Chapter 39

13.8K 309 4
                                    

MONIC's POV

Napapitlag si Monic ng may isang bagay na itinakip ang asawa nya sa kanyang bibig at ilong. Sa tingin nya mask iyon para proteksyonan sya laban sa makapal na usok na bumalot sa buong function room. Halong kaba at takot ang bumalot sa puso nya ng marinig ang sunod-sunod na putok ng baril.

"Oh my God!" wala sa sariling tili nya at napayakap ng mahigpit sa braso ng asawa.

"Kaizer!!! Comeback here!" nag hysterical na sigaw ni Ellaine ang naririnig nya kasabay ng putok ulit ng baril. Walang maaninag si Monic dahil sa sobrang kapal ng usok. "Get down honey!" mariing utos ng asawa nya at mahigpit na hinawakan ang kamay nya. "This is Jaguar! Assist my wife. Do you hear me!"  bulong nito pero wala naman syang marinig na may sumagot. Sino naman si Jaguar? at sino ang kinakausap ng asawa nya?

"K-azier Dean! Don't leave me here!!" nanginginig sa takot na tawag nya sa asawa ng bigla na lang nito bitawan ang kamay nya. Napatili sya ng my sunod-sunod na naman na barilan syang naririnig. Lalo syang sumiksik sa ilalim ng mesa. Halos mabingi na si Monic sa ingay ng baril at tilian ng mga babaeng nasa loob din ng function hall.

"Stay here Monica." mariing utos ulit ni Kaizer at pinayuko pa sya ng kaunti. Papaano sya naaninag ng asawa sa sobrang kapal ng usok na bumabalot sa buong function hall?

"No.. Don't leave me here!!"Nagulat na lang sya ng bigla sya nitong kinabig at hinagkan sa nuo.

"You'll be fine honey.." hinagod nito ang likod nya para marelax sya. At yon lang ang huling narinig ni Monic bago tuluyang nawala sa tabi nya ang asawa. Biglang binalot ng kaba ang pagkatao nya. Paano kung may masamang mangyari sa asawa nya?Paano kung tamaan ito ng baril?sa tingin nya mga tauhan yata ng matandang intsik ang mga armadong iyon. Walang kasiguradohan ang kaligtasan ng asawa nya. Agad syang gumapang mula sa ilalim ng mesa. Kailangan nyang hanapin ang asawa at iligtas.

"Kaizer Dean!" napatili sya at pilit na nag pupumiglas ng my biglang humatak sa kanya. "Bitawan mo ko!" agad nyang hinarap ito at sinipa. Napadaing ang kung sino man na humawak sa kanya. Unti-unti ng nawawala ang usok sa paligid. Nanlaki ang mata ni Monic sa nakikita.

"Aw! Fvck!" si Nix pala ang humatak sa kanya mula sa mesa. Sapo nito ang tagiliran. "Grabe! Buntis ka pa sa lagay na yan Mrs. Montero! Let's go!"

"No! Na saan ang asawa ko!" naiiyak na sabi nya pero tinakpan lang ni Nix ang ilong nya ng panyo.

"Sorry Monic. I have to secure the safety of you and the baby. He does'nt want you to witness this!" yon ang huling narinig nya na sinabi ng binata bago mawalan ng malay.

-----😍

KAIZER's POV

He sighed in relieved ng makitang buhat ng kaibigang si Nix ang asawa nyang walang malay! Tinuon nya ang paningin sa matandang intsik na nasa harapan nya. Akala siguro nito ay tauhan nito ang pumasok kanina sa function hall. It's his comrades in Navy SEAL. Naka mask kasi ang mga ito ng itim katulad ng suot ng mga tauhan ng matanda. Hindi sinasadya na narinig ng isa sa mga ito ky Nix ang kinakaharap na problema nya kaya pa simple ang mga itong nag raid ng bahay nya at kinausap sya ng palihim na hindi nalalaman ng asawa. At ang mga putukan na nagaganap ay kunwaring engkwentro lang iyon para mapaniwala ang matanda! Mabuti na lang at alerto ang mga kasamahan para mailigtas ang mga civilan na nasa loob ng function room. This fvcking cruise ay pag aari din ni Samañiego.

"You son of a b'tch Montero!" namumula sa galit na mura ng matanda habang pinoposasan ito ng isa sa mga kaibigan nya at pinaupo sa isang mesa. Habang ang baliw nitong pamangkin ay iyak ng iyak. Sadyang madaling mabilog ang ulo ng intsik na ito na gahaman sa pera! Gabriel Ivans Samañiego's money helped him a lot. Kitang kita nya kanina ang pag kinang ng mga mata ng matanda pati na rin ang baliw nitong pamangkin.

TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon