MONIC's POV
"Friend nag mamadali ka na naman. Saan ka ba pupunta?" nagtatakang tanong sa kanya ni Faith.
" Sorry friend ha. May bago kasi akong raket. Mag iintern muna ako sa isang kompanya. Alam mo na malapit na ang exam natin. Marami akong babayaran." paliwanag nya rito.
"Friend lagi mo na lang tinatanggihan pag inaalok kita ng tulong." nagtatampo na sabi pa nito.
"Baby girl. Okay lang. Gagraduate na tayo. Di ba sabay pa tayo kukuha ng Board exam?" hinawakan nya ang kamay ng kaibigan.
"I'm lucky to have you baby girl. Nga pala. May boyfriend ka ba?" hindi nya kasi maintindihan si Vaughn bakit ayaw nitong malaman ni Faith na magkakilala sila.
"Ha?. ."
"Baby girl. . ." masiglang tawag ky Faith ng isang lalaki.
Napalingon sila pareho ni Faith sa likuran.
Veron Madrigal? Magkakilala pala ang binata at si Faith. Pasimple syang umatras at nagtago sa lalaki. Sumabay sya sa mga estudyanteng papalabas na rin ng Campus. Ayaw nyang makita sya ng binata. Baka makarating pa sa Papa nya na nagkita sila. Malalaman ng Papa nya kung saan sya nag tatago.
Panigurado mag tatanong si Faith sa kanya bakit bigla na lang sya nawala. Etext na lang nya ito mamaya.
Agad na dumeretso sya sa sakayan ng jeep patungo ng D.P Industrial Park. Ang sabi sa kanya ni Kaizer hindi sya nito masasamahan dahil my aasikasuhin daw ito na importanteng bagay.
Napabuntong hininga sya ng malalim. Hindi nya sigurado kung saan patutungo itong nararamdaman nya para sa binata. Ni hindi nya alam kung ano ba ang trabaho nito. Wala syang idea. Ang alam lang nya pinsan ito ni Veron Madrigal na kliyente ng Papa nya. Misteryoso pa rin ito sa kanya tulad ng gabe na may nangyari sa kanila.
Pagkarating ng D.P Building ay agad syang dumeretso sa information.
"Good afternoon po. I'm looking for Mr. Dela Pierre pinapapunta nya po ako rito para mag apply bilang isang intern." magalang nyang bati sa babae.
"Pangalan Miss?" mataray na tanong nito sa kanya.
Hala! ang totoo ko bang pangalan ang sasabihin ko?
"Ah. Pakisabi si Monic-"
"Fvck! You're fired!" napabalikwas sya sa likuran dahil kilala nya ang boses ng sumigaw.
"But s---ir!" nakita nyang nag mamakaawa pa ang babae na sinisanti nito.
"Tsk! malandi kasi. Three down. Kawawa naman." walang ganang sabi ng babae na pinag tanongan nya kanina.
Bigla syang natakot sa awra ni Vaughn. Nakakatakot pala ito pag nagagalit. Pero no choice na sya. Andito na rin lang sya kaya wala hinabol nya ito agad.
"Vaughn. .!" Malakas na tawag nya rito na ikinagulat ng mga empleyado.
"I said you're fire- Monic?" nagulat ito pag kakita sa kanya.
"Hala ang sungit mo naman! Siguro tinakot mo si Faithy ano para mapasagot!" masungit na sabi nya. Paano nito napasagot ang kaibigan e ang sungit-sungit nito! Panigurado matatakot lang yon.
"Tsk! How's my Margareth?" bigla yatang umamo ang mukha nito pag ka banggit ng pangalan ng kaibigan.
"Akala ko ba girlfriend mo yon bakit mo kinakamusta sa akin?" takang tanong nya.
"Tsk!"
Masungit nga talaga talaga.
Nakita nyang may tinawag ito na isa sa mga empleyado na nasa information.
BINABASA MO ANG
TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)
General FictionMatured Content (R-18) Kaizer Dean Montero and Monica Ysabelle Mijares. She was fierceful and rebellious. Monica Ysabelle Mijares, daughter of Miguel Mijares. Kilalang businessman ang Ama nya na nag mamay-ari ng sikat brand ng beverage and wine. She...