CHAPTER 11

179 10 0
                                    

LUMAYO ako sa kinalalagyan ng walang buhay na katawan ni Siv. Dala ang galit na nararamdaman ko ay hindi ko na pinansin pa ang sakit ng katawan ko.

Mabagal akong nagtungo sa gitna ng simbahan, paharap kay Oasis na ngayon ay nakatayo malapit sa altar at galit na galit ang hitsura.

Natanaw ko na ginagapos na ni Raven ang lalaking napatumba nila ni Hanes. Maaaring buhay pa ito at may alam sa kung anong sakit na kumakalat rito sa Isla Del Fuego. Nakaisip na ako ng paraan para kay Oasis.

Kinalma ko ang sarili ko upang kausapin si Oasis.

"Oasis, alam kong naririnig mo ako. You can fight it, man. Hawak mo parin ang katawan mo." Mahinahon kong sabi sa kanya habang mabagal ang mga hakbang ko patungo sa kanya.

Tumigil siya sa pagsigaw at tinignan ako ng masama. Malikot ang tingin ng nagdurugong mata nito sa akin na para bang kinikilala ako.

"Hindi ba napag-usapan natin kanina na lahat tayo ay makakaalis rito sa isla ng buhay? Kaya kailangan mong lumaban. Kailangan nating lumaban." Ilang metro nalang ang layo ko sa kanya kaya naman tumigil na ako sa paghakbang.

"What the hell are you doing, Miller?" Bulong ni Hanes na mabagal na lumalayo sa altar.

"We need to help him." Bulong ko pabalik sa kanya nang hindi ko inaalis ang tingin kay Oasis. "Be prepared. I need a hand."

"Umalis... na kayo.." Mabagal na sabi ni Oasis habang pumipitik ang kanyang leeg at nangangatog naman ang kanyang kamay na para bang pinipigilan niya ang mga ito sa paggalaw.

"Hindi ka namin iiwanan, Oasis. Tutulungan ka namin. Hindi kami-"

Napatigip ako nang  bigla siyang humakbang palapit sa akin at ang kaliwang kamay niya ay pilit na inaabot ang mukha ko pero batid kong pinipigilan niya ang kung anong kumokontrol sa katawan niya.

"Umalis.. na... kayo!" Sigaw niya saka hinawakan ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay niya.

"Ayokong may mamamatay pa sa atin, Oasis. Nawala na natin si Siv at hindi ako papayag na pati ikaw ay mawawala rin. This may hurt, bro but I need to do this!"

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis akong sumugod papunta sa kanya at umikot ako upang sipain siya sa mukha. Tagumpay namang tumama ang paa ko sa mukha niya at tumama ang ulo niya sa kahoy na upuan na nasa gilid niya. Bumagsak ang walang malay niyang katawan sa marmol na sahig ng simbahan.

"Raven, tulungan mo akong itali siya sa upuan. Dali!"

Agad kong inalalayan ang walang malay na katawan ni Oasis paupo sa kahoy na upuan. Lumapit si Raven na may hawak na lubid at pinagtulungan naming itali sa upuan ang katawan ni Oasis.

"Miller, alam kong inappropriate ang naiisip ko pero mukhang kailangan na nating patayin si Oasis-"

"Hell no!" Sigaw ko kay Hanes na nasa likuran ko. "Baka may paraan pa para gumaling siya!"

"But he's fucking infected! Ni hindi nga natin alam kung anong klaseng nilalang ang isinalin sa kanya ng pari kanina!" Iminuwestra pa nito ang kamay niya sa ere. "Miller, naiintindihan ko na gusto mo siyang iligtas pero habang tumatagal ay pinahihirapan rin natin siya."

"I've already lost Siv. Hindi na ako makakapayag na may mababawas pa sa atin!" Singhal ko sa kanya at nang matapos kong itali ang kamay ni Oasis sa upuan ay lumayo ako sa kanila.

Binalikan ko ang katawan ni Siv na ngayon ay naibaba na ni James at Amanda sa malamig na sahig ng simbahan. Hindi pa matanggap ng sistema ko na ang babaeng kausap ko palang kanina ay wala nang buhay ang katawan ngayon.

LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon