NAGPATULOY AKO SA PAGGAPANG. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin pero bahala na.
"Hindi na kayo makakatakas at kamatayan nalang ang naghihintay sa inyo." Dinig kong sabi ng lalaki habang mabagal itong humahakbang pasunod sa paggapang ko.
Nang makasabay na ito sa akin ay malakas na sipa ang tumama sa sikmura ko kaya naman napatihaya ako. Hawak-hawak ko ang sikmura ko habang panay ang aray ko.
"Nasaan si Harley?" Tanong ko sa pagitan ng paghahabol ko ng hininga at pag-aray.
"Sino'ng Harley?" Tanong pabalik sa akin ng lalaki.
Matangkad ang lalaki, nakaputi itong tshirt. Ito ang lalaking minamanmanan namin kanina na may inabot na kung ano sa pari ng simbahan.
"Nasaan si Harley?!" Sigaw ko saka ko hinawakan ang binti niya.
Hindi na sumagot ang lalaki. Sa halip ay sinipa niya ang tagiliran ko kaya naman napaigik ako sa sakit. Saglit akong napapikit at nang imulat ko ang mga mata ko ay may baril nang nakatutok sa noo ko.
"Mukhang kilala ko ang tinutukoy mo. Pero patay ka na bago mo malaman kung nasaan siya!"
Akmang kakalabitin na niya ang trigger ng baril nang bigla na lamang siya napasigaw. Nahulog ang baril sa tabi ng mukha ko. Napaatras siya at saka ko lang napagtanto, sa tulong ng liwanag na nagmumula sa sasakyan, ay dumudugo na ang braso niya.
"May sniper! Hanapin niyo siya!" Sigaw ng lalaki habang hawak ang sugatan niyang braso at naglalakad pabalik sa sasakyan.
"Yes, sir!" Sagot ng dalawang lalaking nakaitim na nakatayo sa tabi ng sasakyan.
"Amanda?" Bumalikwas ako ng bangon kahit na masakit ang katawan ko.
Hindi pa nakakalayo ang isa sa dalawang lalaking nakaitim ay bumulagta na ito sa lupa. Butas ang pagitan ng mga mata nito.
"Fuck! Umalis na tayo rito!" Sigaw ng sugatang lalaki bago sumakay ng sasakyan.
Pinulot ko naman ang nahulog niyang baril at mabilis kong pinagbabaril ang windshield ng sasakyan. Ngunit matagumpay na nakasakay ang dalawang lalaki sa sasakyan at mabilis itong nakaalis.
Huminga ako ng malalim habang hawak ang namamaga kong sikmura at tagiliran nang ilang makasunod na putok ng baril ang nagmula na naman sa loob ng simbahan.
"Oh shit."
Iika-ika akong tumakbo papasok ng simbahan at laking gulat ko nang makita ang nangyayari sa loob.
"Siv!" Sigaw ko nang makita kong tumilapon sa mga upuan ng simbahan ang babae. Malakas ang pagkakatama ng likod nito sa kahoy na upuan kaya naman bumulagta ito. Dilat na dilat ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Mabilis na lumapit rito si James saka pinulsuhan ang babae. Napailing na lamang ang lalaki at napatingin sa akin.
"Umalis na kayo rito!" Sigaw ni Oasis na nakikipagbuno sa kung anong nilalang na nasa harap niya.
"What the fuck is that?" Napaawang ang bibig ko nang mapagtanto kong hindi na tao ang kalaban nila Oasis.
Ang pari na nakita namin kanina habang minamanmanan namin ang simbahan ay halos hindi na makilala dahil sa hitsura niya ngayon. Tila naaagnas na ang mga braso niya at ang mga daliri niya ay napalitan ng mga galamay na may pagkakahawig sa hitsura ng linta. Ang mga namumulang mata naman niya ay lumuluha ng dugo. May dugo rin na nanggagaling sa kanyang ilong, tainga at bibig. Pinipilit nitong hawakan si Oasis pero napipigilan iyon ng lalaki dahil nakahawak ito sa braso ng pari.
Nakapaibabaw ang pari kay Oasis na ngayon ay nakahiga sa marmol na sahig ng simbahan.
Sa bandang altar naman ng simbahan ay pinagtutulungan ni Hanes at Raven ang isang lalaking nakaitim na longs sleeves at cargo pants. Sinipa nito si Hanes at tumama ang kapitan sa altar. Sinamantala naman iyon ni Raven at na tinadyakan sa likod ang lalaki. Napasubsob iyon sa sahig ngunit mabilis na nakatayo at sinakal si Raven. Nagawa pa nitong iangat ang katawan ni Raven mula sa sa sahig.
BINABASA MO ANG
LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]
TerrorCATASTROPHE An event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster. Paano kung may natuklasan kang isang bagay na kayang wakasan ang buhay ng lahat ng tao rito sa mundo? Ano ang gagawin mo? Natapos na ang kaguluhan sa San Mariano. N...