7 YEARS AGO...
APRIL 29, 2010 | 1300 HOURS
CAMP MATEO CAPINPIN
TANAY, RIZALPAGBUKAS ko ng pinto ay dalawang sundalong lalaki ang nagtatalo. Ni hindi nag-abala ang mga ito na tignan ako o alamin kung sino ang pumasok sa silid na ito. Nilagpasan ko lang sila saka ko inilapag ang aking itim na backpack sa isang bakanteng upuan malapit sa isang mahabang puting mesa.
Sa dulo noon ay may babaeng nakaupo sa upuan na abala sa pag-aayos ng hawak na M16. Kung tama ang nakikita ko ay nilalagyan niya iyon ng taclight. Napansin siguro nito na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin rin ito sa akin. Ngumiti lamang ito saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Nakatali ang brown at kulot nitong buhok. Mukha itong foreigner dahil sa tangos ng ilong nito at bilugan ang kulay hazelnut na mga mata nito. Maputi siya at balingkinitan ang katawan. Nakaitim na sando ito at berdeng cargo pants.
"Welcome to the club." Masayang wika nito. "Amanda Sikova. Staff Sergeant."
"Thanks." Pagpapasalamat ko kahit hindi ko naintindihan kung sarkasmo o masayang bati ang kanyang sinabi. "Richard Miller. First Sergeant."
"Fuck our government! Simpleng pabahay nalang para sa mga kagaya nating sundalo, hindi pa maayos? Katatawag lang ng nanay ko, nadismaya raw siya sa paglipat nila kagabi doon sa punyetang pabahay ng Presidente. Basag-basag raw ang bintana, nawawala ang toilet bowl at pati mga tiles ay kulang-kulang!" Singhal ng isang matangkad na lalaki. May kaitiman ang balat nito pero aaminin ko na mas malaki ang katawan nito kaysa sa akin. Naka-clean cut ang itim na buhok nito. Naka-camouflage na cargo pants rin ito, combat shoes at itim na v-neck shirt na may nakalagay na 14th Scout Ranger Company "Valor".
"Sinabihan na kita na hindi pa nga naaayos iyon dahil pinag-nakawan raw ng mga tambay ang village na iyon! Ipinaliwanag iyan last week sa seminar pero hindi ka pumunta! Ayan pa nga at nagmadali ka na palipatin roon ang pamilya mo tapos kami ang bubulabugin mo rito ngayon dahil sa mga reklamo mo?" Sagot naman rito ng lalaking kaharap nito. Mas maliit ito ng kaunti sa naunang lalaki pero malaki rin ang pangangatawan nito. Mas malago ang buhok nito at kayumanggi ang balat nito. Parehas sila ng suot ngunit may suot nga lang itong one-sided belt bag na nakastrap sa beywang at kanang hita nito.
"Gago ka ba, James? Malamang, sayo ako magrereklamo dahil ikaw ang nagtulak sa akin na kumuha at magbayad para sa pesteng pabahay na iyan! Alam mo naman siguro kung magkano ang kinakaltas nila sa sahod ko para panghulog roon?" Hinigit na ng matangkad na lalaki ang damit ng kausap niya.
"Mas gago ka, Oasis! May kaltas rin ang sahod ko dahil sabay tayong kumuha roon ng bahay! Malamang galit rin ako dahil magkatulad ang nangyari sa mga inaasahan nating pabahay! Pero huwag ka sa akin magalit dahil hindi ako ang developer at hindi rin kita pinilit na kumuha ng bahay! Siraulo!" Itinulak ni James si Oasis kaya naman nabitawan nito ang damit niya.
"Ayos lang ba na hindi natin sila awatin?" Tanong ko sa babaeng bumati sa akin kanina saka ako naupo sa isa pang bakanteng upuan.
"We don't have to. Hintayin mo lang at matitigilan rin 'yang dalawang 'yan." Sagot nito habang patuloy parin sa kanyang ginagawa.
As if on cue ay may pumasok na babae. Hanggang tainga ang itim at tuwid nitong buhok. Maputi rin ito kagaya ng kausap ko pero tantya ko ay nasa 5'4" lang ang taas nito. Balingkinitan rin ito at nakakumpletong camouflage military uniform. May suot rin ito na combat shoes at may nakasabit na AKMSU sa kanang balikat nito. May sidearm ito na nasa holster na nakastrap sa kanang hita nito.
Kagaya ko ay hindi rin ito pinansin ng dalawang lalaki na nagtatalo kaya naman nabigla ang mga ito nang tumama sa mga sikmura nila ang matigas na dulo ng rifle ng babae.
BINABASA MO ANG
LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]
KorkuCATASTROPHE An event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster. Paano kung may natuklasan kang isang bagay na kayang wakasan ang buhay ng lahat ng tao rito sa mundo? Ano ang gagawin mo? Natapos na ang kaguluhan sa San Mariano. N...