CHAPTER 16

182 8 0
                                    

"RICHARD?"

Napaungol ako nang maramdaman kong may umaalog sa balikat ko. Pinakiramdaman ko muna iyon pero agad rin akong napabalikwas ng bangon nang maalala ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay kanina.

"Layuan mo ako! Huwag kang lalapit!" Sigaw ko saka ako gumapang paatras saka ko isinalag sa mukha ko ang mga braso ko.

"Richard, Richard!" Sigaw ng isang babae. "Hindi kita sasaktan, huminahon ka!"

Natigilan ako nang makilala ko ang boses ng babae. Dahan-dahan kong ibinaba ang mga braso ko saka ko iminulat ang mga mata ko.

"Harley?" Kinusot ko ang mga mata ko saka ko siya tinitigan maigi. "Shit! Harley, ikaw ba iyan?"

Magulo ang nakatali nitong buhok. May mahabang sugat ito sa noo at putok ang pang-ibabang labi nito. May nakatali na puting tela sa balikat nito na may bakas ng dugo. Nakaupo ito sa sahig habang nakaharap sa akin.

"Richard!"

Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap mo siya ng mahigpit. Napaiyak pa ito sa dibdib ko kaya naman hinimas ko ang likuran niya upang pakalmahin siya.

"Tahan na. Narito na ako." Bulong ko sa kanya saka ko hinalikan ang noo niya. "Ano ba ang nangyari sa iyo? Pinag-alala mo ako. Akala nila ay patay ka na pero hindi ako naniwala dahil alam kong matatag ka."

Humiwalay ito sa pagkakayakap saka nito pinunasan ang mga luha niya. "Akala ko ay mawawala ka na sa akin, Richard. Kung nahuli ako ng dating kanina ay baka tuluyan ka nang naging infected!"

"Tahan na." Hinawi ko ang buhok nito na dumikit sa pisngi niya dahil sa mga luha niya.

Natigilan ako nang maisip kong maigi ang sinabi niya. Itinurok sa akin ng lalaki ang C-tapeworm kaya malamang ay infected nga ako.

"Lumayo ka sa akin! Ayokong saktan ka, Harley. Infected ako! May itinurok sa akin kanina at-"

"Ligtas ka na, Richard! Umabot ako sa tamang oras upang i-inject sayo ang anti-bodies. Saka, isinuka mo na kanina ang tapeworm." May itinuro siya sa kaliwa niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang halos isang talampakang pulang tapeworm sa sahig. Hindi ito gumagalaw at halatang pinisat ang ulo nito.

"Isinuka ko iyan? Pero paano?"

"Kusang nagrereact ang tapeworm sa anti-bodies. Agad itong kumakawala sa katawan ng host dahil nalalason ito kapag nasa dugo na ng host ang anti-bodies. Kaya buti nalang talaga agad kitang nabigyan ng anti-bodies within fifteen minutes."

Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Ngumiti ito saka ako niyakap muli. "Salamat sa Diyos at hindi ka tuluyang nainfect!"

Matapos niyon ay mabilis kaming tumayo. Inalalayan niya ako dahil nanghihina pa ako at masakit ang buong katawan ko.

"Kailangan na nating makaalis sa lugar na ito. Wala na akong pakialam sa misyon, buhay ka at sapat na iyon." Sabi ko sa kanya habang inaalalayan niya ako sa paghakbang.

"Hindi natin pwedeng hayaan ang Holocaust Organization sa mga balak nila. Kailangan nating pasabugin ang buong lugar na ito at kailangan rin nating pigilan si Armando na makaalis dala ang mga sample ng Catastrophe tapeworms." Paliwanag ni Harley.

"Ano'ng nangyari sayo rito sa loob ng isang linggo?" Tanong ko sa kanya. Iniupo niya ako sa isang upuan.

"Ako nalang ang natira sa unit namin. Naging infectee sina Anton at Anya samantalang patay na sila Captain Espinar at ang iba pa naming kasamahan. Hindi ko alam kung buhay pa ang intel namin na si Raven dahil nagkahiwalay kami habang tumatakbo kami palayo rito. Halos apat na araw akong nagpakalat-kalat sa buong Del Fuego. Kinailangan kong magtago mula sa mga infectee at sa mga tauhan ng Holocaust pero nabigo ako. Panlimang araw ko na rito mag-isa nang mahuli nila ako sa dalampasigan nang magtangka akong umalis gamit ang bangka. Ikinulong nila ako rito at balak nilang gawin akong test subject pero nagbago ang isip ni Armando nang malaman nilang may mga bagong dating na sundalo rito." Bumuntong-hininga siya. Dinampot niya ang bag ko na nakapatong sa isang mesa na naroon sa silid at iniabot niya iyon sa akin.

