Chapter 21

13.3K 325 5
                                    


MONIC's POV

Months had passed. Ito sila ngaun ni Faith at nag hihintay ng magiging resulta ng board exam nila. Ilang araw din syang tumuloy sa bahay ng kaibigan. Nangako sila sa isa't isa na sabay silang kukuha ng exam. Sa una ayaw pa ng Papa nya. Gusto nito na samahan sya ng Mama nya sa pamamalage sa Manila hanggang sa matapos ang araw ng board exam nya. Andito sila ngaung dalawa sa sala ni Faith.

"Monic iha my delivery para sayo." bungad ng Yaya Nay ni Faith na galing sa labas.

"Ho? kanino na man po galing?" takang tanong nya.

"Walang sender daw iha e." sabi ni Yaya Nay.

Wala naman syang inaasahan na delivery galing kanino at mga magulang lang nya ang nakakalaam na dito sya kela Faith namamalage. Agad na nagpaalam sya saglit para lumabas at tingnan kung kanino galing ang delivery.

"Ma'm Mijares good am po." bati sa kanya ng lalaki.

Agad na iniabot sa kanya ang isang medium box. May kasama itong bulaklak na tulips.

"Kanino po galing ang mga ito?" tanong nya rito at agad na iniabot ang box. Medyo mabigat ito.

"Wala hong sender Ma'am e. Paki perma na lang po rito."

Agad na inabot nito ang isang papel.

Kanino kaya ito galing?

Tiningnan nya ang bulaklak kung meron ba itong card pero wala. Agad syang pumasok sa loob para tingnan ang laman ng box.

"Wow friend ano kaya laman nyan. Dali buksan natin." sabi ni Faith.

Agad silang nagpakuha ky Yaya Nay ng gunting para mabuksan at matingnan ang laman ng box.

"Daebak!!(Amazing) kanino galing ang nga ito friend?" na ibulalas ni Faith ng makita ang mga lamam ng box.

Photo frames ang mga ito at apat na piraso. Kinuha nya ang isa sa apat na frame. Nagulat sya ng makita ang nakaguhit.Sketched painting nya. Ito yung damit nya nung una silang nag kakilala ni Kaizer. Agad nyang tiningan ang iba. Meron kuha nya nung graduation, yung gabe na kumanta sya sa bar ng matagpuan sya ng binata at ang huling painting ay kuha nya sa barko sa upper deck ng pauwi sya ng Palawan. Lahat ng naka sketched ay iisa lang ang size.

"This is wierd." sinipat nila ni  Faith kung my nakasulat ba sa painting kung galing kanino pero wala. Posible ba na galing ito sa binata?

"Ang galing naman ng gumawa nito friend. Sosyalin at naka framed na lahat. Ang ganda nag pagkakaguhit. Kuhang kuha ka oh." nakangiti si Faith gabang sinisipat ang bawat painting.

"Oo nga. Pero kanino naman kaya galing to?"

Posible ba na galing ito ky Dean?

"Oo nga no walang note kasi. Baka galing sa secret admirer mo. yiiiiih..." kinikilig na sabi ni Faith.

Napapitlag sya ng  tumunog ang cellphone nya. May nag text sa kanya.

Unknown number again?

Congratulations. That sketched painting of yours is supposed to be my graduation gift. I draw it.

"Graduation gift?" wala sa sariling nasabi nya.

Sino kaya ito? Graduation gift daw sana ito sa kanya. Ayaw nyang paasahin ang sarili na posibleng galing ito sa binata.

Agad nyang tinawagan ang number na nag text pero out of coverage area na ito.

"Friend you looked so worried. Hayaan mo na baka galing lang yan sa admirer. Tara kain na lang tayo wala pa naman ang result ng exam nagugutom na ako.hehe baka advance gift if ever maka pasa ka ng exam."

TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon