Chapter 37

13.7K 282 3
                                    

MONIC's POV

Days past so fast. Hindi nya namalayan na e-celebrate na nila ang surprise birthday party para sa kaibigang si Faithy. Hindi pa pala nya nasasabi sa kaibigan ang magandang balita. Paano ba naman buong tour nila sa Palawan ayaw itong  hiwalayan ng boss nyang si Vaughn.At sa isang linggong pamamalagi nila ni Kaizer dito sa Mansion e ngaun ang huling araw nila. Bukas ay maaga pa silang susunduin ng chopper nito. Ang sabi ng binata wag na daw sila mag barko dahil baka mapagod sya sa byahe. Naging okay naman ang pananatili nila rito. Mukhang nag enjoy ang binata kasama ng mga tauhan ng Papa nya sa hacienda.

Kaizer proved to her parents na mahal sya nito sa araw-araw na pag aalaga sa kanya at pag alalay. Daig pa nga nya ang isang my sakit na tao. Kahit pag lalakad lang ayaw pa yata syang mapagod ng binata. Lagi syang binubuhat pababa ng hagdan.

Napangiti sya ng makita ang binata na nakasakay ng kabayo. After three days na pagturo rito ng trabahador nila sa hacienda natuto na agad itong sumakay at patakbohin ang kabayo. Andito sila ngaun ng mama nya sa terasa ng Mansion nakatanaw sa binata.

Kaizer waved at her ng makita na titig na titig sya rito.Then he gave her a flying kiss. Natawa sya sa ginawa nito. Daig pa talaga nito ang babae kung mag lambing. Napalingon sya sa ina ng hinawakan nito ang mga kamay nya.

"I'm so happy for you baby. You had the best husband. Hindi nga nagkamali ang Papa mo sa pagpili kay Kaizer. Hindi kami nawalan ng anak. We gain a son sweetie." nakangiting sabi ng ina.

"Ma. Thank you for everything. Kung hindi dahil sa sobrang pagmamahal nyo ng Papa sa akin. Siguro hindi ko rin ho makikilala ang asawa ko. He maybe the exact opposite of Papa." pareho silang natawa ng Mama nya sa sinabi nya. Totoo naman kasi. Hindi masyadong showy ang Papa nya sa totoong nararamdaman nito like her. Siguro yon ang namana nya sa Ama. Lagi nag babangayan ang dalawa at nag aagawan kung sino ang aalalay sa kanya. Hindi pa nga nakaumbok ang tyan nya. Paano pa kaya pag lumabas na ang bata. Baka ito naman ang pag agawan ng dalawa. "Remember Ma. Nung umuwi ako galing Manila. You asked me kung naiwan ko ba ron amg puso ko. Si Kaizer po ang nakilala ko ng gabe na yon." sinulyapan nya ang binata na wiling wili kakasakay ng kabayo. "I think first love do exist."

"It was destiny Ysabelle. God gave us the right person at the right time baby. Ang papa mo kahit na madalas pahirapan dito sa hacienda si Kaizer. He really likes the man. Humanga ng husto ang papa mo nung humarap sya sa amin at inamin na tinulungan ka nyang tumakas. Ipinaglaban ka nya sa amin."  kitang kita sa mukha ng Mama nya ang paghanga sa binata.

"Honey!"

Pareho silang napalingon ng Mama nya ng makitang nakangiti ang binata at nakakaway sa kanya habang nag lalakad palapit sa kanilang pwesto.

"See how excited he is always just to be near you baby." nakangiting tukso ng Mama nya sa kanya.

"Hi to my beautiful mother in-law." nakangiting bati ng binata sa ina at bumaling sa kanya. " And to the most beautiful wife in the universe." lumapit ito sa kanya at hinagkan sya sa nuo.

"Iniingit mo naman yata ako Iho. Ay sya. Ysabelle ipapaayos ko kay Manang Fe ang mga dadalhin nyo pabalik ng Manila bukas." Nag paalam na ang ina na mauna ng pumasok sa bahay.

"Fresh pineapple juice? Nangingitim kana rito sa Hacienda" nakangiting alok nya sa binata ng maupo sa tabi nya. Agad nyang pinunasan ang mukha nito. Mukhang nagiging kayumanggi na agad ang balat ng binata rito sa hacieda. Lagi na lang kasi itong nakababad sa araw.

"I love this place hon. Tsaka hindi naman nababawasan ang kgwapohan ko di ba?" nakangisi na sabi nito at iniabot ang baso ng pineapple juice. Inirapan lang nya ito. "By the way. Someone wants to talk to you." iritadong sabi nito. Nang maubos nito ang isang basong juice ay inakay sya nitong tumayo.

TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon