CHAPTER 7

196 7 0
                                    

"I THINK YOU SHOULD KEEP THIS."

Napalingon ako nang may humawak sa aking balikat. Si Siv pala iyon na inaabot sa akin ang hawak na video camera.

"Ikaw ang kapatid niya kaya dapat ikaw ang magtabi nito. Pasensya na kung pinakialaman ko muna bago ko ibigay sayo."

"Did you find anything?" Kinuha ko ang video camera saka ko ito binuhay.

"Nothing. Mga lumang pictures parin ang laman ng camera. Nothing unusual or related sa mission nila rito."

Inisa-isa ko ang mga pictures na naka-save sa video camera. Mga lumang kuha namin ni Harley ang narito. Kuha ito noong panahong bago siya maging abala bilang NAVSOG member. Narito parin ang video na kuha noong kaarawan niya sampung buwan na ang nakalilipas.

"Malapit na ang birthday niya." Bulong ko habang pinapanood ang video.

"Oo kaya kailangan na natin siyang mahanap. Ayokong dito siya magcelebrate ng kaarawan niya." Napalingon ako kay Siv na nakangiti.

"Me too."

Pinatay ko ang video camera at inilagay ko iyon side pocket ng bagpack na dala ko.

"Shit! Shit!"

Napalingon kaming lahat sa pinagmulan ng sigaw. Boses iyon ni Captain Hanes mula sa malayo.

"Ano na naman iyon?" Mabilis na hinawakan ni Amanda ang rifle na nakasabit sa kanyang balikat.

"Let's move!" Naunang tumakbo si Siv.

Sumunod kaming lahat. Mabilis naming narating ang kinalalagyan ni Captain Hanes sa gitna ng kagubatan at nagulantang kaming lahat sa aming nakita.

Hindi ako maaaring magkamali, ang dalawang infectee na may hawak ngayon kay Hanes ay katrabaho ni Harley sa Unit 5.

"Anton? Anya?" Sambit ni Raven nang makilala ang dalawang nilalang na may hawak kay Hanes.

"No shit. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa  nakikita ko ngayon." Inis na wika ni Oasis. Binuksan nito ang taclight na nakakabit sa hawak na rifle.

"Anton? Anya! Si Hanes ito! Nakikilala niyo ako, hindi ba?" Natatarantang sabi ni Hanes sa dalawang tao na nakahawak sa magkabilang braso niya na animo'y ayaw siyang pakawalan.

"They're infected." Bulong ko habang nakatutok ang rifle ko sa dalawang infectee. "We have to do something before they kill Hanes."

"Anton!" Sigaw ni Siv na siya namang nakapukaw sa atensyon ng lalaking infectee na nakauniporme pa ng NAVSOG ngunit hindi parin nito binibitawan ang kanilang bihag.

"Anton, alam kong ikaw iyan. Ano'ng nangyari rito? Nasaan ang iba ninyong kasama?" Ibinaba ni Siv ang hawak na baril saka dahan-dahang humakbang palapit sa infectee.

Nanlilisik ang mga duguang mata nito habang nakatingin kay Siv. May dugo rin na umaagos mula sa bibig nito at naaagnas na ang kaliwang braso nito na may malaking sugat.

"Wala... Wala kayong... kwenta..." Nahirapan sa pagsasalita si Anton. Panay ang pagpitik ng leeg nito at nangangatog ang mga braso. "Pinabayaan... niyo kami..."

"Paanong nakakapagsalita siya ng maayos?" Bulong ko habang nakatutok parin ang baril ko sa kanya.

"Hindi totoo iyan, Anton! Andito kami ngayon para tulungan at iligtas kayo. Nasaan si Harley?"

Tumigil sa paghakbang si Siv nang biglang tumigil sa paggalaw ang katawan ni Anton. Nakayuko ito at nakababa na ang dalawang kamay.

"Ipinahamak... niya kami..." Tila bulong na sagot ni Anton.

LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon