MONIC's POVIsang linggo na ang lumipas simula ng umuwi sya rito ng hacienda. Todo alaga sa kanya ang mga kasambahay nila. Kahit ang Mama at Papa nya ay parang ayaw umalis ng bahay. Natakot na siguro ang mga ito na baka bigla na naman syang umalis ng walang paalam.
"Hi baby boy. Miss me?"
Hinimas nya ang ulo ni Lightning. Andito sya ngaun sa kanilamg kwadra. Isang linggo din syang nag mokmok sa Mansion. Hindi sya lumalabas ng kwarto nya.
Nababagot na nga sya kaya naisipan na lang nyang mangabayo at mag ikot-ikot muna ng hacienda. Dala-dala ang mga gamit nya sa pag pipinta.
Bigla syang nalungkot ng maalala ang iniregalo sa kanya ni Kaizer ng araw na sinagot nya ito. Mga gamit sa pagpipinta ang mga yon. Nalaman siguro ng binata na mahilig syang mag pinta dahil sa mga magulang. Naiwan nya lahat iyon sa apartment. Ang sabi sa kanya ni Gaelan pinakuha daw ng binata lahat ng gamit nya. Umaasa sya na isang araw susulpot ito ng hacienda para ihatid ang mga gamit.
"Let's go baby boy." agad syang umangkas sa kabayo.
"Ysabelle! anak baka mahulog ka. Ang tagal mo nang hindi nakasakay sa kabayo." habol na sigaw ng Mama nya sa bukana ng kwadra. Naroon pala yon.
"Don't worry Ma. Babalik po ako agad." kinawayan nya pa ito at pinatakbo ng mabilis si Lightning.
She missed the fresh ambiance of their hacienda. Napakatahimik at napaka kalma ng lugar. Kahit papaano napapagaan ng kapaligiran ang nararamdaman nya.
Sa pinakataas na parte sya ng lupain na ito huling pupunta mamaya. Kitang kita kasi mula roon sa itaas ang pag lubog ng araw na mamaya ay lulubog sa karagatan. Gusto nya ipinta ito. Maganda ang pagkakahalo ng sinag ng araw sa nangingislap na kulay asul na karagatan.
Nang mapagod sa kakaikot sa hacienda ay nag pasya na syang pumunta sa huling destinasyon nya. Agad nyang inayos ang mga gagamitin sa pagpipinta ng makarating sya sa itaas. Itinali nya muna si Lightning sa malaking puno ng Acacia na malapit sa pwesto nila.
Mag uumpisa na sana syang mag halo ng mga pintura na gagamitin ng tumunog ang cellphone nya. Agad nyang kinuha sa bulsa ng demin short nya at tiningnan kung sino ang nag text sa kanya.
Unknown number: ?
l miss you so much.
"Sino naman to?"
Hindi nya pinansin ang text. Baka nagkamali lang ang sender. Ipinatong nya ang cellphone sa damuhan at nag simula na syang mag halo ng mga pintura na gagamitin sa pag pipinta.
Nag simula ng lumubog ang araw. Napangiti sya at nag simulang mag pinta. Panandalian nyang nakakalimutan ang sakit na nararamdaman para sa binata pag nag pipinta.
Napangiti sya ng malapit na syang matapos.
"Babe!"
Malakas na sigaw ng lalaki ang nag palingon sa kanya sa likuran.
"Jay??"
Malalaking hakbang ang ginawa ng binata palapit sa kanya. Nagpagpag muna sya at tumayo na rin para salubungin ito.
"Hey brat!" agad syang niyakap ni Jacob.
"Jay, I'm so sorry. . I did'nt meant to hide also from you. . ." hindi na nya mapigilan ang maiyak.
Malaki ang naging kasalan nya sa lalaking ito. Na walang ibang ginawa kundi kunsintihin lahat mg kalokohan nya.
"Stop crying. . Let's talk later. I want you to meet someone." agad itong bumitiw ng yakap sa kanya at pinahid ang mga luha nya. Itinuro nito ang isang magandang babae na nakangiting naglalakad papunta sa kanila. Bumaba ito galing sa pick up.
BINABASA MO ANG
TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)
General FictionMatured Content (R-18) Kaizer Dean Montero and Monica Ysabelle Mijares. She was fierceful and rebellious. Monica Ysabelle Mijares, daughter of Miguel Mijares. Kilalang businessman ang Ama nya na nag mamay-ari ng sikat brand ng beverage and wine. She...