Kabanata 12: Impyerno

24 0 0
                                        


"Ina, huwag niyo nang pagurin ang mga mata ninyo at sayangin ang mga kandila para lagyan ng mga burda yang lumang barong ni ama."

Ni hindi tinanggal ni Regina ang kanyang mga mata sa binuburdang kasuotan. "Pero anak, nanalo kang Mayor." Ang sabi lang nito.

Napabuntong hininga lamang si Datu sa kinauupuan niya, habang nakasilip sa bintana ng kanilang munting kubo sa kabundukan. Gawa lamang ito sa pawid, at wala itong kwarto. Ang kusina, kainan, at tulugan ay sama-sama lamang na pinagkasya sa loob ng bahay. Ang palikuran ay nasa labas, malapit sa balong pinag-iigiban ng tubig inumin, pampaligo, panglaba at kung ano-ano pa. Napakapayak lamang ng buhay dito, ngunit mas masaya siya rito kesa sa pamumuhay sa baba. Malaki nga ang bahay na tinitirhan niya, ngunit mag-isa lamang siya doon, kasama ng mga multo ni Inang Mayari at ni Lirya. Biglang nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. Maski ilang taon na siyang naninirahan sa bahay na halos ibinigay na sa kanya ni Apolaki, hindi pa rin niya magawang buksan ang dating klinika ng Kumadrona.

Malamang ay kinalawang na ang mga kagamitan nito. Natuyo na lamang at nagmantsa ang mga dugo.

Kakaunti lamang sa kanyang mga kaibigan sa munisipyo ang nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao. Yun lamang mga kasama rin niya sa kilusan. Yun lamang mga nirekrut nilang dalawa ni Gustav.

Sinong mag-aakala na may babae pala ito sa munisipyo. At yun pa kamong namamahala sa mga prangkisa? Lagot kami kay Ate Puring.

Nagsimula siyang clerk nito. Matapos ay may mga nakilalang kaibigan sa opisina. Naging kagawad, naging kapitan. Vice Mayor. At ngayon, Mayor na nga. Kumaway sa kanya ang dalawang binata sa labas. Ngumiti lamang siya. Napabuntong hininga ulit sa kanyang inang tahimik na nagbuburda.

"Ano, napag-isipan mo na ba yung imbitasyon ko sa'yo?" Nakangiting kinawayan ni Silab si Datu mula sa kanyang kinauupuan pero alam ni Rajah na siya ang kausap ng binata.

"Anong oras nga ba ulit mamaya?" Kumaway rin si Rajah sa kanyang ama. Minsan lamang niyang makita ang kanyang ama.

"Alas-sais." Matalim ang tingin sa kanya ni Silab, halatang iritado. Kung sabagay, pang-apat na beses na yata niya itong tinanong ngayong araw na ito. Apat nga ba, o lima?

"Alas-sais." Inulit pa niya, tila pinapaikot-ikot sa bibig ang mga salita. "Bakit nga ulit?" dagdag pa niya.

"Sinabi ko na sa'yo. Mag-aaral tayo. Tatalakayin natin yung laman nung librong pinahiram ko sa'yo. Natapos mo na ba?" Mas tumalim ang tingin sa kanya ng kaibigan niya. Nakaupo lamang ito sa isang nakatumbang troso, nagliliha ng dalawang kamagong na baston. Kahit naman tumayo pa ito ay mas matangkad pa rin siya dito, pero nakakapangliit pa rin ang mga tingin nito.

"Yung Maikling Kurso? Oo. Nabasa ko na." Tinabihan na lamang niya ang kanyang kaibigan. "Akala mo ikaw lang ang may bagong laruan?" Mas mabuti nang ganito, magkatabi kami. Mas madaling iwasan ang titig niya.

Nilabas ni Rajah ang isang maliit na revolver na nakaipit sa kanyang pantalon. Nang hindi umimik ang katabi, nagpatuloy lamang siya. "Binigay sa'kin ni Tata Seno para sa kaarawan ko. Hindi ko pa nasusubukan siyempre, pero balita ko pwede raw magpaturo nito kina Macmangitan diba?"

Nanlaki ang mga mata ni Silab, kasing laki ng ngiting humati sa kanyang mukha. "Ibig bang sabihin...ibig sabihin, sasama ka na sa'kin? Sasamahan mo na'ko?" Hindi pa man siya nakakasagot ay niyakap na siya ni Silab ng mahigpit, hawak-hawak pa rin ang isa sa mga bastong nililiha nito, pinapalipad ang mga alikabok.

SinagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon