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita kung ano ang nakapaibabaw kay Oasis. Mabuhok ang nilalang ngunit bahagyang mas maliit iyon sa tao. May mga paa at kamay rin ito. Abala ito sa pagkalmot kay Oasis at pinipilit pa siya nitong kagatin sa leeg.
"I can't get a clean shot! Hawakan mo yan maigi, Oasis!" Sigaw ko sa kanya habang pinipilit kong asintahin ng maigi ang nilalang.
"Fuck! Shoot it!" Sigaw niya saka niya buong lakas na hinawakan ang ulo ng nilalang na iyon. Itinaas niya iyon kaya naman pumalag ang nilalang saka ibinaon ang mahahabang kuko niyon sa braso ni Oasis.
"Shit!" Sigaw ni Oasis pero hindi ito nagpatinag at hawak parin niya ang ulo ng nilalang na nananakit sa kanya.
Huminga ako ng malalim saka ko inasinta ang ulo ng nilalang na iyon. Nagpumiglas pa ito pero hindi na ito nakagalaw pa ng tamaan ng bala ang ulo nito.
"Fuck you, Richard!" Sigaw ni Oasis nang tumalsik sa mukha niya ang laman ng ulo ng nilalang na hawak niya.
Mabilis akong bumaba ng puno at nilapitan ko siya. Bumangon at naupo si Oasis. Binitawan niya ang sabog na ulo ng nilalang. Nagpatulong itong bunutin ang kuko ng mga kamay ng nilalang na nakabaon sa magkabilang braso niya.
Isinabit ko sa likuran ko ang rifle saka ko hinawakan ang mga kamay na nakahawak parin sa braso ni Oasis.
"This is gonna hurt. On my count of three." Sabi ko sa kanya. Isinara niya ang mga kamay niya at pinatigas ang kanyang braso upang lagyan iyon ng tension.
"One, two-"
"Fuck! Bakit mo hinugot agad eh wala pang three?!" Sigaw ni Oasis nang magulat siya at mabigla sa sakit nang matanggal ko ang mahahabang kuko na bumaon sa braso niya.
"Dahil kapag inantay ko pa ang three ay baka umiyak ka na dyan."
Hinubad ko ang strap ng backpack ko at inilabas ko mula roon ang ilang gauze, isang maliit na bote ng alcohol at malapad na micropore tape.
Hindi na ako nagpaalam pa kay Oasis at agad kong binuhusan ng alcohol ang mga sugat niya.
"Fuck! Tarantado ka talaga, Miller! Gustung-gusto mong sinasaktan ako, ano?!" Panay ang aray niya habang nililinisan ko ang sugat niya.
"Gustung-gusto mo rin na nagrereklamo, ano? Kalalaki mong tao eh."
Medyo malalapad at malalalim ang natamong sugat ni Oasis sa kanyang mga braso. Ang ilan sa mga ito ay kailangang tahiin ngunit kulang ang dala kong gamit. Nilinis ko na lamang ang mga sugat at saka ko iyon tinapalan ng gauze at micropore tape upang pigilan ang pagdurugo ng mga iyon.
"Salamat."
Matapos kong ligpitin ang mga gamit ko ay isinuot ko na ang strap ng backpack ko saka ko tinulungang tumayo si Oasis. Hindi ko parin tinatanggal ang night vision lens sa kanang mata ko kaya naman nang mapalingon ako sa katawan ng nilalang na nakahandusay sa damuhan ay malinaw kong nakita iyon.
"Unggoy ba itong umatake sayo?" Tanong ko kay Oasis saka ko nilapitan ang bangkay.
"Oo. Mukhang infected rin ang hayop na iyan. Kailangan natin lalong mag-ingat." Pinulot ni Oasis ang rifle na nahulog niya sa sahig kanina. "Pursigido yang kainin ako kanina."
"Pati mga hayop sa isla na ito ay-"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang makarinig kami ng kaluskos mula sa itaas ng mga puno na nakapalibot sa amin. Mabilis kong hinawakan ang rifle ko at tinutukan ko ang direksyon kung saan nagmumula ang mga kaluskos. Nagpalipat-lipat ng direksyon ang kaluskos.
"Hindi maganda ang kutob ko." Bulong ni Oasis habang dahan-dahan na umaatras palayo sa mga puno.
"Kailangan nating pumasok sa simbahan." Bulong ko habang nakasunod ng pag-atras. "Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka papasok ng simbahan."
"Paano ka?" Tanong ni Oasis. Sinipat ko saglit ang mga sugat niya sa braso na hindi parin tumitigil sa pagdurugo.
"Basta. Sundin mo nalang ako. Maliwanag?"
Mas nilakihan ko ang mga hakbang ko paatras. Palapit rin ng palapit sa amin ang mga nilalang na nasa itaas ng mga puno. Ilang beses nagpapalit-palit ng pwesto ang mga ito kaya naman binantayan ko maigi ang galaw ng mga ito. Nang matantya ko ang bilis ng kilos ng mga ito, inumpisahan ko nang paputukan ang mga unggoy.
"Takbo!"
Mabilis na nakatakbo patungo sa simbahan si Oasis. Sumunod ako sa kanya ngunit tumigil rin ako sa tapat ng simbahan upang asintahin ang mga unggoy na nakasunod sa amin. Dalawa ang tinamaan sa ulo at may tatlo pang mabilis na gumagapang at tumatalon papalapit sa akin.
"Tara na, Miller!" Sigaw ni Oasis nang mabuksan niya ang pinto ng simbahan.
"Isara mo na ang pinto at ako na ang bahala rito!" Sigaw ko. Agad na bumagsak sa lupa ang pangatlong unggoy na tinamaan ng bala sa ulo.
"Fuck!" Narinig kong sigaw ni Oasia saka iyon sinundan ng pagsara ng malalaking pinto ng simbahan.
"Goddammit!" Singhal ko nang wala nang lumabas na bala sa rifle kahit anong kalabit ko sa trigger nito.
Kukuha sana ako ng magazine mula sa likuran ko nang makita kong lumundag papunta sa akin ang isa sa natitirang dalawang unggoy. Wala na akong nagawa kundi mabilis kong hinawakan sa muzzle ang rifle saka ko iyon inihambalos sa mukha ng unggoy kaya naman tumilamsik ito palayo. Inihagis ko pababa ang rifle saka ko binunot ang dagger na nakaipit sa combat shoes na suot ko saka ko iyon inihagis sa ulo ng huling unggoy na pasugod sa akin. Tumama ang dagger sa kaliwang mata ng unggoy kaya naman bumagsak rin iyon sa lupa.
Pinagmasdan ko ang mga walang buhay na katawan ng mga unggoy na nakahandusay sa lupa. Duguan ang mga ito at dilat na dilat ang mga namumulang mata. Ang mga kamay nito ay may mga mahahabang kuko, malayo sa karaniwang hitsura ng isang unggoy.
"Hindi na maganda ang infection rate ng kung anong virus na ito."
Pinulot ko ang rifle ko saka ko iyon pinalitan ng magazine.
Ngunit hindi ko pa naikakasa ang rifle ay nakarinig ako ng sunud-sunod na putok mula sa loob ng simbahan.
Hahakbang pa lamang ako papunta sa simbahan nang bigla na lamang akong tumilapon sa lupa. Nagpagulong-gulong ang katawan ko saka ako napatihaya. Sobrang sakit ng likod ko dahil may kung anong matigas na bagay ang tumama sa akin kaya ako tumilapon. Nang lingunin ko ang lugar kung saan ako nakatayo kanina ay nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa mga mata ko kaya naman ipinansalag ko ang braso ko.
"Affirmative. We have intruders. Fox is getting inside of the church." Boses ng isang amerikano ang narinig ko malapit sa akin.
Isang anino ang natatanaw kong papalapit sa akin kaya naman hinagilap ko ang rifle ko ngunit hindi ko iyon mahanap kahit anong kapa ko sa paligid ko.
"Masyado na kayong maraming nalalaman. Kailangan na ninyong mamatay sa lalong madaling panahon."
Kahit masakit ang likod ko ay pinilit kong dumapa at gumapang palayo. Hindi ko rin maramdaman ang mga binti ko. Nanghihina ang katawan ko pero kailangan kong gumawa ng paraan.
"Hindi pa ako mamamatay. Hindi ko pa nahahanap si Harley." Bulong ko habang pinipilit kong gumapang palayo sa taong balak na tapusin ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]
HorreurCATASTROPHE An event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster. Paano kung may natuklasan kang isang bagay na kayang wakasan ang buhay ng lahat ng tao rito sa mundo? Ano ang gagawin mo? Natapos na ang kaguluhan sa San Mariano. N...