Kabanata 11: Ang Unang Bantay

21 0 0
                                    


Tahimik lamang siyang tinititigan ng namumutlang kahera. Paminsan-minsa'y sumusulyap ito sa gwardiyang nakatayo sa likod niya, malamang ay nakatitig rin sa kanya pagkat nararamdaman niyang gumagapang sa kanyang likod ang paningin ng mga tao.

Ano ba kayo, burger lang ang gusto ko.

"Ah...what would be your order sir?" bulong ng babaeng kaharap niya.

"Isang Triple Pattie Burger Supreme with Bacon Mushroom Melt. Lagyan mo naman ng extrang cheese."

"Additional P15 po kada slice ng cheese."

"Sige, tatlong slice. Isa sa ibabaw, isa sa ilalim, tapos isa sa gitna ng mga patty."

"Yung meal na po ba yun o ala carte?"

"Meal. Upgrade mo naman sa Coke Float at Curly Fries."

"Ok sir, anything else po? Baka po gusto niyong mag-add ng sundae?"

"Hindi okay na yan."

"P295 po in total. I receive P500."

Si Apolaki naman ngayon ang nakatitig sa sarili niya. Mapanghi ang amoy ng palikuran ng kainan. Nakakawalang gana. Ni hindi niya masikmura ang nanikit na mga mapula-pulang linya ng urinal. Maliit lang ito, at sa kanyang lapad at tangkad, maliit lang ang lugar na kanyang paggagalawan, kung kaya ingat na ingat rin siyang wag dumikit sa mga pader. Mga pader na may kung ano-anong nakasulat at kababalaghan.

Malabo ang balik ng kanyang imahe. Puno ng mga puting patak at linya ang maduming salamin. Binuksan niya ang gripo at nagraragasang lumabas ang malamig na tubig. Himalang may malinis na bagay pa pala sa lugar na ito.

Kaya naman pala ganon na lang ang titig nila sa'kin, may tae pala ako sa pisngi.

Kinilabutan si Apolaki habang hinihilamusan ang kanyang mukha. Wala siyang magagawa sa mga mantsa at amoy ng kanyang damit. Ano kayang mas mabaho? Ako o ang palikurang ito?

Bumalik na si Apolaki sa kanyang lamesa. Napangiti siya nang makitang may maliit na batang lalakeng nanginginain sa french fries niya.

"Naku anak, ano ka ba! Wag mong kainin yung pagkain ni lolo! Hindi sa'tin yan! Gusto mo ng palo?"

"Ayaw Agie palo!" sigaw ng naiiyak na paslit.

Nanlaki ang mga mata ng bata. Tumingin ito sa kanya, at lumingon sa nanay nitong hinahatak na siya pabalik sa kanilang lamesa. "Gusto Agie tong French fries, okay?"

"Ha ha, sige sa iyo na yang french fries, apo." Ani Apolaki habang natatatawa-tawa pa.

"Naku lolo, wag na po, pasensya na." ani ng nanay ng bata. "Agie, ibalik mo yang hawak mo! Kay lolo yan!" Dagdag pa nito.

Hindi na nakaimik ang batang diretso nang binuhat ng kanyang ina.

Nakangiti pa rin si Apolaki habang humihila ng isa pang silya. Hindi siya kasya sa isa. Ganoon din kaliit si Silab dati. At kahit dalawang taong gulang pa lamang siya madaldal na at matalino. Maliksi. Makulit.

Naaalala pa niya, tila kelan lang kung gaano kaliit ang mga kamay nito kumpara sa mga kamay niya. Tiningnan niya ang kanyang mga palad, punong puno ito ng mga kalyo.

Tiningnan ni Apolaki ang kanyang mga palad. Nanginginig at namumutla. Kinuyom niya ang mga ito. Mga walang kwentang bagay. Ni wala man lang siyang nagawa para iligtas ang kanyang ina at asawa kanina. Maingay ang iyak ng sanggol na buhat-buhat ni Nana Regina.

"Kailangan niya ang kanyang ama, Apo."

"Ang kailangan niya ay ang kanyang ina". Sagot niya sa matanda, hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga kamay.

SinagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon