"I THOUGHT THEY'RE JUST A SYNDICATE."
Nag-umpisa nang kumain si Raven at naupo na lamang ulit ako sa tapat niya. Ibinaba ko na lamang ang assault rifle.
"Pero nagulat ako nang malaman kong tao na ang pinag-eeksperimentuhan nila. Akala ko noon ay para lamang sa paggawa ng droga at illegal na armas ang silbi ng laboratoryo nila."
"Tao ang test subjects nila?"
"Oo. Ilang kabataan at matatanda na taga-Balangay ang biglang nawala. Nadestino ako rito sa Isla dahil sa impormasyon na narito nga ang organisasyong iyon. Ang trabaho ko lamang ay magmasid at mangalap ng iba pang impormasyon na nagawa ko naman. Pero nakarating na ang Unit 5 rito nang malaman ko ang totoong layunin ng Holocaust."
"Ibig-sabihin ay kulang ang impormasyon na naibigay mo sa Unit 5 bago sila makarating rito?"
"Oo." Patuloy lamang ito sa pagkukwento habang kumakain. "Sinusugod na nila ang teritoryo ng Holocaust nang tangkain kong pigilan sila pero nahuli na ako. Napatay ni Armando Hanov si Captain Espinar at umatras na ang iba pa nilang kasamahan. Patay rin ang dalawa sa kanila na pinagpyestahan ng mga siraulong tauhan ni Armando."
"Napakinggan ko ang huling audio recording ng report ni Harley. Totoo bang may kumalat na sakit rito sa Isla Del Fuego?" Pinagmasdan ko lamang siya habang iniinom ang laman ng bottled water na ibinigay ko kasama ng pagkain.
"Oo. Parang virus iyon na kumalat sa mga taga-rito. Nag-umpisa kumalat iyon mula sa pinagkukuhanan ng tubig inumin ng mga taga-rito hanggang sa sila-sila na mismo ang nagkakapatayan. Nanatili ako rito sa lungga ko upang makaiwas sa kanila. Nawalan narin ako ng komunikasyon sa mga natirang miyembro ng Unit 5. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil hindi ko alam kung may sasaklolo pa sa akin rito."
Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.
"Kung totoo ang lahat ng sinasabi mo ay kailangan ko nang balikan ang mga kasamahan ko."
"Sasama na ako sayo. Aayusin ko lamang ang mga gamit ko dahil tuluyan ko nang lilisanin ang tree house na ito."
Mabilis na inayos ni Raven ang mga gamit niya. Gamit ang isang itim na backpack ay inipon niya roon ang ilang damit at gamit kagaya ng baril at kutsilyo. Nang maisuot ang backpack ay mabilis niyang isinuot ang beret na nakasabit sa pader ng tree house.
"Mamimiss ko ang lugar na ito. Sana kapag maayos na ang lahat ay makabalik ako rito." Napabuntong-hininga ito.
"Kailangan na nating magmadali."
"Ako na ang mauuna."
Naunang lumabas ng tree house si Raven at mabilis itong nakababa. Inilabas nito mula sa bulsa ng backpack ang isang handgun at pinagmasdan ang kapaligiran habang ako naman ay pababa ng puno.
Pinangunahan rin niya ang pagbalik sa bakod ng paaralan kung saan ko iniwan sina Siv at Amanda. Pagdating namin roon ay wala na ang mga nilalang na nakita namin kanina ngunit isang malakas na putok ang aming narinig.
"Putok ng baril iyon!" Inipit ni Raven ang hawal na baril sa suot na belt ng cargo pants.
"May silencer ang mga rifle na dala namin rito." Binitawan ko ang hawak kong baril saka mabilis na inakyat ang sementadong bakod.
"Bilisan natin. Mabilis makapukaw ng atensyon nila ang ingay." Gayundin ang ginawa ni Raven.
"Sinong sila?" Matagumpay kong naakyat ang bakod at naiwasan kong apakan ang mga bubog na nasa tuktok niyon.
May narinig akong ungol mula sa kagubatan na nasa likod ng bakod na pinanggalingan namin kanina kaya naman mabilis kong hinawakan ang assault rifle at itinutok ko iyon sa kagubatan.
BINABASA MO ANG
LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]
رعبCATASTROPHE An event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster. Paano kung may natuklasan kang isang bagay na kayang wakasan ang buhay ng lahat ng tao rito sa mundo? Ano ang gagawin mo? Natapos na ang kaguluhan sa San Mariano. N...