SAGLIT akong inawat ni Amanda. Napagkasunduan ng lahat na aalis na kami sa simbahan at dadalhin namin ang lahat ng kagamitan na mapapakinabangan pa namin.
Maging ang mga kagamitan ni Oasis ay kinuha nila Amanda at Raven. Alam naman daw nila na masamang pagnakawan ang patay pero hindi naman na daw magagamit ni Oasis ang mga iyon.
Tahimik akong naupo sa pinakadulong upuan ng simbahan malapit sa saradong pintuan. Pinagsaklob ko ang mga kamay ko habang nakayuko ako at malalim na nag-iisip.
Kung hindi tinanggap ng 14th Scout Regiment Company ang mission na ito, buhay pa kaya sina Oasis at Siv?
"She will be mad kapag nalaman niya ang mga nangyari."
Inangat ko ang ulo ko upang tignan ang nagsalita. Naupo ito sa upuan sa unahan ko pero nakatagilid ito upang makaharap sa akin.
"Kapag nalaman niya ang ano?" Walang ganang tanong ko sa kanya.
"Kapag nalaman niyang patay na si Siv. Pero wala naman tayong magagawa kung iyon talaga ang nakatakdang mangyari." Napayuko na lamang si Amanda saka nito tinitigan ang hawak na rifle.
"Then, maiintindihan din niya na hindi natin kasalanan ang mga nangyari. Isa lang ang dapat na sisihin sa mga nangyayari rito sa Isla Del Fuego." Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko.
"We all know that. Atleast our friends did not go down without a fight." Tipid itong ngumiti.
"Guys, let's move!" Sigaw ni Hanes habang naglalakad ito patungo sa amin ni Amanda.
Sabay kaming tumayo ni Amanda. "What about him?" Tinignan ko ang lalaking nakatali sa upuan malapit sa altar ng simbahan.
"Sinubukan na namin siyang tanungin ulit ni Raven pero ayaw na niyang magsalita kaya naman napagdesisyunan naming iwanan nalang siya rito." Paliwanag ni Hanes.
"Anytime soon ay mauubusan rin naman siya ng dugo dahil hindi tumitigil ang pagdurugo ng sugat niya kaya pabayaan nalang natin siya." Segunda ni Raven.
Iniwan ko sila at naglakad ako papunta kay James na nakaupo parin sa harap ng bangkay ni Oasis. Nakatingin lamang ito sa walang buhay na katawan ng kaibigan.
Iniluhod ko ang kaliwang tuhod ko sa tabi ni James at saka ko siya hinawakan sa balikat.
"We need to move. Kailangan na nating umalis rito." Bulong ko sa kanya.
"I did not expect this. Alam mo iyon?" Pinunasan niya ang luha sa pisngi niya. "Ang akala ko ay hahanapin lang natin sila at sabay-sabay tayong makakaalis sa islang ito."
"Iyon din ang akala ko."
"Magrereklamo pa kami sa opisina tungkol sa bahay na kinuha namin." Saglit na natawa si James pero patuloy ang pag-agos ng mga luha niya. "Pero I guess, fully paid na siya sa bahay niya."
Buntong-hininga na lamang ang naisagot ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ng yumaong na kaibigan siya siya impit na napaiyak.
I just don't know what to do.
"Let's go. Ipaghigante na natin ang kaibigan natin." Marahan kong tinapik ang balikat niya saka ako tumayo.
Pinunasan niya ang mga luha niya saka niya pilit na pinakalma ang sarili. Nang makatayo siya ay walang imik siyang sumunod sa akin. Sa saradong pinto ng simbahan ay nakaabang sila Raven, Hanes at Amanda.
"We'll get through this, buddy." Hinawakan ni Raven sa balikat si James.
"We better make them pay for all of the shits that happened to us." Segunda ni Amanda.
"Let's fucking move out." Kinasa ni Hanes ang hawak na handgun.
Sabay na binuksan nina Raven at Hanes ang pintuan ng simbahan. Hindi na kami nagulat pa sa mga sumalubong na infectees sa amin.
Mabilis kong sinipa sa mukha ang lalaking infectee na sumugod sa akin. Binunot ko ang huling dagger na nasa combat shoes ko at inihagis ko iyon sa mukha ng infectee.
"Aim for its head."
"HURRY!" Sigaw ni Hanes habang nauuna sa pagtakbo. "Hindi natin kailangang mapatay lahat iyan!"
"Just run! Patamaan lang ang mga nakaharang sa daan!" Sigaw ko naman habang nakasunod sa kanya.
Mabilis kaming tumakbo papasok sa village ng Balangay at maraming infectee ang sumalubong sa amin. Pinangunahan namin ni Hanes ang grupo at mabilis naming pinuntirya ang ulo ng mga infectee na nakaharang sa daraanan namin.
"Head north! Nasa labas ng Balangay ang teritoryo ng Holocaust!" Sigaw ni Raven habang tumatakbo.
"Ah!"
Napatigil ako sa pagtakbo at agad kong sinaklolohan si James na inatake ng infected na aso. Bumagsak sa lupa si James habang nasa ibabaw niya ang aso.
"Get away from me!" Sigaw niya habang hawak sa leeg ang aso.
Agad akong tumakbo palapit sa kanya at malakas kong sinipa ang aso kaya naman tumalsik ito palayo. Tinulungan kong tumayo si James at mabilis kong binaril sa ulo ang infectee na nagtangkang yakapin ang ulo niya mula sa likod.
"Thanks, man."
"No problem."
Agad kaming sumunod ng takbo kila Raven, Hanes at Amanda. Marami-rami ang infectee sa paligid kaya naman todo ang pag-iwas namin na mahatak kami ng isa sa mga ito.
"Nakikita ko na! Malapit na tayo!"
Tanaw na namin ang lumang warehouse na tinutukoy ni Raven. Lalo naming binilisan ang pagtakbo ngunit agad kaming natigilan nang makalapit kami sa warehouse.
"Holy shit." Bulong ni Hanes.
BINABASA MO ANG
LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]
HorrorCATASTROPHE An event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster. Paano kung may natuklasan kang isang bagay na kayang wakasan ang buhay ng lahat ng tao rito sa mundo? Ano ang gagawin mo? Natapos na ang kaguluhan sa San Mariano. N...