"Nagawa kong makatakas kanina mula sa pinagkulungan nila sa akin. Makakaalis na sana ako rito gamit ang isa sa chopper nila pero pinasabog iyon ng isa sa mga tauhan ni Armando. Wala akong nagawa kundi tumakbo papunta sa kagubatan upang makalayo sa kanila. Nasundan ako nang mga tauhan niya pero bumalik rin ang mga iyon rito nang makatanggap sila ng balita na narating na raw ng mga sundalo ang simbahan ng Balangay. Napagdesisyunan kong bumalik at magmanman rito. Matapos ang ilang oras ay nakita ko ang ilang mga sundalo na sumugod papunta rito. Tutulong sana ako pero narinig ko sa dalawang sundalo na nakabantay sa helipad na paalis raw si Armando dahil sa buyer nito kaya pumasok ako rito sa loob. Hindi ko alam na kasama ka sa mga sundalong sumugod rito. Buti na lamang at nakita ko na kinakaladkad ka ng mga tauhan niya papunta sa silid na ito."

"Buhay pa si Raven. Tinulungan niya kami at ipinaalam niya sa amin ang mga nangyari rito at sa unit niyo." Paliwanag ko.

"Salamat at buhay pa siya. Pero paano ka napunta rito? Nalaman mong narito ako?" Pagtataka nito.

"Ipinahiram ako ni Sir Ibarra sa Unit nila Siv upang magsagawa ng retrieval ops rito. Hindi ko naman alam na unit niyo pala ang hahanapin namin rito. Ipinaliwanag ni Siv sa akin ang lahat pati ang tungkol sa huli mong audio report. Nakausap ko rin si General Dalisay at ipinaliwanag niya ang tunay na sitwasyon ng NAVSOG kaya hindi siya makapagpadala ng mga tauhan rito upang hanapin kayo." Napabuntong hininga ako.

"Kung ganoon ay alam na ni General Dalisay ang maling nangyayari sa loob ng NAVSOG." Inayos ni Harley ang pagkakatali ng buhok niya. "Kaya kailangan nating mapigilan ang Holocaust dahil wala ring saysay na makaalis tayo rito ng ligtas kung hindi parin sila nasusugpo."

"Pero Harley, hindi natin kakayanin nang tayong dalawa lang!" Singhal ko.

"Hindi ba't kasama mo sa pagpunta rito ang unit nila Siv? Matutulungan nila tayo na-"

"Patay na si Siv." Halos pabulong kong sabi. "At dalawa narin sa kasamahan nila ang patay na. Hindi ko alam kung nakaalis ng buhay sila Amanda, Hanes at Raven mula rito."

"Hindi." Natutop niya ang bibig niya. "Hindi."

"Na-ambush kami pagpunta namin rito. Pero bago iyon ay naging infected si Oasis noong nasa simbahan kami at napatay niya si Siv. Napatay naman nila Raven si Oasis. Si James naman, napatay sa labas ng warehouse na ito ng mga taga-Holocaust."

"Mga bwisit sila!" Singhal ni Harley saka ito nameywang. "Papatayin ko silang lahat!"

"Umalis na lamang tayo rito, Harley! Hindi natin kakayanin nang tayong dalawa lang!"

"Pero kailangan nating subukan! Kapag hindi natin sila pinigilan ay mas maraming buhay pa ang mawawala at masasayang ang ibinuwis na buhay nila Siv!" Sigaw niya.

May kinuha siya mula sa bulsa ng suot niyang  cargo pants at iniabot niya iyon sa akin.

Isa iyong vial na may laman na asul na likido.

"Ano ito?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang vial.

"Iyan ang anti-bodies. Nag-iisa nalang iyan na mayroon ako dahil ginamit ko na sayo ang isa kanina. Nais kong ikaw ang magtabi niyan."

Mabilis kong binuksan ang bag ko at kumuha akong damit ko roon upang ipambalot sa vial saka ko iyon inilagay sa loob ng bag.

"Kailangan natin ito bilang ebidensiya laban sa Holocaust Organization at kay Armando Hanov." Isinuot ko ang strap ng backpack.

Napatigil kaming dalawa nang may kumatok sa nakalock na pinto ng silid.  Nagkatinginan kaming dalawa.

"Oh shit." Bulong ni Harley saka siya napatingin sa pinto.

LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon