Hello! Maraming salamat at tinapos mo ang pagbabasa hanggang rito. Agad na ang hihingi ng pasensya dahil maikli lang talaga ang story na ito. Side story lang ito tungkol kay Richard Johansson Miller pero malaki ang kinalaman nito para sa Book 2 ng series. Book 1.5 lamang kasi ito.
May listahan ako ng facts para malinawan ang ilang sabit ng story na ito.
1. Ang base knowledge ko ay galing sa google. Kapag may hindi ako alam, si google ang kinokonsulta ko.
2. Napaghalo ko ang military rankings ng Philippine Navy at AFP para sa rankings ng characters. Hindi rin ako sigurado sa military structure nila dahil wala talaga akong alam sa Kapulisan at Kasundaluhan. Sorry.
3. Ang nasa book cover ay si Leon S. Kennedy ng Resident Evil Franchise at CGI Films nito na Degeneration, Damnation at Vendetta. Panoorin ninyo ang mga iyon at maiimagine ninyo ang fighting skills ni Richard mula roon dahil kay Leon ko ibinase ang ugali at kilos ng bida.
4. Nasunod ang original plan ko na sina Richard at Hanes lang ang mabubuhay. Pero sa process ng writing ay binalak kong itira si Amanda at Raven pero dahil maaga kong nairelease ang Chapter 1 (kung saan ay may flashback ng semi-final chapter) ay sinunod ko na lamang ang original plan.
5. Dapat ay sulat ang iiwanan ni Harley para kay Richard. Pero baka ang weird na kinulong siya ng Holocaust Org. Pero may papel at ballpen siya.
6. Dapat ay traitor si Raven at nagtatrabaho siya para sa Holocaust Org. Feeling ko naman ay magandang plot twist iyon kaso nga lang ay naimagine ko na mabait na tao si Raven. Hindi ko siya kayang gawin na masamang pogi. :c
7. Tatlong sangay ng special operations department ng AFP ang dapat na gagamitin ko rito pero ang Special Ranger Regiment o SRR at Naval Special Operations Group o NAVSOG lang ang ginamit ko. Originally ay dapat galing sa Light Reaction Regiment si Richard kaso maaga kong narelease ang sypnosis nito at hindi ko nailagay roon na taga-ibang department siya.
8. Naimagine ko bilang Siv Alquero ang visual ni Rebecca Chambers sa Resident Evil : Vendetta kaya sobrang ikli rin ng buhok niya.
9. Kinailangan kong ilista ang mga pangalan ng characters sa isang journal ko para hindi ko maiba bigla ang pangalan nila kagaya ng nangyari sa Project : Ferocity.
10. Dapat na maa-assassinate si Hanes habang papunta sa Senate Hearing pero binuhay ko pa siya dahil may mahalaga pa siyang role sa Book 2 ng series.
11. Dapat ang mapapatay ni Oasis ay si James, hindi si Siv. Kaso humina ang character ni Siv kaya maaga ko siyang inalis sa story.
12. Ang alternate ending nito ay buhay si Armando at iniharap siya nina Richard at Hanes sa Senate Hearing pero sasabihin niya na kasabwat niya ang dalawa. Napawalang sala lamang sila nang dumating si General Dalisay dala ang isang video recording na nagpapakitang kausap ni Armando ang ilang opisyal ng NAVSOG na tunay niyang kasabwat. Naagaw ni Armando ang baril ni Hanes at babarilin sana niya si Richard pero si General Dalisay ang tinamaan. Inamin ng heneral kay Richard na isa siya sa mga kasabwat ni Armando kaya napahamak si Harley at humingi siya ng kapatawaran bago siya tuluyang namatay.
Anyways, maraming salamat rin dahil pinagtyagaan mong antayin na matapos ito. Actually, achievement na natapos ko kaagad ito by March 2018. Inumpisahan ko ito last December 29, 2017. Halos tatlong buwan lang ang inabot ko sa pagsusulat nito samantalang ang Book 1 nito na Project : Ferocity ay inabot ng dalawang taon bago natapos. May improvement sa buhay si Uwak.
Humihingi rin ako ng pasensya kung napansin niyo na may maliliit na revisions ang ibang chapter. May adjustments kasi akong ginawa dahil napalayo ang story sa original plot. Pero feeling ko naman ay natapos ito ng maayos at may hustiya lalo na kay Harley. Kailangan talaga niya mamatay, sorry na.
Sorry rin kung mukhang na-rush ang last 5 chapters dahil buong magdamag ko tinapos iyon. Kailangan ko nang tapusin ito para magbigay daan sa pagtapos ko sa iba ko pang stories lalo na ang Natividad Series dahil last year ko pa inumpisahan ang dalawang story noon. Nasa draft pa ang pangatlo at may upcoming fanfic ako.
Again, maraming salamat sa pagsuporta sa Location: Catastrophe. Kung nagustuhan niyo ito ay sana maiboto niyo ito at basahin niyo rin ang iba ko pang stories.
Kung may katanungan kayo, compliments, violent reactions (lalo na kay Hanes) ay maaari kayong mag-DM or mag-iwan ng mensahe sa comments. Sasagot ako kapag nakapag-online na ako.
- R. Quincy
BINABASA MO ANG
LOCATION : CATASTROPHE [COMPLETED]
HorrorCATASTROPHE An event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster. Paano kung may natuklasan kang isang bagay na kayang wakasan ang buhay ng lahat ng tao rito sa mundo? Ano ang gagawin mo? Natapos na ang kaguluhan sa San Mariano. N...