🌻SUMMER🌻MONIC's POV
Sinipat nya ulit ang sarili sa salamin. She is wearing a black crop top na kita ang pusod nya. Pinaresan nya ito ng black leather jacket, black ripped jeans and her favorite black boots. Hinayaan nyang nakalugay ang maitim at tuwid na buhok nya. Sabi ng kaibigan nya gagabihin na sila bago makabalik ng Hacienda.
Bumaba sya patungo sa sala ng hinarangan agad sya ni Manang Fe. Katiwala nila rito sa bahay.
"Señorita saan na naman kayo pupunta?" may pag dududa na tanong ng matanda.
Ngisi lang ang itinugon nya sa matanda.
"Tatakas na naman kayo señorita! Mando!"dali daling lumabas ng bahay ang matanda at itinawag ang leader ng ninja turtles nya.
Tumakbo sya pabalik sa itaas. Tinungo ang sariling kwarto at dumeretso ng veranda. Sumilip sya sa ibaba.
Napangisi sya ng makitang wala ni isang tauhan ang papa nya nakabantay sa baba. Dali-dali nyang kinuha ang dalawang kumot at itinali ito. Masyadong mataas ang veranda ayaw nyang magalusan ang maganda nyang kutis. Sinadya nya talagang magpakita sa kasambahay para tawagin nito papunta sa harapan ang mga bantay nya. Alam na nito na balak na naman nyang tumakas dahil naka bihis sya.
"Spread your wings and fly high sexy girl." nakangising sambit nya bago bumaba ng dahan dahan gamit ang kumot.
Nang makababa na ay agad syang tumakbo patungo sa kwadra ng mga kabayo. Naroon kasi si Lightning. Her stallion.
"Señorita!!!!" hahangos hangos na habol sa kanya ng matanda. Nahulaan na talaga nito ang plano nya.
"Nako lagot na naman ho ako ky Don Miguel!"
"Manang Fe mag iikot-ikot lang naman ako sa Haceinda." nginitian nya ito ng pag katamis tamis.
"Lumang palusot na yan. Tatakasan nyo na naman ako." pakamot kamot ito ng ulo.
"Ako bahala sayo ha. I'll be back before Papa comes home. Adios!" at umangkas agad sa kabayo nyang si lightning.
"Señoritaaa!"
Ngumisi sya. Kanina pag nag hihintay ang private yatch ni Jacob sa karagatan.
"Heyah! Lightning faster baby boy. ." hinampas nya ng kaunti ang lubid na naka kabit sa katawan ng kabayo nya. Nakita nyang nagmamading sumakay ang mga tauhan ng papa nya sa isang hummer para habolin sya.
"Mga bobo. I'm a horse racer."
Nang makarating sa pantalan ay agad syang bumaba sa kabayo. Itinali nya si Lightning sa isang puno ng mangga.
"Good job baby boy." hinimas nya ang ulo ng kabayo.
"Hey Ysa. Ang tagal mo. Let's go babe bago pa tayo mahuli ng matandang Mijares." It's her friend Jacob Tanaki.
Agad syang umangkas ky Jacob sa jetski. Nasa gitna kasi ng dagat ang yate nito. Panigurado na malalaman ng papa nya pag sa mismong pantalan ng isla ito dumaong.
"Thanks Jay. Your the best."
--------❤😍
Dumeretso silang dalawa sa isang condo building. Sinuri nya ang kabuohan ng unit na binuksan ni Jacob.
"So what do you think? tanong sa kanya ni Jacob at naupo sa isang solo sofa sabay bukas ng beer.
"This will be fine." matipid na sagot nya.
BINABASA MO ANG
TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)
General FictionMatured Content (R-18) Kaizer Dean Montero and Monica Ysabelle Mijares. She was fierceful and rebellious. Monica Ysabelle Mijares, daughter of Miguel Mijares. Kilalang businessman ang Ama nya na nag mamay-ari ng sikat brand ng beverage and wine. She...