MALAKAS na pagsabog ang nakapukaw sa atensyon ko. Nabalik nalang ako sa ulirat nang tumilapon sa damuhan ang katawan ko. Bahagyang nabingi ang mga tainga ko at umiikot ang paningin ko.
Sinubukan kong bumangon pero nanghihina ako. Inikot ko ang paningin ko sa aking paligid at natanaw ko ang mga kasamahan ko na bagsak rin sa damuhan. Sina Hanes at Amanda ay walang malay habang si James naman ay hinihingal habang nakadapa. Si Raven naman ay pinipilit na gumapang upang maabot ang baril na tumilapon sa gilid niya.
"Amanda! Hanes!" Sigaw ko pero hindi ko marinig ng maayos ang sarili kong boses.
May sinasabi si James habang nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya marinig. Pinilit kong dumapa at kahit masakit ang buong katawan ko ay gumapang ako papunta sa kanya.
Bakas sa mukha ni James ang pagkaalarma nang mag-umpisa akong gumapang papalapit sa kanya. Sumisigaw na siya at sumisensyas na huwag akong lumapit sa kanya pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganun. Gayunpaman ay hindi ako tumigil sa paggapang palapit sa kanya.
"-malis -ah -yo!" Naririnig ko na siya pero hindi malinaw ang mga salita niya.
"Ano?!" Sigaw ko.
"Umalis na kayo!" Mahina man ay naintindihan ko na ang sinabi niya.
"Hindi ako aalis hangga't-"
Natigilan ako sa paggapang at pagsasalita nang mabigla ako sa aking natunghayan.
Sa isang iglap ay nabutas ang gilid ng ulo ni James. Nag-umpisang umagos ang dugo mula roon.
Mabagal na bumagsak sa lupa ang ulo ni James. Dilat pa ang mga mata nito na nakatitig pa sa akin at wala na akong makitang sensyales ng kanyang paghinga.
"Hindi!" Sigaw ko.
Hinagilap ng paningin ko ang mga kasamahan ko. Nag-uumpisa nang magkamalay si Amanda habang si Hanes ay nakapikit parin. Hawak na ni Raven ang baril niya at kasalukuyan na siyang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban namin.
Wala kaming laban. Masyado kaming exposed sa kanila at nakapagpadagdag pa sa hirap ng sitwasyon ang pagsabog na nakapagpatumba sa amin.
Hindi ko parin naririnig ng maayos ang ingay sa paligid. Para akong nasa ilalim ng tubig. May naririnig akong mga putok pero napakahina. Umiling-iling ako saka ko hinawakan ang ulo ko na nag-uumpisa nang sumakit.
Napapikit na lamang ako at saka ko inabot ang handgun na nakaipit sa holster sa hita ko.
Shit. Pull yourself, Richard.
Nakapa ko na ang baril pero hindi parin ako makarinig ng maayos.
Goddammit!
Umiling ulit ako. Dahan-dahan nang lumilinaw ang ingay sa paligid ko kaya naman iminulat ko ang mga mata ko.
We can't die now!
Mabilis akong tumihaya at binunot ko ang handgun. Tatlong infectees ang bumungad sa akin na agad ko namang pinatamaan sa ulo at bumagsak ang mga ito sa gilid ko.
"Amanda! Get Hanes! James is down! Raven, take cover!" Bumalikwas ako ng bangon at agad kong nilapitan si Raven upang tulungan siyang tumayo.
"Hanes is not waking up!" Sigaw ni Amanda saka nito hinatak ang walang malay na si Hanes patungo sa likod ng isang truck na naka-park sa harap ng warehouse.
"Dammit!" Singhal ko saka ko kinuha ang isang hand grenade na nasa gilid ng bulsa ng suot kong backpack. Tinanggal ko ang pin saka ko iyon hinagis sa papalapit na grupo ng mga armadong lalaki.
BINABASA MO ANG
LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]
HorrorCATASTROPHE An event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster. Paano kung may natuklasan kang isang bagay na kayang wakasan ang buhay ng lahat ng tao rito sa mundo? Ano ang gagawin mo? Natapos na ang kaguluhan sa San Mariano. N...